Chapter 7 - The Coffeebean

2548 Words
ZACK "Yes dad, I will. Tapusin ko lang po dito, dederetso na'ko diyan sa bahay."  "Yes, and Oh! By the way Dad, can you please sign some docs for the Davao branch?" "I've already signed it, iho. Nai-forward na rin pabalik ng sekretarya mo ang mga dokumento sa manager. I must say you do have an efficient secretary, Zack. I hope magkasundo kayo noon, huwag mo basta-bastang palitan." Umangat ang isang kilay ko sa sinabi ng aking ama. Ngayon lang ako nakarinig ng positibong puna nito sa mga naging sekretarya ko. "And why is that, Dad? Nagkausap ba kayo?" "It's your mom. She was with me at the office when your secretary arrived. Mukhang nakagaanan ng loob ng mommy mo. Medyo napahaba ang kuwentuhan dahil sa dami ng tanong ng mommy mo. The way she answers to your mom is quite witty and bubbly, she's quite funny, anak." Narinig ko pa ang aking ama na tumawa. Now, this is really new. May pagkamaldita at intrimidera, Dad. Gusto kong idugtong but I chose not to. I don't want to exert too much strength thinking to that woman. She's a little bit crazy. Sa ilang araw niyang pagtatrabaho sa FGC, may pagkakataon talagang ayaw niyang magpatalo sa'kin. At ako naman itong...Damn. Bakit ba kasi minsan, hindi talaga ako makasagot sa babaeng 'yon! Ang bango niyang pamilyar talaga sa'kin. Lalo na nang mahawakan ko siya at buhatin kahapon. Sobrang lambot ng kaniyang katawan. Intimate scenes crushed into my minds which I do not do. This is not me. F**k, pinagpapantasyahan ko ang sekretarya kong old-fashioned! Kung bakit pa kasi di-sinasadyang napasubsob ako sa hindi dapat landingan ng mukha ko.  Nasapok ko ang sarili kong ulo nang maisip at marealize ko'ng masama ang naging epekto sa akin noon hanggang sa natapos ang buong araw ko. Damn! I should not be thinking that witch. Ang masama pa, naaalala ko sa kaniya ang mataray na babae sa Edsa. Para talagang magkaboses sila pati sa tangkad. Tangina! Pati pa 'yon dumikit sa utak ko? This is not so me. Women don't dwell in my mind. Pagkatapos ng masasayang oras sa kama, I'm totally done. Bakit sa sekretarya ko at sa babae sa Edsa, bakit ako nagkakaganito? Ah! Nagkataon lang siguro ito dahil hindi na nawaksi sa isip ko ang mayabang na babaeng iyon. Hindi kasi ako nakaganti noong sinopla niya ako, same with this crazy secretary of mine.  Iniba ko na ang topic. Sinadya ko na ring tapusin ang pakikipag-usap sa aking ama dahil kailangan ko pang bumalik sa court. We just had a break kaya ako nakatawag.  Lumipas pa ang ilang sandali at natapos din namin ang second half ng aming laro. As usual, mga instructions ni coach at kung anu-ano pang mga strategies ang aming pinag-usapan bago kami nagsipagdampot ng nga gamit para makauwi na. "Hey Zack, 'wanna grab some coffee, man?" Sabay tapik ni Tristan sa balikat ko. Isa ito sa mga team-mates at malapit kong kaibigan. Tiningnan ko ang aking relo. It's almost three in the afternoon. Nagkibit-balikat lang ako saka tumango. "Sige, ayain mo na lang din sina Dexter at Vince. Dating tambayan." The two are also my closest friends in the team. Apat kami palaging magkakasama tuwing nasa laro at ensayo.  I immediately proceeded to the parking lot to where my Lambo is waiting. Magkakasunod lang ang mga sasakyan naming apat patungo sa The Coffebean. Masasabi kong matatag na din ang samahan naming apat. Simula pa college ay magkakakilala na kami. Marami na kaming pinagsamahan na kahit sa kaniya-kaniyang mga record sa mga babaeng nakakadaupang-palad namin, alam na alam namin ang ugali ng isa't-isa.  Maya-maya pa'y nakapuwesto na kami sa loob ng cafe habang nagtatawanan. Ang mga babae sa aming paligid ay halos magkagulo kung hindi lang sa tulong ng dalawang security guards na nandoon. Dahil isa iyon sa aming tambayan, alam na ng management kung paano'ng i-handle ang ganitong sitwasyon kaya naman kontrolado ang sitwasyon.  "Man, hinanap ka nga pala kanina ni Kaye. Halos magmakaawa na sa'min, hinihingi ang number mo." Ani ni Dexter, an architect by profession pero mas ginawa pang hanapbuhay ang paglalaro dahil sa hindi pagkakaunawaan sa ama. Kumunot ang noo ko "Kaye, who?"  Hindi ko maalala kung sino ang babae. Hindi naman kasi ako partikular sa kanilang mga pangalan. "Kaye Cristobal, the sports news reporter? 'Ul*l ka talaga, Zack, nakapanglalaway ang babaeng iyon tapos hindi mo maalala?" Si Vince, isang prodigal son ng mayamang angkan. Nagtapos ng pagdodoktor pero basketball din ang hilig.  Nagtawanan silang tatlo. Ngumisi naman ako.  "You know the man, dre. Hindi mahalaga sa kaniya ang pangalan ng babae dahil hindi naman iyan umuulit." Singit naman ni Tristan na nakangisi din. Sasagot na sana ako nang biglang natuon ang atensiyon ko sa babaeng kapapasok lamang ng cafe. Naningkit kaagad ang mga mata ko. Talaga naman.  ------------------------------ "Sige Yuan, hintayin mo ako. I'll be there in less than 30 mins."  Mabilis na naghanda si Gwen matapos nitong tapusin ang tawag. Magkikita sila ni Yuan dahil may bagong update daw sa Olympus Syndicate. Mabuti na lamang at maagang natapos ni Gwen ang kaniyang trabaho. Naayos na niya ang schedule ng boss niya pati ang mga dapat nitong maaprubahan. Nanggaling na siya sa opisina ng chairman kanina at for the first time, nakilala niya ito ng personal. Medyo matagal at nagkasarapan pa sila ng kwentuhan nito lalo na ng maybahay nito. She had the chance to work on her mission kaya naman buong ingat niya itong inobserbahan at pinag-aralan. Gwapo at matikas ang matandang Ferguson. Tantiya niya'y matangkad lang ng ilang pulgada ang masungit niyang boss pero kamukhang-kamukha nito ang ama. Tisoy din ito gaya ng binata, at sa unang tingin niya, the way kung paano ito makipag-usap sa mga empleyado, mabait nga talaga. Magaan kausap at masayahin ang mag-asawa. Pero ayaw pakasiguro ni Gwen. Kailangan niyang makasiguro kung totoo ngang may kinalaman ang mga Ferguson sa sindikato. Meron o wala, it is her job to execute what is exepected from her. Ibinigay sa kaniya ang misyong ito dahil hindi basta-basta ang kanilang kalaban dito at hindi rin basta-basta ang mga Ferguson. Malaki ang impluwensiya nito sa sosyodad. Hindi rin lingid sa kaniyang kaalaman na malapit ang pamilya sa matataas na opisyal ng gobyerno. Dali-dali niyang dinampot ang kaniyang bag matapos niyang ilabas ang susi ng dalang kotse. Mula ng magpanggap siyang sekretarya ay siya muna ang gumagamit ng kanilang vios. Mabilis ang kilos na ini-start niya ang makina ng kotse na nasa parking lot at pinaharurot papunta sa tagpuan nila ng kasamahang pulis. Sa isip niya'y kailangan niyang makabalik ng opisina bago mag-ala-singko dahil baka maisipan pa ng boss niyang dumaan doon. Tantiyado na niya ang kaniyang oras. At malaking bagay na martes at hwebes ay hindi nagrereport sa opisina ang masungit niyang boss dahil may pagkakataon siya sa kaniyang totoong tungkulin gaya ng pagpuslit para makipagkita sa mga kasamahan tungkol sa kasong hinahawakan. Wala pang treinta minutos ay pumapasok na sa loob ng The Cofeebean ang dalaga. Nakaupo sina Gwen at Yuan sa isang lamesa na nasa sulok. Kapwa sila may mga hawak na tasa ng brewed coffee habang hawak ng dalaga ang mga litratong dala ng binatang pulis. "It's confirmed Gwen. Dalawa ang mukha ni Bernard Ferguson.  Ang kuhang iyan ay noong nakaraang linggo, dadalo si Poseidon sa isang auction. That day also, confirmed na nasa Singapore si Chairman Ferguson. Sa ngayon, wala dito si Pseidon, nasa Cuba. Umuwi lang siya dito last week para sa auction at lumipad muli palabas ng bansa same day." Agad paliwanag ni Yuan habang mataman niyang tinititigan ang nasa larawan. Kuha iyon ng lider ng Olympus habang papalabas ng limousine nito.  Tumigas ang mukha ni Gwen nang makita ang pamilyar na mukha sa litrato. Hindi nga siya nagkakamali. Buhay si Borris.  Borris used to be a Turkish mercenary na minsan na niyang nakasagupa sa isang kasong hinawakan sa labas ng bansa. Bigla na lang itong nawala noon at ngayon nga'y nagsusumigaw ang katotohanang nasa panig ni Pseidon.    Ibinaba ni Gwen ang hawak na mga larawan saka hinarap ang binatang pulis. "I had the chance to meet the chairman kanina, Yuan. Matagal kaming nagkuwentuhan at aaminin ko, magaan siyang kausap. Mabait at malapit ang loob sa mga empleyado. Ganoon din ang maybahay niya, si Madam Carmela. I can say natural ang mga kilos nila. Wala akong kakaibang naramdaman. I'm sure hindi si Pseidon ang kaharap ko kanina. Naniniwala akong mararamdaman kaagad iyon ng kaniyang maybahay kung isa itong impostor." kagat-kagat ni Gwen ang pang-ibabang labi habang sinasabi iyon. "At kailangan kong makasiguro at mapatunayan ang lahat ng iyan, Yuan. That old man is innocent and needs our protection." "The confirmation na hindi dito sa bansa nakatigil ngayon si Pseidon ay isang makapagpapatunay niyan, Gwen. Just keep an eye on the chairman. Malamang, they have an evil plan with FGC. Hindi niya gagamitin ang mukha ng totoong Bernard Ferguson kung wala silang masamang balak dito." Tahimik na napatango ang dalaga. Matalino si SPO3 Nepomuceno, at mula nang maging magpartner sila sa mga maseselang kaso ay napatunayan na niyang isa din itong magaling na pulis. Naramdaman niya ang pagtitig sa kaniya ng kaharap. Takang tinapunan din niya ito ng tingin habang nakataas ang kilay. "O, bakit? May dumi ba ako sa mukha?" Nakangiting umiling ang binata. Lumabas tuloy ang mga dimples nito sa pisngi. "Wala. Napansin ko lang, kahit naka-disguise ka ng makapal na kilay, may clear glass, at nakataling buhok, at parang weirdo sa bangs mo, malakas pa rin ang dating mo. Ang ganda mo pa rin, Gwen."  "Huwag ka ngang kakagat-kagat ng labi mo diyan. Nang-aano ka, e." nanggigigil pa nitong pinisil ang kaniyang pisngi.  Napangiwi siya at tinampal ang kamay nito. Natawa ng nakakahawa si Yuan kaya naman napatawa na rin siya. Hindi na siya naaasiwa sa sinabi ng binata. Magkaibigan lang talaga sila at tanggap ito ng lalaki. Kung tutuusin, may hawig ito sa bidang lalaki ng Divergent na pelikula. Matangkad din bagamat moreno. Hunk material din si Yuan, guwapo at bagay daw sa kaniyang kagandahan. Lagi nga silang tinutukso ng kanilang mga kasamahan. Pero wala e, lagi rin niyang sinusuklian ng kibit-balikat ang mga ito. Pinitik niya ang ilong nito. Medyo masakit iyon kaya naman napahawak sa sariling ilong si Yuan bago bumahing. "Hala siya. Hoy, Nepomuceno, walang ganyan-ganyan, baka akala mo ha?" pinandilatan niya ito ng mga mata.  Tumatawang nagtaas ng kaniyang dalawang kamay ang lalaki bilang pagsuko.  Magsasalita pa sana si Gwen nang biglang naramdaman niyang may huminto sa kaniyang gilid.  Agad niyang nakita ang naka-basketball shoes na lalaki na may sukbit pang sports bag sa balikat.  Pamilyar ang sapatos at ang pabango! Bigla siyang kinutuban. Napapikit siya't napahiling na sana'y hindi iyon ang lalaking kinaiinisan. Pero hindi dininig ang kaniyang dasal. Hindi pa siya nakakaangat ng tingin, medyo alam na niya kung sino.  Lihim silang nagkatinginan ng makahulugan ni Yuan. Hindi nakaligtas kay Gwen ang bahagyang pagkagulat ni Yuan na agad ding binawi. "Sy!" bakas ang awtoridad sa boses ni Zack. Nang harapin niya ito'y agad niyang nakita ang nag-susuntukan nitong mga kilay. Confirmed, delubyo na. Bigla siyang kinabahan dahil kamuntikan nang makita nito ang mga pictures na nasa lamesa. Mabuti nalang at naibalik niya sa loob ng envelope ang mga iyon bago pa man ito nakalapit. "Sir, good afternoon po," tumitig siya sa naniningkit nitong mga mata saka nagkunwari na parang kinakabahan. Sarkastiko naman itong ngumisi sa kaniya bago tinapunan ng masamang tingin si Yuan. Pasimpleng tumikhim si Gwen. "So, what brings you here? Alam kong may break sa hapon, but to drive as far as here from the office? Care to explain?" Gumuhit ang mga ugat sa braso ng binata nang pinameywangan siya nito para sitahin. "S-Sir, kasi po, biglaan. 'Yon, biglaan lang po, may emergency lang po kasi kaming pinag-usapan ng kasama ko. And pabalik na rin po ako sa office." Sabay tingin niya kay Yuan. Nagmamadali namang tumayo ang kasama.  "Zack Ferguson, right? Man, idol kita. Yuan Nepomuceno, Gwen's friend." Sabay lahad ng kamay nito sa kaniyang boss. Pero tiningnan lang ni Zack ang nakalahad nitong kamay at hindi iyon tinanggap. Bagkus ay tinanguan lang siya nito ng maangas. Walang choice si Yuan kundi bawiin ang sariling kamay na agad na lang ibinulsa. Halatang nagtatago ng kakaibang ngiti ang kaibigan.  Sa ginawa ng basketbolista'y hindi napigilan ni Gwen ang mainis. Nagbilang siya hanggang sampu sana para kumalma nang bigla ulit magsalita si Zack. "Talaga lang ha? At this working hour, nagawa mo pang pumunta dito para makipagmeet and greet sa friend mo, Sy? At pabalik ka na sa lagay na 'yan? E, mukhang nag-momoment pa nga kayo kanina ng kaibigan mo." May diin ang pagbanggit nito sa "friend at kaibigan."  Naiinis si Zack at parang gustong suntukin ang ipinakilala nitong kaibigan. Kanina kasi'y nakita niya pa kung paano pisilin ng lalaki ang pisngi ng kaniyang sekretarya at kung papaano naman pinisil ng huli ang ilong ng "kaibigan". Ang sakit sa mata! Lihim na napamura sa sarili si Zack. Pagdaka'y bumaling siya kay Yuan at matigas na nagsalita. "I am sorry, Mr. Nepomuceno, but she is my secretary and I am quite disappointed na nakita ko siya dito habang oras pa ng trabaho."  Matalim ang titig nito kay Gwen. Hindi naman iyon iniwasan ng dalag. Magkasalubong na ang dalawang kilay ng dalaga bagay na pilit pinupuna ni Yuan sa pamamagitan ng makahulugan nitong mga sulyap sa dalaga.  Nang mahinuhang tila napipikon na si Gwen, nagsalita ng nakangiti si Yuan. Alam na kasi nito ang kaniyang ugali.Kailangang may gawin na ito bago pa man bumuga ng apoy ang kapitan. "I am sorry, Mr. Ferguson. It was my fault. Sige na Gwen, usap nalang tayo ulit sa susunod." Nauna nang humakbang papalabas ng cafe si Yuan matapos magpaalam kay Zack.  "Wala akong pakialam sa personal mong buhay, Sy, as long gagawin mo lang ng maayos ang trabaho mo sa'kin at susunod sa aking mga patakaran. Wala tayong magiging problema magpaligaw ka man kahit sa ilalim ng init ng araw."  Asar ang mukha nitong sabi. Tuluyan nang napatid ang pisi ni Gwen. Poker face niyang hinarap ang binata. "Pasensiya na po Sir, ano? Pero hindi po kasi ako kumbinsido sa ginawa niyong panghihiya sa kaibigan ko. Magalang naman niya kayong binati. And for your information, hindi po ako nagpapaligaw." Namumula ang pisngi niya sa pagtitimping masigawan ang binata. Tahimik na nakatitig lamang sa kaniya si Zack. Gamit ang dila'y pinabukol ng binata ang kanang pisngi saka supladong nagsalita. "Meron talaga akong sa'yo sa tuwing nagtataray ka at nagagalit. Parehong-pareho din kayo ng timbre ng boses." "Bagay lang po kayong tarayan, Sir. Kung hindi ba naman po sa ugali niyong mayabang at antipatiko eh nagtaka pa kayo. Wala kayong karapatan mang-insulto ng kapwa." At walang lingon-likod itong lumabas ng cafe. Naiwan namang halos laglag-panga ang binata dahil sa hindi inaasahang pagwo-walk out ng sekretarya. "Whoaa!" Sabay-sabay ang mga kaibigan niyang nanukso at nang-asar sa kaniya. Kanina pa pala nanonood ang mga ito sa kanilang bangayan, at mukhang nag-enjoy pa! "Did you see that?" Napatiim-bagang si Zack at nanggigil. Mukhang napapadalas na ang pagsusupalpal sa kaniya ng babae. Mas lalo pa siyang nainis nang nakarinig siya ng pagsipol mula sa kaniyang mga kasamahan habang nagtatawanan. Pumikit siya't nanggigil. No one does that to a Zack Ferguson.  Pero nagawa ng kaniyang sekretarya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD