GWEN Halata ang gulat sa mukha ni Chairman Ferguson nang magkaharap kami sa opisina ni Col. Hilario nang gabing iyon. Nagpatawag kasi ng emergency meeting dahil sa mayroong dapat pag-usapan ngayong gabi bago ang isang operasyon pagkatapos ng pagpupulong. Ilang beses ko na ring sinampal ang sarili ko. Ramdam ko pa kasi ang tensiyon sa buong katawan ko. Buong buhay ko, ngayon lang ako nakakita ng hubad na lalaki at sa mismong kuwarto ko pa. Isang Zack Ferguson lang naman iyon, mga besh, pero siya kasi yon! Yung modelo na nasa billboard sa Edsa ay bumaba lang naman at rumampa sa kuwarto ko habang walang ibang suot kundi brief lang! Oh my goodness! Ang pinagpapantasyahan lang naman ng mga kababaihan sa buong Pilipinas ay abot-kamay ko lang kanina habang ang kupal ay tila masaya pa sa nak

