DUMAAN sila sa isang night market, uminom ng ilang baso ng beer at nakinig ng mga live band. Nagtatawanan habang kumakain at ng may tumugtog na sweet slow music isinayaw siya ni Noah, nakatitig ito sa kanya na para bang siya lang ang nakikita nito, na siya ang pinaka magandang babae sa buong mundo that he can't live without her. Bumigat ang dibdib ni Savannah. She wants this night to be a night to remember. Para oras na mawala na siya sa buhay ni Noah maalala nitong may isang Savannah na dumaan sa buhay nito. Pinilit niyang ngumiti habang nakatitig kay Noah na binubuksan ang pinto ng hotel room nila. Tulad ng plano niya nag checked-in sila sa isang three star hotel. Gusto niyang makasama si Noah buong gabi. Masolo ang huling sandali sa piling nito, para marami siyang babaunin na ala

