Chapter 5

1743 Words
LAKAD-TAKBO ang ginawa ni Savannah patungo sa kumpolan ng tao sa gitna ng soccer field. Kanina pa niya iniisip ano bang sayaw ang ipapakita. Ano bang dance steps ang alam niya bukod sa twerking na ginagawa lang niya kapag nalalasing sa mga bar? Wala na! Gusto na tuloy niyang pagsisihan ang kabaliwan na subukan ang audition! Sa sobrang abala ng isipan kung anong i-pe-perform. Hindi namamalayan ni Savannah na ang grupo ng soccer team na nakaupo sa bench habang sinusundan siya ng humahangang tingin. "Whoa, whoa, whoa! Is that Savannah?" "s**t! Is she going to audition?" "Damn! Sana makapasok siya! Para naman mabuhayan tayo ng dugo kapag may play offs!" Natigilan si Savannah at nilingon ang mga nag-uusap-usap. Ang grupo nina Noah. Lahat ng kumag nagsingisihan except sa lalaki. Bakit ba kahit nakakunot noo si sungit ang hot pa din niya? Parang tangang bulong ng isipan niya. Huminto si Savannah sa paglalakad pagkatapos at matamis na ngumiti. "Wish me luck, Noah!" Malanding aniya sabay talikod at muling naglakad palayo, pinapaindayog ang balakang. Nag-ingay ulit ang mga mokong at inulan ng panunukso ang lalaki. "Whoa! Whoa! Tama ba narinig namin, bro!" "s**t! How can you be so lucky man? Ikaw na lang ba lagi?" Kahit medyo malayo na si Savannah ay narinig pa niyang sumagot si Noah. "Shut up." Napalingon siya ulit. Pero hindi niya makita ang reaction nito. Naiiling na nagpatuloy siya sa paglalakad papunta sa mga babaeng nakapila. Kinalabit niya ang babaeng nasa unahan. "Sis, dito ba yung start ng pila?" Nawala ang friendly na ngiti ni Savannah nang pumihit paharap ang babae. Of all people nga naman na mapagtatanungan niya si Andrea pa. She's a typical na kikay/slutty look ang itsura nito, mapagkakamalang Kundi nakasuot ng pink para naman itong a-attend sa isang night party sa kinang at glitters ng mga damit nito. Tulad ngayon. May mag-a-audition bang naka-nakaboots at mini skirt? At kailan pa nahilig sa cheer dancing ang bruhang 'to? Idagdag pa noong nagsabog yata ng inggit ang diyos kumuha ito ng drum at sinalo lahat. Ang laki kasi ng inggit nito sa kaniya. Mula pa unang taon nila sa college tuwing mapipilitan na sumali sa beaucon si Savannah. Hindi magpapatalo si Andrea. Pinapakyaw nito ang mga ticket at nagpapalakas sa mga judges. But, ang ending hindi pa rin siya maungusan. "Oh, hello Vanni!" Peke itong ngumiti bago nakipag-beso sa kanya. "I didn't know you're into cheering dancing na din..." Ibinigay ni Savannah ang pinaka-plastic niyang na at pasimpleng pinunasan ang pisnging bineso nito. Baka magka-allergy pa siya. "You know, I'd like to try new things din naman, so ikaw, kelan ka pa nahilig sa ganito?" Anya at pilit na ginawang friendly ang boses kahit ang totoo gusto na niya itong taasan ng kilay. Nakakasuka ang kaplastikan nito. Lumapit ito ng bahagya sa kanya at kunwaring lumingon-lingon sa field bago nagsalita. "Satin-satin lang to, ah? May type kasi akong soccer player kaya ako sumali dito." Kumibot ang labi ni Savannah at pigil na pigil mag-angat na ginaya ang ginawa nito. Kunwaring interesado siya. "Who is it?" Naku, huwag lang si Noah bruha ka! Itinakip nito ng bahagya sa gilid ng mga bibig ang kamay. "Si Noah!" Bulong nito. Bruhang 'to! Magiging hadlang pa yata sa mga plano ko, ah! Pilit pa ring ngumiti si Savannah "Alam niya bang retoke yang ilong mo?" Nang-iinis na tanong niya saka ngumisi. Bumukas-sara ang butas ng ilong ni Andrea. Nagdiwang ang kalooban ni Savannah sa nakitanh matinding pagpipigil na mag-mega evolution ng galit ng babae. Kung pagandahan at palakasan lang din ng appeal, girl! Wala itong binatbat sa kaniya. Hindi na naka-rebatt ang bruha ng kuhanin ang atensyon nila ng babaeng nagsalita sa mikropono. "Attention girls!" napatingin ang lahat sa magandang babae. "I'm the head cheerleader of this squad. Unfortunately, I want you to know that, we only need three new members for our cheering squad and they will be joining us at the play offs next week! So give me with your best shot and goodluck!" Anito at nagsimula ng tumutog malakas na sounds. ?Just give me with shot your shot Why dont give me with your best shot Fire away. . . Lumalakas ang kabog ng dibdib ni Savannah sa tuwing may sasalang sa audition. Namimilog ang mga mata niya sa samu't saring klase kasi ng sayaw ang nakita niya. May nag back flip, breakdance, robotic style, folk dance, belly dancing, interpretative etc. Parang hindi cheering squad ang pinag audition-an nila. Dinaig pa yata ang world of dance. Super prepared at mukhang nagpractice ang mga kasabayan niya. Ang dahilan kasi ng panel, gusto daw ng mga ito na makita kung may potential sila sa pagsasayaw bukod sa cheer dancing. Atleast kung di man sila makapasa, pwedeng irekomenda sa ibang org. Ano naman kayang sayaw ang ipapakita ko dito? Nag-iisip pa lang siya ng gagawin ng tawagin na ang pangalan niya. "Next! Savannah Hidalgo!" Sigaw ng isa sa tatlong babaeng nakaupo sa panel. Sabay-sabay pa na lumingon sa direksyon niya ang mga babaeng nasa unahan niya. Nakangiwing naglakad papunta sa gitna. Ewan niya kung nananadya ba ang soccer team. Pumwesto pa talaga ang mga ito sa likod ng panel! What the f**k! Are they going to watch? Tili ng isipan ni Savannah. Ito na yata ang sisira sa reputasyon niya. Baka bukas headline na siya. "Savannah Hidalgo nagkalat sa try outs, parehang kaliwa ang paa!" OMG! Lumanok siya ilang beses at pilit pinanatili ang poise. "Hello! I'm Savannah Hidalgo, Tourism Student, Twenty yrs old." Ibinigay niya ang pinaka-charming niyang ngiti. "Go Vanni! Go Vanni! Go Vanni!" Nag-ingay ang team with matching beat ng palakpak. Umikot ang eyeballs ng isa sa mga babaeng judge. Halatang insekyora ang peg. "So, what do you prepared for us?" Nakangiting tanong ng babaeng nasa gitna na siyang pinaka maganda sa tatlo. Ito yung masasabi niyang simple pero maganda. "Uhmm... Actually—-" gusto na lang sana niyang sabihin wala siyang inihandang sayaw para sa audition. Nang biglang may maalala isang sayaw na napanood dati. It was a traditional dance from an unknown tribe. Sinasayaw lang daw iyon sa pagtitipon ng mga single na babae at lalaki sa tribo. Kapag binigyan ka ng bulaklak galing sa isa sa mga binata at tinanggap mo iyon, obligadong sayawan mo siya. The dance was somewhat erotic and sensual. Ni-re-represent kasi niyon na pumapayag kang maangkin ng lalaking iyon. "Savannah?" Napakurap si Savannah bago bumalik ang atensyon sa babaeng nagsalita. "Can you play a song with a slow melody." Nagtinginan ang tatlo. Lumingon ang babaeng nasa gitna sa kaliwang gilid nito kung saan nakapwesto ang audio set up. Tinguhan nito ang lalaking nakasuot ng headset, may pinindot sa laptop nasa harapan nito at pumailanlang ang malamyos na musika. Nagsimulang marahang iindayog ni Savannah ang balakang. Sumasabay sa mabagal na tutugtugin ang sensual na hampas ng katawan at mabining galaw mga kamay. She closed her eyes, upang alalahanin ang napanood na sayaw. She started to feel the rythm and imagined someone is watching her, so intensed na parang katulad sa napanood niya. Kagat ang ibabang labing, tinatangay ng mahinang ihip ng hangin ang buhok ni Savannah, ang kutis ay nakakasilaw sa tumatamang sikat ng papalubog na araw. She looks like a goddess, dancing and swaying in the wind. Nakakaakit, nakakabighani. Sa sobrang pagdama ni Savannah sa sayaw hindi niya namamalayan tapos na pala ang kanta. Kundi pa nagpalakpakan ang mga tao sa paligid. Dahan-dahan pa niyang iminulat ng mga mata at nasalubong niyon ang matiim na titig sa kanya ni Noah. Nagkatitigan sila. Was he staring at her the whole dance? Parang tanga naisip ni Savannah. Napakurap si Savannah at natauhan sa narinig na pagtikhim. Namumulang ang pisnging napalingon siya babaeng nasa panel. Nanunukso itong ngumiti na pinabalik siya sa pila. "Thanks for that wonderful dance, Miss Hidalgo. Hintayin na lamang po ang aming announcement kung sino-sino ang makakapasok sa cheering squad. Thank you!" Nagmamadali nang naglakad si Savannah pabalik sa pwesto niya sa likod. Sumulyap pa siya ulit kay Noah pero hindi na ito nakatingin sa kanya. Oh god! Tama ba ang nakita niya kanina, Nakatitig ito sa kanya? Buong sayaw kaya? Gosh! Bakit na kasi Noah ang pumasok sa isip niya habang sumasayaw at pinapanood daw siya nito! Vanni!, ang mga hormones mo! Nagkakagulo na! *** Kalahating oras din silang naghintay bago ma-i-tally ang score ng mga nag-audition. Tumayo sa tapat ng mic ang babae ring nagsalita kanina. "The wait is over!" Masayang iwinasiwas nito ang hawak na papel. Tumawag ng limang babae at hindi makapaniwala si Savannah na kasama siya. Pero tatlo lang ang kailangan. Ang lakas ng kabog ng dibdib ni Vanni. Naka crossed finger siya ng tawagin ang una at pangalawang pasok sa tatlong kailangan. Kailangang makapasok ako! Sigaw ng isip niya. "And... the last one na magiging part ng Red Phoenix Cheerleading Squad ay si---" ibinitin nito ang sasabihin habang nakangiting inililibot ang ti tingin sa paligid. Parang lahat pigil ang hininga. Napapikit si Savannah at muling nag-cross finger. Please. Let it me! Let it be me! Let be me! "Savannah Hidalgo!" Namilog pa ang mga mata ni Vanni at naitakip ang mga kamay sa bibig. Kulang na lang confetti! Feeling nanalo sa X factor ang reaksyon niya. Hindi makapaniwalang naglakad na siya palapit sa kinaroroonan ng babae nang pasimpleng humarang sa daradaan niya si Andrea na sambakol ang mukha. "OA ang reaction mo! Hindi ka nanalo sa beaucon noh!" Nawala na ang pagtitimpi nito. Ikaw ba naman kumpleto props at may back up dancers di pa din nakapasok. Tinaasan niya ito ng kilay. "Inggit ka lang! Tse! Tabi nga dyan daan retokada!" hinawi ni Savannah si Andrea saka nilampasan ang babae. Antribida talaga! sa loob loob niya. "Congrats and welcome to the team, Savannah!" Masayang bati sa kanya ng head cheer leader. "By the way, I'm Audrey!" Pagkuway dugtong nito sabay beso sa kanya. "Thank you! You can call me Vanni." nakangiting tugon niya. "Mamaya ipapakilala kita sa buong squad! Siguradong mag-eenjoy ka dito. Lalo na sa palalapit na play-offs!" Napakagat si Savannah bago ngumisi. Dahil sa mga nabubuong sa plano sa utak. "Tingin ko nga talaga mag-eenjoy ako, Audrey." Play offs here I come and Noah be ready... muli ngumisi siya na parang isang kontrabida sa pelikula.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD