May kalahating oras na nang makaalis sina Dale at Liezel. Biglang may tumawag sa nobya ng kapatid na emergency daw. Isinugod daw sa ospital ang lola nito kaya nagmamadaling hinatid ang nobya kung saan iniadmit ang matanda. Wala pa ring text galing kay Dale. Dalawang beses lang ding nag-attempt tumawag si Gwen at hindi na umulit nang hindi nasagot ng kapatid. Siguro'y nasa byahe pa rin at alam niyang sumusunod lang ito sa instruction niyang huwag hahawak ng cellphone tuwing nagmamaneho o di kaya'y nasa ospital na ito't sinosuportahan na ang girlfriend. Kaya ending, wala na talaga siyang choice kundi sa sariling banyo sa kwarto niya maliligo ang kaniyang boss. Kung hindi lang sana sa "pagmamagandang-loob" ng kapatid niya, e di sana wala siya sa nakakainis na sitwasyon ngayon. At kung hind

