Chapter 6

2833 Words
PUSPUSAN ANG ginagawang pag-pa-practice ng cheering squad, maging ang mga varsity dahil sa nalalapit na pagbubukas ng Major League Soccer. Iba't ibang university ang mag-co-compete para sa titulong MLS Champion. Buong campus ay nakasuporta sa gaganaping liga sa mga susunod na araw. Naghanda ang bawat departamento ng malaking tarpoline na isinabit sa gymnasium, placards and banners. Hindi akalain ni Savannah na mag-eenjoy siya sa cheering squad at magkakaroon ng mga bagong kakilala. Para bang ibang tao siya kapag kasama ang mga ito. Kahit p*****n at halos ma-devirginize na siya ka-s-split sobrang nasisiyahan siya. Pasimpleng kumakalap na rin si Savannah ng impormansyon tungkol kay Noah, at napag-alaman niyang bukod sa pagiging star player ng soccer team, isa rin itong scholar. The university offers scholarship for those excelling varsities/athletes that can maintain their good grades. Napag-alaman din niyang self supporting student ang binata at galing sa middle class na pamilya. Nakaramdam si Savannah ng paghanga sa lalaki. Hindi lang pala ito hottie at smart, responsable din. Samantalang siya? Failing lahat ng grades. Hindi nga niya alam paano pa siya umabot ng second year college. Suki siya sa guidance office dahil sa pagiging war freak. Idagdag pa ang mga lalaking araw-araw na bumabastos at ang maling usap-usapan tungkol sa kanya sa campus. Wala yata siyang maipag-malalaki kundi kayamanan at kagandahan. Kaya siguro kahit anong pang-aakit at pagpapansin ang gawin niya kay Noah tuwing practice deadma siya. Malamang ang tipo nitong babae ay yung maipagmalalaki nito sa kahit kanino. Hindi ang isang tulad ni Savannah. *** AFTER ng pratice nagtungo si Savannah sa Dean's office. Kailangan niyang papirmahan ang waiver para sa out of town play offs ng soccer team. Kasama ang cheering squad na pupunta upang makipag-compete naman sa cheer leading competition. "Is this real?" nagdududang tanong ng Dean nang iabot ni Savannah ang papel dito. "Yes, Ma'am." Patango-tangong sagot niya. Hindi pa rin nito pinirmahan ang waiver at nakataas lang ang kilay sa kaniya. Mayamaya ay binalingan nito ang pintuan nang may kumatok doon. "Come in!" Si Noah ang pumasok sa silid na tulad ni Savannah ay magpapapirma rin ng waiver. Sinenyasan ng Dean ang binata na maupo sa katabing silya na kinauupuan ni Savannah. "Back to you, Miss Hidalgo. Baka naman pina-photo copy mo lang ito para makapang gulo na naman. At isa pa---" tinignan siya nito ng pailalim. Ibinaba pa ang suot n reading glass. "Hindi kapani-paniwalang nakasama ka sa kilalang cheering squad ng campus. Ano na lang ang i-a-ambag mo doon? Paligayahin ang kalalakihan? Nakakahiya, Ms. Hidalgo." patuyang wika nito. Kahit ayaw ni Savannah, nasaktan siya sa narinig. Para bang mababang uri siya ng babae. Naroon pa man din si Noah. Lalo tuloy siyang nanliit at hindi makatingin sa lalaking wala namang reaksyon. But It's her fault. Nakilala na siyang ganoon sa campus dahil na din sa kagagawan at kagustuhan niya. Walang sali-salita na tumalikod siya at lumabas ng silid. Kaysa masagot at masapak pa niya ang Dean. Baka tuluyan na siyang i-expell kapag ganun ang nangyari. --- Masama ang loob na dumiretso siya sa coffee shop kung saan nakatambay sina Tricia at Becca. "Oh? Anong nangyari sa'yo?" nagtatakang tanong ni Tricia nang padabog siyang maupo. "Nothing." Lukot ang mukhang sumalong-baba siya. "Balita namin sumali ka sa cheering squad? Nice move, Sis!" Nang-iinis na buska ni Becca. "Ang tanong umubra ba?" Sabat ni Tricia. Nanatiling nakasimangot si Savannah. Wala siya sa mood makipag kwentuhan. Ang gusto niya ay magkalimot sa pagkapahiyang naranasan. "Let's have some fun. I feel like drinking," matabang na anyaya niya sa mga kaibigan. Tumayo siya ng silya at nagpatiuna ng lumakad. Nagkatinginan naman sina Becca at Tricia pagkatapos ay sabay ng kumibit ang balikat at sumunod na rin kay Savannah. *** KINAUMAGAHAN nagising si Savannah sa sunod-sunod na vibrate ng cellphone na nasa ibabaw ng bedside table. Pikit matang inabot niya iyon at tiningnan kung ano oras na. Nanlaki ang mga mata niya ng makitang alas otso na nang umaga! Alas sais ang call time nila. Ngayon ang alis ng buong team para sa unang laban para sa league at out of town iyon. Napabalikwas siya ng bangon. "Aw!!" Sapo niya sa noo ng maramdaman ang pagkahilo at pagkirot niyon. Alas dos na siya ng madaling araw nakauwi kahapon. Nang yayain niya sina Becca at Tricia na mag bar hindi na niya namalayan ang oras. Mabuti nga nakauwi pa siya sa sobrang kalasingan niya. Shit hang over! Mahilo-hilong inabot ni Savannah ang cellphone sa side table at sangkaterbang ang text at tawag galing kay Audrey. May mga chat rin ito sa messenger. Malakas iyang bumuntong hininga. Naalalang nilayasan nga pala niya ang dean kahapon ng hindi napipirmahan ang waiver niya. Paano siya pupunta doon? Tumitipa siya sa gadget nang malakas uli siyang bumuntong hininga at nagmamadaling bumaba sa kama at nag-ayos ng mga gamit saka nagtungo sa banyo para maligo. Fuck it! Ako ang batas no! *** Nagpahatid si Savannah sa driver nila sa campus. Hindi niya pwedeng dalhin ang sasakyan dahil mag-o-over night ang buong soccer team at cheering squad sa hotel. "Manong, hintayin niyo ako dito. I-te-text ko kayo kapag wala na yung bus namin, uuwi na lang ako," habilin niya kay Mang Jerry bago bumaba ng sasakyan. "Sige po ma'am, Vanni." Anito. Tumango siya saka lakad-takbong tinungo ang quadrangle ng university. Sana hindi pa sila umaalis. nakacrossed finger na usal niya sa isipan. Nang makarating sa meeting area. Namilog ang mga mata ni Savannah nang makitang naroon pa ang isang bus! Halos takbuhin niya papunta sa sasakyan. "Vanni!" kumakaway na tawag ni Audrey na nakasilip sa bintana ng bus. Kumaway din naman si Savannah. "Sorry I'm late." Hinging paumanhin niya ng makaakyat sa bus. Nag-ingay sa loob ng sasakyan nang tuluyan siyang makapasok doon. "Whoooooaa! Vanni is here!" Ani ng mga soccer player na nasa dulong bahagi ng bus. "It's okay. Nauna na yung isang bus." Nakangiting sagot ni Audrey. Inilibot niya ang tingin para maghanap ng mauupuan may katabi na kasi ang babae. May natitira pang isang upuan na hindi okupado at sa tabi iyon ni Noah. Ewan niya, for the first time in two years nakaramdam siya ng hiya. Siguro dahil sa nangyaring brutal na pamamahiya ng dean sa kanya sa harap ng lalaki kahapon. Huminga siya ng malalim at nagtungo kung saan nakapwesto ang binata. "Can I sit here?" She asked. Saglit na sumulyap lang sa kanya bago umisod. Nang makaupo na si Savannah, nagsimula na silang maging tampulan ng tukso. "Yiiiieeee! Ni-reserved talaga namin yan para sa'yo, Vanni!" Panunukso ng isang ka team nitong si John. "Para naman bukas sa game mabuhayan ng dugo itong star player natin." Sabat ng nagngangalang Earl na nasa likod nila. Tinapik pa sa balikat ang lalaki. Nilingon ni Noah ang mga ka-team. "Hey! Stop it!" Sita nito na tinawanan lang ng mga kasamahan. Wala pang trenta minutos ang binabyahe nila. Kanina pa hindi mapakali si Savannah. May kakaiba siyang nararamdaman sa pagkakadikit ng mga braso nila. Hindi naman bare skin na magkalapat ang balat nila dahil pareho silang naka-varsity jacket. Pero bakit ganun? May init siyang nararamdaman mula doon? Hindi niya tuloy mapigilang lingunin ang katabi. Natutulog pala ito at nakasandal ang ulo sa nakasaradong bintana ng bus. Nagkaroon siya ng time na pagmasdang mabuti ang lalaki. Mahabang pilik mata nito na bumagay sa mapungay nitong mata, matangos na ilong, sexy and kissable lips naman ang labing bahagyang nakapout. Ang harap sigurong humalik nito? Nagpyesta ang mga mata niya pababa sa prominenteng panga nito na may kaunting stubbles, sa leeg at nang mapansin niya ang adam's apple nito. Napalunok si Savannah. Kailan ba naging turn on para sa kanya ang adam's apple ng isang lalaki? She didn't expect Noah to be this delightful to watch while sleeping. Hindi pa sana matatapos ang pagmamasid niya ng gumalaw ito at magbago ng pwesto. Unconciously isinandig ang ulo sa balikat niya. Bumilis ang pintig ng puso ni Savannah. Para siyang hindi makahinga. Pucha, Savannah! Ano ka teenager? Nahalikan ka na nga ng kung sino-sino, sinandalan ka lang sa balikat para ka ng mag-co-collapse! Unti-unti niyang kinalma ang sarili tsaka dahan-dahang sumandal sa upuan. Ipinikit ang mga mata at nag-relax. That's right Savannah. Inhale. Exhale. Inhale. Exhale Pero hindi pa man siya totally nakakabawi nang iyakap naman nito ang isang bisig sa tyan niya. Ginawa pa siyang dantayan. Pigil hiningang sinilip niya ito dahil baka pinagsasamantalahan na pala siya ng loko eh, wala pa siyang kaalam-alam. Wow Vanni! Ikaw pa ang pagsasamantalahan ni Noah. Sino kayang papansin palagi? Nahiya naman siya sa naisip niya dahil tulog na tulog ang binata nang masulyapan niya. "Hmmmm..." mahinang ungol nito at himbing na himbing na humigpit pa ang yakap sa kanya na parang isa siyang unan. Walang magawa na napabuntong hininga na lang si Savannah at pilit na inigora ang kakaibang pakiramdam na lumulukob sa kanya sa pagkakayap nito. *** Hindi namalayan ni Savannah na nakatulog din pala siya. Nagulat na lang nang sa pagmulat ng mga mata na gising na pala si Noah at nakaunan siya sa balikat nito. Shit! Baka tulo laway ako, ah? Nabukas ang bibig and worst baka naghilik pa ako? Gosh! major turn off! Marahan siyang umalis sa pagkakaunan sa balikat nito. "I'm sorry, hindi ko namalayan na nakatulog ako." Pilit na ngiting wika niya. Sumulyap lang ito sa kanya bago nagsalita. "It's okay." Himala! Hindi pagsusungit ang sinabi ng lalaki sa kanya. Palihim pa niya itong pinagmamasdan. Nang maagaw ang atensyon nila ng nagsalitang si Audrey sa microphone. "Guys we're here at the hotel!" Masiglang anunsyo nito. "Get ready!" Tradition na ng buong team kasama ang cheering squad na mag-overnight sa mga hotel, kapah out of town league. Para hindi hassle sa byahe at makakapahinga pa ang mga player bago ang game. Nagkakagulo na nagsipag-handa sa pagbaba ng bus ang buong team. Tumayo si Savannah at pilit na inaabot ang bag niya sa lalagyan nang luggage storage. At napatanga ng abutin iyon ni Noah at ibigay sa kaniya. Kinuha niya ang bags dito at naiilang na ngumiti. Hindi siya na mabait ito at hindi nagsusungit. "T-Thanks..." Hindi ito umimik pagkatapos ay may kinuha sa bulsa ng bag nito at ibinigay sa kanya. "Yung waiver mo. Naiwan mo kahapon sa dean's office kahapon. Mamaya hahanapin 'yan ni coach." Anito tsaka siya tinalikuran at bumaba ng bus. Iyon yata ang pinaka mahabang sentence na binitiwan sa kanya ng lalaki. Binuklat ni Vanni ang papel at napa-awang ang labi nang makitang may pirma na iyon ng dean. Hindi tuloy niya napigilang mapangiti. Ngiting walang halos malisya o anuman pa man. Ngiting bukal sa puso. Hoy, Savannah! Enough! naawa lang yan sa'yo kahapon! Huwag kang OA!" Pagpasok sa hotel at makuha ang kani-kanilang hotel room key. Wala sinayang na oras ang buong team dahil nagtungo agad sila sa university kung saan gaganapin ang kompetisyon kinabukasan para mag-practice. Bandang alas syete na sila nang gabi nakabalik sa hotel. Nauna lang ng kaunting ang cheering squad dahil nagkaroon daw ang soccer team ng konti aberya sa practice game. Pero naresolusyonan din agad. Pagkatapos maghapunan nagpaiwan si Savannah at nagdahilan na maglilibot-libot sa hotel. Pero ang totoo ay may kinausap siyang isa sa mga receptionist para sa binabalak niyang gawin. Naglalakad na siya sa hallway patungong elevator nang maulinigan na may tumatawag sa pangalan niya. "Vanni!" Napalingon si Savannah. Ganoon na lamang ang pamimilog ng mga mata niya ng makita si Theo. Oh, god! What is he doing here! Nagmamadaling lumapit ito sa kanya. "Sabi ko na nga ba ikaw yung nakita ko eh! What a coincidence." "What do you mean?" Kunot noong tanong niya. "Naka-check in din ako dito sa hotel! Tingin ko tadhana ang nagtagpo satin, Vanni." Nakangiting wika nito. Hindi makapaniwala si Savannah nakatitig kay Theo. Coincidence ba talaga? Anong gagawin ng nerd na to' dito? This is a five hour long drive away from their school at ang alam niya nasa province ang buong family nito. Sinong dinalaw ng lalaki ito sa lugar 'to? Nakangiti nakatitig lang din ito sa kaniya. Kumikislap ang braces sa ngipin. Napangiwi si Savannah. Ang creepy naman parang stalker lang ang peg. Tumunog ang alarm sa cellphone ni Savannah. Hudyat na kailangan na niyang magawa ang plano. Kakaunting oras lang ibinigay sa kanya ng key holder na nakausap niya. "I need to go." Aniya at walang lingon-lingon na iniwan ito. Tinatawag pa siya ni Theo pero binilisan ni Savannah ang lakad at agad na pinindot ang elevator bago pa man makahabol ang lalaki, sumara na iyon. Luminga-linga sa paligid si Savannah pagbaba niya sa fifth floor. Swerteng walang katao-tao. Ngayon niya isasagawa ang maitim na balak. Kailangan niyang humanap ng something na pwede niyang ipang-black mail kay Noah para mapasunod ito sa mga plano niya. Mabuti na lang madali niyang nauto at nabayaran ang isa sa mga key holder ng hotel at ibinigay nga sa kanya ang duplicate key ng kwarto ni Noah. Pero binigyan lang siya ng thirty minutes. Dali-daling tumakbo si Savannah sa kwarto ng lalaki. Maingat na ipinasok ang susi sa key hole at binuksan iyon. Tiptoe na pumasok siya sa loob ng silid. Walang tao! Gotcha! Kagat ang ibabang labi na tinakbo niya ang kama kung saan nakapatong ang sports bag ni Noah. Wala siyang pinalipas na sandali at hinalungkat ang loob ng bag. Nang matigilan siya at mapalingon sa banyo. Mula roon ay nakarinig siya ng lagaslas ng tubig galing sa shower. Shit! What is he doing here? Hindi ba dapat wala pa siya dito! Narinig niya kasi kanina sa dinner na lalabas daw ang lalaki saglit kasama sina John. Kaya nga ngayon niya naisip na isagawa ang plano. Nagpapanic na isinara niya ang bag ng huminto ang shower. Hindi pwedeng tumunganga na siya! Pinagana niya ang isip nang mahagip ng mga mata ang iphone nito nakapatong sa ibabaw ng bed side table. Kinuha iyon at kakalikutin sana nang bumukas ang pintuan sa banyo. Sa taranta nabitiwan ni Savannah ang gadget at parang ninja na gumapang patungo sa pinto. Subalit natigilan din ng makitang tuluyan nang nakalabas sa banyo ang lalaki. makikita na siya nito kapag bumangon siya sa pagkakadapa sa gilid ng kama. Kung sa ilalim naman siya magtatago hindi siya kakasya dahil maliit lang ang space doon. Kaya no choice na ginapang ni Savannah makapal at mahabang kurtina na tumatakip sa glass wall at likod niyon siya nagtago. Lumakas ang kabog ng dibdib niya nang marinig mga yabag ng paa ni Noah. Sumilip siya at napalunok siya nang makitang nakatapis lang ng tuwalya sa ibaba ng balakang ang lalaki. Nakatalikod ito sa kaniya at kitang-kita niya ang likod nitong parang ang tigas at siksik sa muscles! May mga butil ng tubig na tumutulo galing sa basang buhok nito. Nagkagulo ang mga brain cells ni Savannah sa nakikitang masarap na tanawin. Napakagat labi siya nang may maramdamang kiliti pababa sa pagitan ng mga hita. Ay, s**t! Maiihi pa yata ako nito! Nag-ring ang teleponon ni Noah at sinagot iyon ng lalaki. "Yes. Nandito na kami sa hotel." Anito pagkatapos ay mahabang katamihikan na parang pinapakinggan ang nasa kabilang linya. Kunot ang noo at nagtatakang na nakikinig lang si Savannah. Ilang minuto ding nakipag-usap ang lalaki sa mono syllabic na sagot bago nagpaalam sa kabilang linya. "Okay, I'll call later love you!" Anito at ibinaba na ang telepono. Naningkit ang mga mata niya. Tama ba ang kaniyang narinig? Love you!? s**t! May girlfriend yata 'tong lalaking na 'to! kaya hindi siya pinapansin? Bakit nakakasiguro ka bang babae ang kausap niyan? Malay mo lalaki din pala at paminta yang Noah na yan! Wika ng isip niya. Muli sumilip si Savannah at napalunok na naman. Nakaharap na ito sa kinaroroonan niya at mukhang busy sa pag-te-text. Damn! Mas hot pala ang mokong kapag nakaharap! Pinagmamasdan niya ito na parang luka-luka. Mula sa mukha pababa sa dibdib, sa tiyan na may abs pababa pa sa natatakpan ng tuwalya... Napakagat labi at naipit na naman ang mga legs, pakiramdam niya naiihi siya at may kiliting dumadaloy doon habang nakatingin sa lalaki. Ngayon lang siya nakaramdam ng ganito sa tanang buhay niya. May mga naka-date na din naman siyang mga gwapo at hottie pero hindi ganito kalakas ang dating. Yung tinititigan pa lang niya nakaka-aroused na. Abalang-abala pa din ang mga mata ni Savannah nang makaramdam ng pangangati ng ilong. Kinamot niya iyon at sa kamalasan hindi niya napigilan ang mabahing. Pilit na tinakpan pa ng dalawang kamay niya ang ilong at bibig. Pero mukhang narinig na siya ni Noah. Dahil tumigil ito sa ginagawa at nagtatakang tumingin sa direksyon na kinaroroonan niya. Patay kang bata ka!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD