McKenzie Henry Mirchovich's Pov (Chess Dark King) Magkahiwalay ang daang tinahak namin ni Zaire ng pumasok dito sa loob ng Xermin Building. Gusto ko man syang sundan at lumaban sa tabi nya, alam kong hindi nya iyon magugustuhan. Gusto nyang matapos ang problema sa sarili nyang ina ng sya lang ang umaayos. Mas okey na daw na mag-focus kami sa pagpapabagsak ng mga mafias na sya ding isa sa pinakaplano namin para sa gabing ito. "Ken." Huminto ako sa paglalakad ng marinig ang boses ni Ate Klarissa sa suot kong earpiece. "Tayong dalawa lang ang makakarinig ng pag-uusap na ito dahil hindi ako sigurado kung tama ba ang nalaman kong impormasyon." "Tungkol saan?" "Tungkol sa totoong nangyari ng gabing namatay si Mommy." Kumunot ang noo ko. "Narinig ko lang ito kay Tita Alexis habang may kausap

