Francelle Shen Ayuri's Pov (Chess White Knight B1) Ang dami na naming reaper na nakaharap pero hindi ko pa din talaga mahanap si Kairen. Pesteng babae! Nasaan na ang tapang nya nung nakaraan. Aaaaarrrrrggg! Nakakabwiset sy!. Kung kailan handang-handa na akong labanan sya tsaka pa magtatago. Akma kong susugurin ang mga Villaluz reaper na bigla nalang sumulpot sa harap ko pero hindi pa man ako nakakagalaw ay isa-isa na silang bumagsak at nawalan ng malay. Dun ko nakita ang mga tama nila sa tagiliran na may kasamang maliliit na karayon na inilalagay namin sa mga bala ng baril namin. May mga drug na nasa dulo ng karayom na iyon na syang ginawa pa talaga nila Zaire para lang sa gabing ito. Bumaling ako sa likod ko at nakita ko si Xeric na tumatakbo palapit sa akin habang bitbit ang sniper

