Chapter 5 - The Secretary

2313 Words
Naka-bun ang kaniyang buhok at bahagyang kinapalan ang kaniyang kilay. Pinili niya ang isang off-white sleeveless blouse na tinernuhan ng gray pencil cut skirt two inches below the knee. Pagkatapos ay pinatungan iyon ng ternong gray blazer. For the last retouch, isang manipis na make-up, at bangs na mala-Betty La Fea and kaniyang isinuot bago isinunod ang isang reading glass. Hindi naman halatang walang grado kaya mukhang old maid na old maid ang kaniyang dating. Suot ang beige stiletto, bitbit niya ang isang corporate bag at mga credentials, pumasok si Gwen ng Ferguson Tower para sa kaniyang interview. Pheewww...Tatay help me..Sambit niya matapos huminga ng malalim bago humakbang papasok ng main entrance ng building. Agad niyang tinungo ang receptionist doon. Maagap naman siyang binati ng babaeng nakacorporate attire din. "Good morning, Mam. How can I help you?" "Hi, good morning." She professionally smiled. "I'm Gwen Sy. I do have a scheduled interview for the secretary position today at Ten?" Magalang niyang sagot. "For a while, please." Saglit na iniwala ng babae ang tingin sa kaniya at may tinipa sa laptop na nasa harapan nito. Then she looked at Gwen again and respectfully smiled. "Please proceed to the 15th floor and kindly look for Miss Emily Quirino, Mam." Nanatiling magiliw nitong sabi.  "Thank you."  Ten o'clock ang appointment niya pero ngayon ay nine-twenty pa lang kaya kampante siyang umakyat at tinalunton ang sinabing floor. Pagkalabas pa lamang ng elevator ay agad na siyang napangiwi nang makita ang haba ng pila. Tantiya niya'y nasa beinte ang mga ito at wow, ha! Parang mag-aaply sa pag-momodelo ang mga naroroon. Matatangkad at magaganda ang mga babae! Nagmukha tuloy siyang pandak kapag nagkamali siyang tumabi sa mga ito. Pasimple siyang napatingin sa suot na damit nang makita kung gaano ka-seksi at sophisticated tingnan ang mga suot nito. Napalunok siya at bahagyang nag-alangan. Tama ba ang napili niyang attire para sa interview na ito? Baka sa suot pa lamang niya'y lampasan na siya ng in-charge. Siya lang ang naka corporate attire sa mga nag-aapply! Kinalma niya ang sarili. She reminded herself na mukhang hindi siya dapat nagpapa-apekto. Kelan pa siya naintimidate sa ibang babae? Besides, she knows the proper code of conduct sa isang work environment kaya tama lang ang kaniyang disposisyon.  Pero hindi pa rin niya naiwasang mag-alala dahil sa kailangan niyang masiguro ang pagkakapasok sa FGC. Balita pa naman niya sa kaniyang pagre-research, playboy ang binatang basketbolista. Wala din itong paki sa mga public photos nitong naglalabasan habang may kalandiang mga babae. Bahala na. May the force be with me!  Maya-maya'y tinawag na ang kaniyang pangalan. "Miss Gwen Sy?" Agad siyang nagtaas ng kanang kamay.  Tinanguan naman siya ng babae. "Please come inside." Nang tumayo siya't humakbang papasok ng silid, nakita niya pa kung papaano siya inismiran ng mga babaeng nandoon. Narinig pa nga niya ang sinabi ng isa sa mga ito pero hindi na niya pinatulan. "That's so baduy! Wala yata siyang idea kung sino ang boss." "She will not be chosen." "The nerve! Akala mo naman magugustuhan siya?!" Hinga ng malalim, Gwen. Maximum tolerance, remember? Hindi ka marunong manabunot ng babae.  Pero siyempre, hindi niya mapapalampas ang mga sinabi ng mga ito. She quickly turned around and with a creepy smile, pabulong siyang nagsalita. "Girls, baka nakakalimutan niyo. "Secretary" po ang inaaplayan nating trabaho. Hindi po "s*x-cretary. Know the difference, okay?" Sabay kindat niya sa mga ito. Naiwan namang nakatingin lang sa kaniya ng nakanganga ang mga ito. Mga malalandi! "So, Miss Sy. Please tell me about your self." Ani ng may katabaan at tsinitang babae. Tantiya niya'y nasa late 50's ito at mukhang palangiti. Nakaukit ang pangalang Emily Quirino, HR Head for Recruitment. "I'm Gwen Sy, a graduate of Business Administration from Polytechnic University of the Philippines. I gained experience as Secretary to the President of the Montecielo Furniture Business for 2 years, and rendered 2 years as Secretary-General of an NGO in Baguio." And so forth. Lahat ng nakalagay sa folder ay siyempre pawang ginawan na ng paraan ng kanilang intelligence team.  Matamang binabasa naman ng kaharap ang kaniyang portfolio. Mukhang kuntento dahil tumatango-tango pa ito. Easy girl, you can do this. Have faith, you need to be engaged in this, otherwise, patay ka kay batman. Saka ito magiliw na ngumiti sa kaniya bago muling nagsalita. "Your skills and former employer's remarks are excellent, Ms. Sy. But, do you know who will be your boss if you will be chosen for this job, by the way?" Akma na sana siyang sasagot nang biglang bumukas ang pinto at pumasok ang kalahati ng katawan ng isang matangkad na lalaki. Nakabaling pa sa labas ng silid ang atensyon nito kaya hindi pa sila agad nakita sa loob. Refreshing green striped polo t-shirt na tinernuhan ng black rugged pants at naka-top sider na dark brown. Kitang-kita niya sa kanang tenga nito ang silver earring nitong suot. Tila may kausap ito sa labas habang papasok ng silid. Hindi niya naiwasan ang bahagyang mapanganga. She gulped and unconsciously gulped again. Medyo magulo ang buhok nito na nagpadagdag lang naman ng pagkakatuliro sa mga babaeng nasa paligid. Sumuot din kaagad sa kaniyang ilong ang pamilyar nitong bango. Napabaling siya ng tingin sa kabilang direksyon. May hinagap na siya kung sino ang papasok. It's no other than the mighty Zack Ferguson. "Good morning, Sir." Magiliw na bati ng HR Head nang maituon na ng lalaki ang atensyon nito sa kanila.  Supladong tumango lang ito sa bumati bago tumingin sa kaniya ng nakakunot-noo. Bahagyang nagsasalpukan ang mga kilay nito at tila natigilan habang nakatitig sa kaniya ng mariin.  Pagdaka'y bumaling ulit kay Ms. Quirino. Baritono ang boses nitong nagsalita. "I need the secretary right now, Emily." At tumingin ito sa kaniya. "I want her in my office right now. Just tell the rest of the applicants the position has been filled in." Saka ito mabilis na tumalikod at dere-deretsong lumabas ng silid. Hindi man lang ito ngumiti sa kaniya kahit na ilang beses na nagtama ang kanilang mga mata.  Napaismid ang dalaga. Suplado, mayabang at antipatiko talaga ang bruho! "Lucy, as what you've heard from the boss, dispatch all the applicants outside. Mukhang wala na naman sa mood ang gwapo nating amo." Ani ni Ms.Quisumbing saka siya nilingon.  "Swerte ka at malas, iha. Swerte dahil ikaw ang napili ng VP, kilala mo naman siya siguro, sikat na basketball player at modelo si Zack Ferguson. Aba'y pagkalaki-laki ng billboard niyang naka-underwear sa EDSA." Bumubungisngis pa ang tsinitang HR head.  Napangiwi siya sa sinabi nito. Pati ba naman ito, mukhang nagpa-pantasya sa lalaking iyon? At ano daw, naka-underwear? Susme! Nakakapanindig-balahibo para sa kaniya ang makarinig mula sa may edad na babaeng iyon ang sinabi. "At malas mo dahil walang nagtatagal diyan dahil sa pagka-perfectionist at suplado ng binatang iyan. Kaya good luck sa iyo!" Dagdag pa nito nang nakangisi. Tinatalunton na nila ang elevator para umakyat ng 20th floor. Huminga muna siya ng malalim bago tuluyang lumabas ng lift pagkarating sa floor. Mula doo'y tahimik nilang binaybay ni Ms. Quisumbing ang hall. Sobrang tahimik. Kitang-kita niyang nakasubsob sa kaniya-kaniyang mga trabaho ang mga staff na naroroon.  Sobrang sosyal naman nito. Dapat hindi na'ko nag-stilletto dito kung ganitong lulubog naman pala sa carper itong suot ko, urgh! But in the end, she admitted. Hindi ka lang talaga sanay mag-heels, Gwen! ZACK Parang may naaalala ako sa babaeng iyon. Parang nakita ko na siya pero hindi ako sigurado. Napabaling ang aking atensyon sa mararahang katok sa pintuan ng aking opisina. "Come in."  Sumungaw sa pintuan ang aking temporary secretary na si Candy. Tatlong araw matapos ng pagpapaalam ng sekretarya kong si Dianne, hindi na ito bumalik. Disaster ang nangyari sa schedule ko pagkatapos 'nun. "Sir, excuse me po. Nandito na po si Ms. Quisumbing kasama si Ms. Gwen Sy, the newly hired secretary."  Tinanguan ko ito at maya-maya'y pumasok na nga si Ms. Quisumbing kasama ang bagong hired na secretary. Matapos maibigay sa akin ang credentials nito, tumango ulit ako matapos nitong magpaalam.  "You may have your seat." I motioned the chair at her at agad naman siyang naupo. Palihim kong sinipat siya mula ulo hanggang paa. It was too late when I heard my own small whistle. Nag-iwas siya ng tingin while me, I just bit my lower lip when I realized my act. Baka sabihin nito, manyak ako.  But, hell. This woman impresses me with her fine and silky long legs na kahit pa lampas tuhod ang haba ng kaniyang palda, I know. Aminado akong magaling akong kumilatis ng mga katawan ng babae, be it under their clothes or none at all. May kakapalan ang kaniyang kilay at kahit nakasalamin siya na parang old maid, hindi nakaligtas sa'kin ang makinis niyang mukha at tila nang-hihigop na mga mata. Lalo na ang hugis ng kaniyang labi. Habang nakaupo siya ng tuwid, hindi ko maiwasang tingnan ang hubog ng kaniyang katawan. Parang biglang humina ang aircon sa pakiramdam ko at bahagyang nanuyo ang aking lalamunan.  Damn you, Zack. Tapusin mo na ang pag-aaral mo sa katawan ng babaeng iyan bago ka pa mahalata. Nagulat pa ako nang bigla siyang tumikhim at nagsalita. "A, Sir, may damit pa naman po ako siguro sa inyong paningin sa lagay na iyan? 35, 25, 36 po ako." Mataray niyang sabi. "What was that?" Kasasabi niya lang ba ng kaniyang vital statistics? "With all due respect, Sir. I should have indicated in my resume my vital statistic kung ganoong tititigan niyo ako ng ganiyan. Pasensiya na po, Sir, pero hindi po kasi ako komportable." Sh*t. Napahiya ako doon pero hindi ako nagpahalata. "Really? What a confidence! May I remind you that I just hired you, Ms. Sy. You still want to continue in this company? Huwag mo akong tarayan at insultuhin. Oh! And by the way, gusto ko sa mga sekretarya ko e presentable din at hindi rin nahuhuli kapag kasama ko sa mga business meetings so better not wear those old-fashioned corporate attires, pero huwag naman iyong malaswang tingnan. And don't worry, sa dami na ng hubad na babaeng nakita't nakasama ko, I don't need to imagine yours. I just need your brain and your efficiency. Besides, you are not my type." At ngumisi pa ako. But you're a liar, Zack. Bigla siyang namula.Nakagat pa niya ang pang-ibabang bahagi ng kaniyang labi sa pangigigil. Looks like I really pissed her. She really looks familiar, though.  Mabilis kong iniwasan ang kaniyang mukha. Narinig ko pa ang marahas niyang pagbuga ng hininga na animo'y nagtitimpi, then she forcefully smiled. Kunot-noo siyang sumagot sa'kin. "So, kailangan ko po bang magsuot ng katulad sa mga babaeng aplikante na nasa labas kanina?" Imagining those women flocking outside for an interview wearing those? No, thanks. Napatikhim ako. "No, not like those. Sige, okay na 'yan."  Mas pipiliin ko na lang ang suot niya ngayon dahil baka kung ano pa'ng magawa ko sa kaniya kapag nagsuot siya ng ganoong mga damit. I therefore concluded na mukhang hindi ito magiging madali sa'kin. Mukhang iba ang babaeng ito sa mga naging sekretarya mo. Mukhang palaban ang isang 'to and she has this aura na parang kumokontrol sa akin.  Hindi ko na lang siya pinansin dahil sa totoo lang, kaya ko siya pinili ay dahil sa alam kong mas makakatulong siya sa'kin sa usaping trabaho. Dahil sa tugma niyang pananamit, alam kong hindi siya katulad ng iba na makikipaglandian sa akin. Kailangan ko ngayon ng sekretaryang mapagkakatiwalaan sa trabaho, sa schedules ko. Besides, I can have my own playtime after work and sports. "Again, be reminded that I am the boss here. Few rules I have to impose before you start. Sa lahat ng ayoko ay iyong tsismosa at nagma-marunong."  "Ayoko ng late, exactly 8 am dapat nandito ka na at naka-ready na ang mga pipirmahan ko bago ako dumating. MWF and schedule ko dito sa opisina, the rest, sa basketball activities and others like modeling, guesting, etc. Two days before the appointment or activity, you shall remind me already and siyempre before the day ends. Ayoko ng binibigla ako na meron pala akong schedule ngayon, is that clear?" Tila naiinis naman siyang sumagot at nakasimangot? Hindi ko pinansin. "Yes, Sir. Loud and Clear." "Your duty usually ends around 8 pm kapag kailangan kita sa tabi ko, dito man o sa bahay pero kapag hindi, hanggang 5Pm ka lang." "P-Po? Sa bahay niyo hanggang gabi?" Napatingin siya sa'kin. Nagsalubong ang mga kilay ko. Nang-aasar ko siyang nginisihan.  "Bakit, ano'ng iniisip mo? 'Wag kang magpantasya diyan ng kung anu-ano, dahil hindi kita type. Since MWF lang ako dito, T-Th usually maluwag ka at through skype or facetime lang ang communication natin. Saturday and Sunday ang off mo. Huwag kang mag-alala dahil kapag pinatawag kita o pina-extend ng trabaho, automatic may OT pay yan. Maliwanag?"  Hindi ko na siya hinintay sumagot. Agad akong tumayo at umalis sa likod ng aking lamesa para magtungo sa kaniyang harapan. "You shall always be ready all the time, and even sa mga non-corporate duties ko, like sa games, modeling and guesting, I will always be needing you. So ano, kaya mo?" Nakipagtitigan siya sa'kin ng ilang segundo bago siya tumayo. Nakatingala siya sa'kin dahil hanggang leeg ko lang siya. Habang nakayuko ako sa kaniya, hindi ko mawari pero bigla na namang tila may sumipa sa aking dibdib. Pamilyar talaga sa akin ang babaeng ito, at ang estrangherong pagkabog ng aking dibdib na tanging una kong naramdaman sa mataray na babaeng iyon sa Edsa.  And that scent? It's very familiar, too. Iba sa lahat ng pabango ng babaeng nakasama ko. A combination of sweet and calming effects. "No sweat. Deal, Mr. Zack Ferguson." Sabay lahad ng kanang kamay niya, habang siya'y nakangisi. "Now, I know you." Nagtatakang tinitigan ko siya dahil sa huli niyang sinabi. Humalukipkip ako't hinintay ko siyang muling magsalita. In a poker face, she added, "Idol po kasi kayo ng kapatid ko. Hehehe."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD