Elleana Venice Ishia Leung's Pov (Diamond Lynn Lee aka EviL) Bago pa man ako mapasok sa gulo ng mga mafia'ng iyan, isa lang naman akong simpleng estudyante na may sariling mundo. Isang simpleng babae na lihim na nagmamahal sa isang kaibigan. Isang simpleng mamamayan na galit sa mga masasama. Isang simpleng taong handang protektahan ang mga nararapat protektahan. Madalas akong mapaaway noon sa kahit saang lugar na puntahan ko. Sabi nga, masyado daw akong prone sa mga gulo. At ang kadalasan pa, ako ang nagsisimula ng gulo dahil nakikialam ako sa mga bagay na hindi ko naman dapat pakialaman. Na madalas kong ipatanggol ang mga taong kilala ko man o hindi basta alam kong naaapi ng walang kahit na anong kapalit hanggang sa humantong pa na binansagan nila akong pinakamalakas na anghel sa buong

