GWEN
"Alam mo kasi, Ms.Sy, gusto ko sa mga sekretarya ko eh, presentable din at hindi rin mahuhuli kapag kasama ko sa mga business meetings. And don't worry, sa dami na ng hubad na babaeng nakita't nakasama ko, I don't need to imagine yours. I just need your brain and your efficiency. Besides, you are not my type."
Mangani-ngani ko siyang sapakin sa naramdaman kong pang-iinsulto niya sakin. Pinilit ko ang magbilang hanggang sampu habang kagat ang labi ko dahil sa panggigigil. Kung hindi ko lang talaga kailangan makapasok dito, dalawang black-eye na ang nasa mata mong unggoy ka.
Ipagmalaki pa ba namang marami na siyang nakitang babaeng nakahubad? p*****t!
Nag-iinit ang aking mga pisngi sa inis at pagtitimping hindi umigkas ang kamao ko sa guwapo niyang pagmumukha. Gigil na gigil ako sa lalaking nasa harap ko ngayon. Napasobra yata ang nalanghap nitong oxygen at kung makapagsalita'y liliparin na yata ng hangin.
Akala mo kung sinong guwapo? Porke't matangkad, matangos ang ilong, parang nanghihigop ng kaluluwa kung makatitig, akala mo gwapo na? Hah! Mala-adonis nga ang tindig mo at parang gusto kong magpayakap s'yo kanina pero di kita crush no? Sexy ka ngang tingnan kahit di ka nakangiti, di pa rin kita crush. Nadala lang ng hikaw mo iyang aura mong nang-aakit. Ano kaya ang feeling ng niyayakap mo? Ambango bango mo pa naman! Kahit ilang metro ang layo natin, amoy na amoy kita, binuhos mo na yata ang pabango sa katawan mong unggoy ka. Sarap panggigilan ng kurot iyang mga pisngi mong mas makinis pa sa akin. Bakit ba parang nasalo mo na lahat ng kagwapuhan at kakisigang ibinahagi ng nasa itaas?? Hindi ka man lang nagshare sa ibang hindi pinalad.
Shucks! Ano ba naman itong mga pinagsasasabi ko? Dapat magalit ako sa masamang ugali nito. Erase...Erase....ang kahalayang naiisip. Trabaho ang pinunta mo dito sa mga Ferguson, tange!
Pinilit kong bumalik saking katinuan. Kailangan ko nang ihinto ang kapapansin ko sa kagwapuhan nito at magsimula nang magtrabaho.
At nang tumayo ako at napatunayan kong hanggang leeg niya lang talaga ako, ramdam ko ang panginging ng mga legs ko nang yumuko siya para makipagtitigan sakin habang sinasabi kung kaya ko ang mga kondisyon niya sa trabaho.
Ubod lakas kong kinontrol ang sarili kong huwag bumigay at lumaban ng titigan. Nginitian ko siya ng ubod tamis.
"No sweat. Deal, Sir."
"Mag-uumpisa na ngayong linggo ang ensayo namin para sa Governor's Cup. As I've said earlier, MWF lang ako dito. I need you to be around by keeping me posted sa mga importanteng update sa opisina while I'm away. My father, Chairman Ferguson, can sign on behalf of me in some signatories or approval needed pagka meron akong laro o hindi ako available. Ayoko ng dinadalhan ako ng mga pipirmahan during game time."
I started jotted down lahat ng mga rules niya. Naglalaro na tuloy sa isipan ko kung paano ako gagalaw sa loob para makapaghanap ng ebidensya habang wala siya. At may moment din palang ang chairman ang makakaharap ko pag nagkataon.
"Let's just end here for a while. You may leave now." Iminuwestra niya ang kaniyang kamay sa direksyon ng pintuan para makalabas na'ko. Ni hindi man lang umangat ang kaniyang mukha mula sa pagkakasubsob sa mga pinipirmahang papeles.
Lumabas na lang ako't agad akong sinalubong ng isang babaeng nakangiti, medyo chubby pero maputi at pretty. Siya ang kumatok kanina sa opisina ni Zack para ipaalam na nandito na ako.
"Hello! I am Candy Marasigan, just call me Candy. Temporary secretary ni Sir Zack. I pulled out from the Admin Department. But now you're here na, I'm glad hindi nako masusungitan ni Mr. MVP." Humagikhik pa ito. I like her, she's bubbly and charming.
"Gwen Sy. Nice to meet you, Candy." pagdaka'y ngumiti ako, "Ganoon ba talaga iyon? Para kasing mula pa kaninang nagkita kami, puro pambabara lang ginagawa sakin at parang natural lang ang pagiging mayabang at antipatiko." parang nagdyo-joke ang timbre ng boses ko.
Tumatawa si Candy while pointing to my table just outside Zack's office. Agad naman akong dumako sa likod ng lamesa at sinimulang busisiin ang mga naroon.
"Ganyan talaga si Sir Zack. Madalas masungit saka may pagka-antipatiko nga kung minsan. Pero mabait iyan. Mababait din kasi ang mga matandang Ferguson, lalo na si Sir Bernard, ang chairman. May dalawang nakababatang kapatid si Sir MVP - si Sir Lucas at si Mam Adri. Mga low profile lang ang mga iyon, mahilig makisalamuha sa mga ordinaryong empleyado katulad natin." Naupo pa talaga sa tapat ng lamesa ko si Candy.
Marahan akong tumango-tango. Mukhang may magiging katulong ako sa paghahanap ng mga impormasyon. Madaling makagaanan ng loob ang babaeng 'to, mukhang friendly talaga.
"If I may ask Candy, ilang taon na ba si Sir Bernard? Saka iyung maybahay niya?"
"Kakacelebrate lang namin dito ng ika-65th birthday ni Sir Bernard last month. Si Mam Carmela halos hindi lang sila nagkakalayo ng edad ni Chairman. Pero parang bata pa rin sila kasi palangiti at sa nagagawa ba naman ng pera ng mayayaman di ba?"
"E si Sir Lucas at Mam Adri?"
"Si Sir Lucas ang pangalawa, bunso si Mam Adri. Si Sir Zack ang panganay. Hayaan mo,one of this days makikita at makikilala mo rin ang ibang Ferguson lalo na ang mag-asawa. Mababait talaga sila at napaka-down to earth."
Okay, mababait at down to earth. I have to carefully observe their characters lalo na ang chairman. Sa dami na ng nakasalamuha kong halang ang bituka, alam kong mahirap ang magkunwaring mabait at down to earth lalo na sa mga alanganing sitwasyon.
Kinailangan ko na ring baguhin ang paksa ng usapan namin para hibdi masyadong makahalata sa ginagawa kong pag-iimbestiga. Ipinakilala muna ako ni Candy sa ibang kasamahan namin bago ko tuluyang nasimulan ang aking mga gawain.
Maya-maya'y narinig ko ang pangalan kong tinawag sa intercom na nasa lamesa ko lang naman.
"Sy, here in my office, now!" An authoritative voice just aired. Matik kong naimagine kaagad ang nakabusangot na mukha ng boss ko.
Agad kong dinampot ang aking pen and notepad. Kumatok muna ako ng dalawang beses bago binuksan ang pinto. Kaagad akong napasinghap nang makitang nakatayo ito sa gilid ng kaniyang lamesa, nakapameywang habang bahagyang nakayuko sa nakalapag na folder na tila may binabasa. Napasinghap ako.
What a beautiful sight.
Tumingin siya sakin ng maramdaman niya ang aking presensiya.
"Sir?"
"Put on your notes that I will be attending the Governor's Cup Opening Party this Saturday at 7 pm, Resorts World." Nakapamulsa ang mga kamay na nagsalita siya habang nakatitig sakin. Tss, mayabang talaga at wala man lang please, di marunong ng magandang asal.
Maya-maya'y nagulat ako nang bigla'y nasa harapan ko na pala siya at nagsasalita.
"Alam mo, you really look familiar to me." Naramdaman ko ang tila nanunuot niyang mga tingin sakin., "And your scent is quite familiar too. Have we met before, Gwen?" napamaang na lang ako nang makita kong nakalapit na pala siya sakin.
Huh! Patay ka Gwen! Bukas palitan mo na ang pabango mo.
Naghagilap ako ng pwede kong isagot.
"A, I highly doubt it Sir, ngayon ko lang po kayo na-meet ng personal. Sa tv ko lang po kayo nakikita." Nag-iwas ako ng tingin.
Tumango-tango lang siya at nagkibit-balikat.
"Naaalala ko kasi sa iyo ang isang mataray na babae. Parang hindi kayo nagkakalayo ng boses at tindig. Anyway-," naputol siya nang bigla akong magsalita.
Hmmmm, talaga lang ha?
"Baka naman po pinagsungitan niyo kasi kaya tinarayan kayo?" Pabulong kong sinabi.
Kundi ba naman sana kayo antipatiko at mayabang...
"Hey, watch your mouth, woman! I have ears and I heard that. Remember my rules? Now, leave." Galit ang tonong bigla niya akong pinaalis.
"My apology, Sir." Singaw sa ilong kong hingi ng paumanhin. Nagulat ako do'n sa pagtaas ng kaniyang boses. Tumalikod na ako't naka-ilang hakbang na sana palabas ng pinto nang biglang..
"Ayyy!"
Natapilok ako at deretsong napaupo ako nang mawalan ako ng balanse. Napangiwi ako sa sakit ng pwet kong deretsong tumama sa sahig pati na ang balakang ko na bahagya ring kumirot. Natapakan ko kasi ang edge ng medyo may kakapalang center carpet. Mabuti na lamang at naigalaw ko pa ang mga paa ko na tila hindi naman napuruhan.
Pero masakit talaga ang pagkakabagsakk ko.
Oh my, Gwen, ang clumsy mo!
Tatayo na sana ako pero sa sobrang sakit kahit gumalaw ng kaunti hindi ko magawa. Inilang hakbang lamang ni Zack ang aming pagitan saka ako pinigilan.
"Don't move, be still." May diin ang kaniyang boses. "Ano ba kasi at di ka tumitingin sa nilalakaran mo?" Halatang naiinis ito. Napaawang ang bibig ko nang bigla niya na lang akong sakupin at dinala sa sofa in a bride position. Biglang nag-rigodon na naman ang aking puso lalo pa't amoy na amoy ko ang pabango niyang nakakaturn-on - a mix of musk and mint, so swabe. Pero agad ko din iyong pinigilan.
"A-ano'ng ginagawa niyo Sir? Ibaba niyo po ako." Nagpupumiglas ako para maibaba niya.
"Are you nuts? Nakita mo na ngang ni hindi ka nga makagalaw kanina! Be still woman, mabigat ka pa naman."
Lalo akong nawindang nang tumama sa aking mukha ang kaniyang hininga kaya halos malunod na'ko sa kaba. Wala na'kong choice kundi ipatong ang kamay ko sa kaniyang balikat para kumuha ng suporta.
Akma na niya akong ilalapag sana nang bigla siyang mapatid at aksidenteng napasubsub deretso ang mukha niya sa aking dibdib sabay ng pagkalapag niya sa akin sa isang couch! Pakiramdam ko'y sinilaban ng apoy ang buo kong mukha at katawan. Ramdam ko ang pag-akyat ng lahat ng dugo sa aking mukha. Sa gulat ko at pagkapahiya, bigla ko siyang naitulak ng malakas. Deretso siyang napatumba sa sahig. Kitang-kita ko ang pamumula ng buo niyang mukha pati leeg.
"Bastos!" Namumula ako sa galit. Halata nama ang pagkalito sa kaniyang mukha na agad napalitan ng inis bago siya bumangon.
"The hell! Kung hindi ka ba naman biglang pumiksi, Sy! Akala mo magaan ka lang buhatin? Ang hirap mong ilapag dahil sa baba nitong sofa." Ginulo nito ang buhok sa inis. Badtrip naman kasi, bakit naramdaman ko pa ang kamay niyang parang pumisil sa beywang ko, e may kiliti ako dun.
Oo nga naman, dahil sa tangkad niya't baba ng sofa, mahihirapan siyang ilapag ako lalo pa't napapiksi ako sa pagkakakiliti. Bahagya pa rin siyang namumula habang hawak ang telepono.
"Candy, pumasok ka muna dito at asikasuhin si Sy." Salubong ang dalawang kilay, hindi sya halos makatingin sakin. Hindi ko naman alam kung anong gagawin, masakit pa rin ang balakang ko at hindi ako makagalaw ng maayos.
"Next time, be extra careful. I don't need clumsy people around me." Saka siya bumaling kay Candy na kakapasok lang ng opisina at halatang nagulat pagkakita sa amin.
"Help her to the clinic and make sure na wala siyang injury. Secretary ang kailangan ko, hindi sakit ng ulo. Stupid!" At lumabas na lang ito ng silid matapos damputin ang sports bag na nasa sofa din. Nanlalaki ang mga mata ko sa narinig.
Aba't ang manyak na 'yon! Tawagin ba naman akong stupid? Mangani-ngani ko na talagang bigwasan ang mayabang na bakulaw na'to!
Sabay pa kaming napaigtad ni Candy nang malakas niyang binalibag ang pinto. Nagkatinginan kami ni Candy.
"Anyari dun girl?"
Napabuga na lang ako ng marahas sa ere. Ang sakit ng pwet ko!
Nakangiwing nilapitan ako ni Candy para alalayan sana nang bigla'y saba'y kaming napatingin sa biglang pagbukas ng pintuan ng opisina. Sabay kaming napasinghap nang makita ang halos namumula pa ring mukha ng bakulaw.Salubong ang kilay nito at dere-deretsong tinawid ang lawak ng kaniyang kaharian papunta sa kaniyang table.
"I just forgot my car key," at mabilis niya rin kaming iniwan. Napabuga kami ng hangin ni Candy nang magsara ang pinto pero mabilis ulit kaming natahimik nang bigla na namang nagbukas ang pinto.
"I n-need to get my cell phone." Aligagang bumalik ang hari.
Oh, sino ngayon ang tanga? Stupid!