Chapter 7

2345 Words
Kumapit nang mahigpit si Savannah sa makapal na kurtina at pikit matang isinandal lalo ang likod sa glass wall. Naririnig na niya ang mga yabag nitong papalapit sa kinaroroonan niya. Gosh! Nang maramdamanng hinawakan na ni Noah ang kurtina at hahawiin iyon. Nagmatigas si Savannah. Nakipaglaban siya at pilit na itinatakip ang kurtina sa sarili. "What the.. Who are you?" Galit na tanong ni Noah sabay marahas na hinila ang kurtina dahilan para mabitiwan iyon ni Savannah. Sa lakas ng pwersa sa pagkakahatak nito nawalan ng balanse si Savannah. Nagulat naman si Noah kaya sabay na bumagsak sa sahig ang dalawa. Nasa ibabaw si Savannah at nakapulupot sa kanila ang natanggal na kurtina. Namimilog ang mga mata na nagkatinginan ang dalawa. "What the hell are you doing here?!" Gulat na tanong ng lalaki. Pilit na kumawala si Savannah maging si Noah. Pero nagkapalit lang sila ng pwesto at napunta ito sa ibabaw niya. "Get off me!" Nagpumiksi siya at pilit itinulak ang lalaki. "What the hell! You're the one who invaded my room!" Tila walang naririnig na nagpupumiglas si Savannah ang nasa isip niya ay makawala sa pagkakadagan sa kaniya ni Noah. Subalit unti-unti siyang natigilan nang maramdaman ang matigas.. malaki at mahabang hawak ng isang kamay niya... Wait... what the f**k is this.. Nang mapagtanto kung ano 'yon iyon nanlaki ang ang mga mata niya at naghugis "O" ang bibig. Oh. My. God! He's having a hard on?! Muling silang nagkatitigan. Umiigting ang panga nito at nagsasalubong ang kilay. Nanatili namang awang ang bibig ni Savannah hindi malaman ang gagawin. "Bro? Bro, pinatawag na tayo ni coach." Sabay silang napalingon sa pintuan. Naririnig ang boses ni John habang sunod-sunod ang katok. "s**t!" naiiling na usal ng lalaki at pilit na inalis ang nakapulot na kurtina sa kanila. "This is your fault!" Paninisi nito sa kaniya. "What?! Hindi ko sinasadyang pumasok dito, okay!" Pilit rin niyang inaalis ang kumot. "Kung hindi mo hinatak ng malakas, edi sana hindi ako nawalan ng balanse! So, it's your fault!" "Aba, kasalanan ko pa ngayon? Sino ba kasing nasa katinuan ang pag-iisip na papasok sa hindi niya kwarto?!" Asik nito. Ang aktong pagsasalita ni Savannah ay natigilan nang biglang buksan ni John ang pintuan. Sumungaw ito at obvious na nagulat nang makita sila ni Noah sa sahig. "Whoa! Whoa! Did I interrupt something?" Sakto namang lumuwag na ang pagkakabalot nila sa kurtina kaya nakabangon na ang lalaki at inayos ang pagkakatapis sa tuwalya nito na natanggal habang si Savannah ay dinaig pa si The Flash sa pagmamadaling umalis. *** Ang lakas ng kabog ng dibdib ni Savannah nang makabalik siya sa silid nila ni Audrey. Hindi niya napigilan ang pagsilay ng pilyang ngiti sa labi. Inilapat niya sa dibdib ang kamay na di sinasadyang naihawak sa... nakagat ni Savannah ang ibabang labi. Gosh! He's massively huge! "Anong nangyari sa'yo? Anong meron sa kamay mo?" Nahihiwagaang tanong ni Audrey na hindi niya napansin na kanina pa nakatingin sa kaniya. "Ha? Wala..." namumula ang pisnging lumakad patungo sa kama niya si Savannah at sumalampak ng upo doon. "Ows? Saan ka ba galing?" Nag-isip siya kung sasabihin dito ang engkwentro nila ni Noah. For sure sa daldal ni John, bukas broadcast na sila. Pero kailangan niyang gumawa ng alibi para hindi ma-question kung paano siya nakapasok sa silid ng lalaki. Nagsimula nang gumawa ng kwento si Savannah sa isip niya. "May nangyari kasi, eh..." "May problema ba?" "Ano kasi—" "Ano nga?" lumipat ito sa kama niya. "Hindi sinasadyang nakapasok ako sa kwarto ni Noah." Namilog ang mga mata nito. "What! As in si Noah the star player? Paano? Kailan? Saan?!" May star player talaga? "Oo may iba pa bang Noah, Sis?" Umiirap ani Savannah. Oh, so... Paano nga?" She sounded to excited. Parang di makapag-hintay sa kwento niya. "Just promise me.. this is between you and me." "Promise." She raised her left hand. "Your secret whatever it is.. is safe with me." "Minsan.. hindi nagfufunction ng maayos ang brain ko. Hindi ko namamalayan na may ginawa pala akong isang bagay. Kaya akala ko talaga kwarto natin yung pinasukan ko. Hindi naman din kasi naka-lock. Nahiga na nga ako sa kama niya. Tapos... tapos... bigla siyang lumabas na banyo nakatapis lang ng tuwalya." Gustong batukan ni Savannah ang sarili sa sobrang lame ng kwentong inimbento niya. Maski grade one siguro hindi maniniwala. Pero nagulat siya sa reaksyon ni Audrey na paniwalang-paniwala. Sinasakyan ba nito ang mga sinasabi niya or uto-uto ang babae? "Tapos anong nangyari?" "Nung makikita na niya ako nagtago ako sa likod ng kurtina. To make the story short hinatak niya iyon then natumba kaming dalawa sa sahig--" she cut her off. "Sinong nasa top?" "Ako at first, then.. nagpalit kami ng pwesto and I accidentally touched his... you know?" Namilog ang mga mata nito at umawang ang labi. Atleast siya virgin lang pero di naman kasing inosente nitong si Audrey! "As in his little bird?" She asked innocently. Gusto matawa ni Savannah sa term na ginamit nito. Hindi nga little, eh. Anaconda yata. Yumuko siya pinipigilan tumawa. Masisira ang acting niya. "Yeah.. his actually not little. But to make it worst.. Nakita kami ni John sa ganoong tagpo." "Whaaat!? Naku, siguradong broadcast na kayo bukas!" Hindi ba't pabor iyon sa kanya? Kapag kumalat sa campus na nahuli sila ni Noah sa ganoong tagpo mapapaniwala niya ang mga kaibigan na may nangyari nga sa kanila. Pero ang problema! Hindi lang iyon ang gusto ng mga bruha, kailangan pang head over heels in love ang mokong sa kanya and for sure itatanggi ni Noah ang nangyaring insidente. Allergic pa naman sa kanya ang lalaking 'yon! Napasimangot siya sa naisip. "Hey, Vanni." Tapik ni Audrey sa balikat niya "Okay ka lang ba? Dont worry kakausapin ko si John na huwag ipagkalat ang nakita sa inyo ni Noah and I'll explain it to him." Nag-aalalang wika nito. Akala nito ang ikinasimangot niya ay ang pagkalat ng di kanais-nais na tagpo. Kung alam lang ni Audrey... baka mag-tumbling siya sa tuwa kung ganun ang mangyayari. But atleast may katulong na rin siyang i-defend ang sarili sakaling i-confront nang Noah na 'yon, kung anong ginagawa niya sa kwarto ng mokong. Mabuti na lang pala sinabi niya kay Audrey. Thanks a lot, Sis." Sincere na sabi niya. Nakakatuwanah dahil sq bagong kaibigan. Naramdaman niyang may ibang concern sa kanya. Bukod kay Kara. "You're always welcome sis!" Nakangiting wika nito "Anyway.. malaki ba o maliit?" Hindi na napigilan ni Savannah ang matawa. "Malaki." Pagkatapos ay nagtalukbong ng kumot. "Hairy ba?" Muling kulit nito. "OMG. Audrey!" Hindi niya napigilang sabihin na ikinahalakhak ng bruha. "Joke lang, gaga! As if naman may mas malago pa sa alaga ni John." Namimilog ang mga matang tinanggal ni Savannah ang pagkakatalukbong sa kumot at shocked na tumingin sa babae. Akala pa naman niya inosente ang bruha! Humahikgik ito na tila nabasa ang nasa isipan niya. "Dont judge the book by its cover! Good night na nga!" Anito at pinatay ang lamp. Yeah, right! Dont judge the book by its cover dahil siya nga na wild at playgirl sa campus virgin pa! *** KINAUMAGAHAN maaga sila nag-ready para sa first game ng soccer league 2018. nakasuot ng red and white cheer leader fancy dress ang babaeng may nakasulat sa front na UNIVERSITY OF THE SOUTH, RED PHOENIX. Their hair was in double bun at may dalang pompom's. Naglalakad ang cheer leading squad kasabay ang mga soccer player patungo sa field nang may magsalita sa tabi ni Savannah. Nilingon niya iyon. Si Noah. As always... ang hot at nag-uumapaw na naman ang lalaki sa suot nitong soccer uniform na red top at white bottom. Magulo ang kulot na buhok at bahagyang namumula ang balat sa ilalim ng araw. At kahit nakasimangot ang gwapo pa rin! Nakakainis! "Where did you get the key in my room last night huh?" Halatang kaninang umaga pa siya gustong komprontahin ng lalaki. Wala lang chance kasi pareho silang busy. "I told you, It was an accident. I didn't know it was your room." "Ow, really? So... kaninong kwarto pala dapat ang papasukin mo kung hindi sakin, huh?" Sasagot pa lang sana si Savannah ng may tumawag sa pangalan niya. "Vanni!!" Sabay silang napalingon ni Noah. Si Theo. Nakaupo sa bleachers kasama ng crowd. Nanlaki ang mga mata ni Savannah. "What the f**k is he doing here again?" Hindi makapaniwalang usal niya. Bakit ba palaging sumusulpot ang nerd na 'to? Kapag nag-uusap sila ni Noah? Parang nanadya na 'to, ah? "Isn't that your loyal suitor." Agaw ni Noah sa atensyon niya. Huminto sa paglalakad si Savannah at pumihit paharap sa lalaki. So? Alam pala nitong loyalista niya si Theo. "How did you know na loyal suitor ko siya? Don't tell me...sinusubaybay mo ang buhay ko sa campus?" Pilya siyang ngumiti parang trip niyang inisin si sungit. Napatigil na din ito sa paglalakad at lumingon sa kanya. "What? Of course not." Salubong ang kilay na sagot nito. Lalong napangiti si Savannah. "Ows, talaga lang huh?" humakbang pa siya palapit sa lalaking nakatitig sa kanya. "Bakit mukhang updated ka sa mga din-date ko?" Naalala niya noong sinabi nito na nag-iba na raw siya ng taste pagdating sa lalaki. Lalong nangunot ang noo nito. "Nananaginip ka?" Anito saka walang sabi-sabi na tinalikuran siya. Napahalukipkip si Savannah habang sinusundan ng tingin ang papalayonh pigura ng lalaki. Pakipot pa tong sungit na 'to. Kapag lumingon ka sa'kin ka. Sa hindi malaman na dahilan bigla ngang lumingon ang mokong na nakakunot pa rin ang noo. See Noah? You'll be mine. Sa loob loob niya. Habang nangingiti mag-isa pagkatapos ay tumakbo na din patungo sa mga kasama na nagsisimula ng ayusin ang formation nila. *** Nanalo ang Team nila Savannah sa Cheer leading squad maging ang unang game ng soccer team ay naipanalo din. Kaya double celebration ang magaganap, na pinaplano ng buong team pagkabalik sa campus. Ngayon lang nakaramdam si Savannah ng sobra fulfillment. Imagined kasama siya sa nagpanalo sa team. Sa loob ng dalawang taon, ngayon lang siya ulit naging proud para sa sarili. Hanggang sa makauwi sila hindi na siya ulit pinansin ni Noah at hindi na rin ito tumabi sa kanya sa bus. Talaga yatang na-badtrip sa ginawa niyang pagpasok sa kwarto nito ng walang paalam. Sabagay invading of privacy nga naman ang ginawa niya. Mabuti na nga lang hindi ito nag- sumbong sa coach nila, kundi siguradong tanggal siya sa cheering squad. Na ipinagtataka niya dahil maging si John ay hindi nagdaldal sa nasaksihan nito. Marahil kinausap ni Audrey ang dalawang lalaki at in-explain dito ang kasinungalingan kwento niya. For sure hindi naniwala ang mga ito. Ayaw na lang magsalita para wala na lang gulo. *** Nang makauwi dumiretso sa silid niya si Savannah at padapang nahiga sa kama. Napagod siya sa maghapong byahe at sa pag-iisip kung ano ang susunod na hakbang na gagawin sa Seduction 101 niya kay Noah. Hindi kasi nag-work out ang unang plano niyang maghanap nang ipang-blackmail sa lalaki. Ang masaklap nahuli pa siya nito. Vanni! You're running out of time girl! Remember one month lang ang hiningi mo sa mga bruha mong kaibigan. "Argh!!" Inis na isinubsob pa niya ang mukha sa unan. Paano ba 'to? Lalo ngang nabadtrip sa kanya ang mokong. Lumipad ang tingin ni Savannah sa tumunog ang cellphone. atamad na inabot niya iyon na nakapatong sa ibabaw ng bedside table. Nang buksan niya may message sa GC ang dalawang bruha. Nangungumusta ano na daw ang score nila Noah. Nag-seen lang dahil biglang nag-chat si Audrey. Audrey: Vanni, still up? Savannah: Yes, why? Audrey: We're planning a double celebration party for the team. Savannah: Yeah. I heard it. So, what's the plan? Audrey: That's the problem, Sis. :( Kunot ang noong bumangon sa pagkakadapa sa kama si Savannah. Savannah: What do you mean? Audrey: I want something different naman... alam mo ba kung paano nag-celebrate ang team last year? Napakagat labi si Savannah parang alam na niya ang patutunguhan ng usaping ito at 101percent na makikinabang siya! Savannah: What? Dont tell me... nag-dinner lang kayo sa labas? Audrey: Yeah, you're right! How did you know? Umikot ang eyeballs niya habang napapangiti. Tama siya ng hinala. Mga good girl at good boys... dont know what they're missing! Ha! Siya ang magpapakita sa mga ito ng tunay na party! Savannah: Seriously? That's so lame! Audrey: I know right! Ang boring kasi ng mga kasama kong nag-plano. But this time I want it to be different! Can you help me please? Nagningning ang mga mata ni Savannah. Bingo! Nagmamadali siyang nag-type. Savannah: So? Kasama ba ang mga coach or just the squad and the team? Syempre kailangan muna niyang tanungin kung may kasama bang mga chaperone. Baka mamaya kumuha siya ng mga male stripper 'yon pala may mga majojonda. Patay siya. Audrey: Nope! Just us!" ;) Lumawak ang ngiti sa mga labi ni Savannah at nakaramdam ng excitement. Ang bilis naman ng sagot sa kanila lang na pi-no-problema niya. Thank you, Universe! Savannah: I'm warning you, Sis. Kapag ako ang kasama mong mag-plano. This is not gonna be the typical party, you've ever been. I mean, this gonna be crazy and much more matured." Savannah: Duh? Vanni! I want it to be the naughties and wildest party for the team! Graduating na kami but most of them haven't even got laid yet! Ang lakas ng tawa ni Savannah. Diyos ko po! Gusto pa yata nitong gawing massive orgy ang party. Savannah: Then, let's make it the most memorable party ever!" Excited na sumang-ayon pa ang babae at napagkasunduan nilang bukas pag usapan ang gagawin nilang pagpaplano bago niya binitawan ang cellphone at nakangiting tumulala sa kisame. May mga naughty ideas na kasi ang pumasok sa isip niya at kasama doon si Noah! Shit! Maisip pa lang niya ang lalaki. Umaapaw na ang excitement at anticipation na nararamdaman niya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD