Chapter 2 - The Encounter

2039 Words
ZACK "I will not consider your request, Moreno! I can consider another week of leave, aside from the one week I've approved, but not this resignation. You may now leave." "P-pero Sir Zack, ayaw na po talaga akong payagan ng fiance ko, pati na rin po ng pamilya nya. Please understand po." Naluluhang pakiusap ng sekretarya ko but hell, no! I won't allow it. It will create chaos on my schedules without a secretary since the new season is approaching. I need to prepare with my team Red Fox since kami ang defending champion ng nakaraang MBA Governor's Cup. "Just don't give me a damn teary eye, Dianne. I can't let you go with the coming weeks dahil magiging busy na'ko, do you understand that?" Halos sumabog na'ko sa inis sa babaeng ito. I'll be very busy in the following weeks, and I don't want to leave the faith of hiring another secretary with the HR head dahil palagi nalang itong palpak! Iniisip kasi nito na basta't seksi at maganda, wala mang work experience e tatanggapin talaga at pagsisimulain na sa trabaho kahit wala pa akong approval. Napahilot ako sa aking sintido. Kababata kasi ng nanay ko si Ms. Quirino kaya kahit gustong-gusto ko na itong tanggalin ay hindi ko magawa. Naiinis na talaga ako sa kapalpakan pero wala akong magawa. Well, I can't blame the old maid. 'Yun din kasi ang bilin ko a year ago. Sa sobrang busy ko bilang isang basketball player at VP nitong Ferguson Group of Companies, sinabi ko sa kaniya na basta pumasa sa kaniya, pag-umpisahin na. Ang mahalaga' y meron akong assistant na matatawag ko sa LAHAT NG ORAS. Hindi ko lang inakalang para sa kaniya, basta sexy at maganda ang babae, okay na. Nasanay na yatang sa isang linggo, iba-ibang babae ang nauugnay sa akin at minsan pa'y pumupunta sa opisina kahit pa istrikto kong ibinilin na huwag basta-bastang tatanggap ng bisitang babae na walang permiso o appointment sa'kin. Dito lang siya kay Dianne Moreno hindi sumablay after more than 10 secretaries sa isang taon. Pito sa mga naging sekretarya ko ay naging ka-one night stand ko, at hindi ko ugali ang umulit. No, I don't treat them seriously and with commitment, and they knew it the day they decided to go out with me. It's clear to them, and besides, hindi ako ang lumalapit sa kanila para makipaglandian. Ayoko sa commitment. Perhaps, I haven't met the right one for me? Ewan ko, basta ayoko nang may nagkokontrol sa'kin. Ang mga babaeng nadidikit sa pangalan ko ay pawang mga panandaliang aliw lamang. Just pure physical attraction. A one-night stand, then goodbye. Hindi ako naniniwala sa pag-ibig kahit pa kitang-kita iyon sa aking mga magulang. I don't know why. I don't care. I just want to enjoy being me. What can I do? I'm a healthy male species with active s****l needs. Kahit pa sa totoo lang, wala talaga silang silbi sa kumpanya. It will always end up terminating them. Mga walang maitulong pagdating sa trabaho. Kung hindi lang talaga kababata ng nanay ko ang HR head, nasisante ko na rin yun. Kaya ayokong bitiwan itong sekretarya kong si Diane ay dahil mag-aanim na buwan na'to sa akin at kahit papa'no naman, okay ang performance sa trabaho. Kaso dahil faithful at mahal ang fiance, eto't gusto namang magresign dahil ikakasal na. "S-sir Zack, a-ayaw na po talaga akong payagan ng fiance ko. Saka-," at kusa siyang huminto sa pagsasalita. "What?" kanina pa'ko nagtitimpi and I swear, I'm gonna snap any moment from now.  "N-na-iinsecure po kasi ang fiancee ko sa inyo, Sir. Alam niya po kung gaano kayo kaguwapo at hot." Kagat-labi pa itong humagikhik na agad ding naputol nang malakas akong sumigaw. "Leave, Ms. Moreno. This conversation is over." "P-pero S-Sir-" "Enough!" That's it. Napatayo na'ko sa inis. Natatarantang humakbang papalabas ng pinto ang sekretarya ko habang ang mukha'y halos maiyak na. Pero muli siyang huminto at lumingon bago nangangatal na nagsalita. "B-by the way Sir, Mr. Diestro wanted to have lunch with you. Wala po kayong scheduled appointment-," "I'll meet him. Just get lost!" mabilis kong pinutol ang kaniyang sasabihin. Hindi na'ko nag-angat ng tingin. I just want to finish everything at nang makaalis na ako para sa aking pupuntahan. Miguel Diestro is one of my college buddies. Isa siya sa mga chef namin in more than twenty 5-star hotel na pag-aari namin sa buong Pilipinas. Isa din si Miguel sa mga pinagkakatiwalaan ko when it comes sa interior design dahil pareho din sila ng misis niyang alagad ng sining. Aside from those mentioned hotels, meron pa kaming limang hotel branch sa Singapore, tatlong resort sa Maldives at tatlo din sa Macau. Tinapos ko lang ang mga dapat pirmahan saka nagbilin ng ibang importanteng gagawin for the rest of the week bago ako nagdesisyong maghanda na sa pag-alis. Magkikita kami ni Miguel sa Starbucks sa Shangri-La, Ortigas. "Zacharias Ferguson, how are you doing man?!" sabay tapik ni Miguel sa aking balikat as I arrived at our table. "Not as good as you think, Diestro. I'm quite pissed since I need to hire a new secretary. My current one is resigning due to her wedding." di ko maiwasang mapangiwi sa frustration. Lalo pa akong nainis nang may panunuya siyang nagsalita. "Baka naman kasi tsinansingan mo din at nagalit dahil nabitin?" humagalpak pa ito ng tawa. Parang sira, tsk tsk! Ke-lalaking tao, nagkakanda-talsik-talsik sa'kin ang laway sa pagsasalita. "Ul*l! And why the sudden meeting, Diestro?" pinigilan ko ang sarili kong maninghal. "Hey, chill, ok? Salubong na naman 'yang mga kilay mo. I just want to personally update you na nasa final phase na ang interior design ng Hotel Del Carmela sa Baguio. Tito Bernard mentioned hindi ka na raw nakabalik doon since last visit mo? That's 2 months ago, right?" Nagkibit-balikat na lamang ako saka humigop sa tasa ng aking french latte. "Mom asked me to let her decide with the interior design kaya I let her do it." Tumango-tango si Miguel. "Alright. Kaya pala sabi ng Daddy mo busy si Tita Carmela. Nagpa-remind kasi si Cheska, if they can make it sa exhibit niya. E, si Tito ang nauna kong nakita last board meeting kaya nagkausap din kami. Hindi ka nga pala naka-attend no'n, ano?" "Yeah. I was in Maldives for 3 days dahil sa annual management committee meeting." Humigop muna siya sa kaniyang kape bago nagsalita "At isa pa pala Zack. Nakakainis na si Louise, palagi akong kinukulit tungkol sa'yo. Di mo raw sinasagot ang mga text at tawag niya. Aba'y kung hindi ko lang kinausap ng masinsinan si Cheska, baka ilang araw na akong sa guest room natutulog. Ayusin mo iyan Zack, mapeperwisyo ang kaligayahan ko diyan sa babae mo. Pinagdududahan ako ni misis." nakanguso nitong reklamo. Napatiim-bagang ako sa narinig. Louise Anzorandia is the very consistent "fling" I ever had. She's an international model. At kahit anong iwas ko, talagang nakakagawa ng paraang makuha ang pansin ko. Obviously, dito na naman kay Miguel nambubuwisit. Palagi nalang nitong sinasabing magpapakamatay kapag tuluyan ko siyang iniwasan. Honestly, I really don't give a damn hanggang sa minsan nga nitong ginawa ang mag-suicide nung iniwas-iwasan ko. At first, natakot din ako. G*go ako, oo. Pero kapag buhay na ang nakasalalay, ibang kuwento na 'yon. Pero hindi pwede ang palaging ganito. I need to do something para matapos na ang koneksyon ko sa babaeng 'yon. "I already told her we're over dahil wala naman talagang kami sa una pa lang. You know I don't commit serious relationship dahil naiinis ako sa kaartehan ng mga babae."  Napahilamos ako sa aking mukha dahil sa frustration ko sa babaeng 'yon. "Please tell Cheska I am sorry, Pare. I'll talk to that b***h soon." "You better be, Ferguson. And you better change that logic of yours na pareho ng mga babae mo ang lahat ng kababaihan. Hah! I'm telling you, Ferguson, darating ang araw masasalubong mo ang babaeng magiging katapat mo. And before you knew it, nagkukumahog ka nang kumakatok sa bahay ko para sa advice. And I will surely wait for that day, man!" halos wala nang mata ang kumag kong kaibigan habang nakangisi. "Asshole! Of course, that will never happen. I will not let that happen. I don't want to lose my freedom. This is me, Miguel, freedom!" "Tingnan natin." nang-iinis talaga. Nag-usap pa kami ng halos kalahating oras nang maalala kong meron nga pala kaming family lunch. "s**t, I'd better be going now. May usapan pala kami nina Lucas." Tumango lang si Miguel bago sabay naming tinungo ang parking lot. Kaniya-kaniya kaming sakay ng kotse pagkatapos. Pormal na magsasabi sa aming mga magulang ng planong pagpapakasal sa kaniyang nobya ang kapatid kong si Lucas. Beinte-singko na ito at ito ang tumatayong VP for Marketing and Research ng FGC. Isang architect naman ang nobya nitong si Lindsay Ramirez. At ang youngest sibling namin, si Adriana Ferguson ay siya namang tumatayong HR Head ng FGC nationwide bukod sa isa itong fashion designer. Matanda ng dalawang taon si Lucas kay Adri. Ako nama'y matanda ng tatlong taon kay Lucas. At sa edad kong beinte-otso? Kahit magnobya, wala akong plano. Nasa kahabaan na ako ng Edsa nang biglang tumunog ang aking cellphone. Si Lucas. "Kuya, ano nasa'n ka na? Andito na sina Daddy at Mommy. Si Adriana on the way na rin daw. Huwag mo sabihing nakalimutan mo?" nagbababalang himig ni Lucas. Ako pa naman ang unang pinagsabihan nito ng planong pagpapakasal. Tiningnan ko ang aking wristwatch. "Papunta nako diyan bro, mauna na kayo, I'll be there in less than 30 minutes." Pinatay ko na ang tawag. I ready myself to speed up a little. Pero bago 'yon, magti-text pa sana ako sa sekretarya ko nang bigla akong napaigtad sa gulat. Sunod sunod ang nakakairitang busina na nanggagaling sa aking bandang likuran. Agad akong lumingon at nakita ko ang motorsiklong kapantay ko nang tumatakbo habang ang driver nito'y sumesenyas. Napaangat ang isa kong kilay. Babae ang naglalakas-loob na bumangga sa akin. Alam ko dahil sa nakita kong porma ng katawan nito at mahabang buhok sa ilalim ng suot nitong helmet.  In fairness, ang angas kung magdrive ng motor. "What the hell?!" Nang biglang umakyat ang lahat ng dugo sa ulo ko. Bigla kasi siyang nag-cut sa harapan ko at huminto sa mismong tapat ng kotse kong lumikha ng napakalakas na ingay dahil sa bigla kong pagpreno. Mabuti nalang at bigla kong naapakan ang preno nitong silver Audi. Kamuntikan na'kong lumusot sa harapang salamin kung hindi lang sa suot kong seat belt.  Halos mag-usok ang ilong ko sa inis. Mabilis akong lumabas ng sasakyan ko at doo'y nakita ko ring nagtatanggal na siya ng kaniyang helmet. I saw her putting an aviator bago naglakad papunta sa'kin. But for a moment, I was taken aback by what I saw. Parang slow motion kasi sa pelikula. Para siyang isang modelo sa commercial na pinapanood ko ngayon sa tv. Habang papalapit siya sa'kin ay isinasayaw naman ng hangin ang kaniyang buhok habang kagat-kagat niya pa ang pang-ibabang labi. Strange feeling enveloped my senses. I just realized na napanganga ako kaya naman agad ko din iyong isinara. At nang nasa limang dangkal nalang ang aming pagitan, may parang sumipa sa aking dibdib na agad kong pilit pinakakalma dahil sa nalalanghap kong bango niya. Kahit nakasuot siya ng aviator, sa tangos ng ilong at korte ng mga labi niya, walang dudang isa itong anghel na.... "Hoy Mister!" Bumalik ako sa reyalidad. Did she just shout at my face?! "Sa'yo ba 'tong highway na kung makapagdrive ka'y sakop mo na ang buong Edsa?! Nakapag-orientation ka ba sa LTO bago kumuha ng lisensiya at alam mo rin ba kung gaano ka ka-iresponsable dahil nagagawa mong magmaneho while texting?!" "What?!" "What-watin mong mukha mo! Hala siya... Aba'y di porke't naka luxury car ka e may karapatan ka nang maghari-harian sa kalsada. Maging considerate at responsible citizen ka naman! Dahil sa katulad mo kaya maraming nadidisgrasya e!" Nakapameywang siya at nakaduro pa ang isa niyang hintuturo sa aking mukha. My jaw dropped again and suddenly, I want to explode! Isa siyang anghel na maangas. Maangas at mataray na anghel na tila nakalunok ng bala at nagpaputok ng armalite gamit ang bibig. "What the hell?!" Singhal ko sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD