NAKAYUKO at nanginginig ang boses na inilahad ng kapatid ang mga pinagdadaanan nito. Nagulat siya sa mga nalaman. Pagkuwa'y nangilid ang mga luha at naikuyom ang mga kamay na nasa kandungan habang patuloy sa pagkukwento si Sandra. It was so painful hearing what she's going through. Hindi niya akalain na ganoon kalalim ang pinoproblema nito. Hindi niya akalain na tulad niya may malalim na pinagdaanan si Sandi. Nakaramdam tuloy siya ng matinding galit sa taong nagpaparanasan nun' sa kapatid niya at matinding awa para dito. Ilang sandaling katahimikan ang namayani matapos magkwento si Sandra na patuloy sa mahinang pag-iyak. Nakatitig lang siya dito. Hinahayaan itong ilabas lahat ng luhang makakaya nito. Para kahit paano maibsan ang sakit na nararamdam ng kapatid. She felt her pain and ange

