Chapter 1 - The Hostage Scene

2251 Words
"NASAAN NA SI DANILO MAGSAYSAY?! KUNG HINDI NYO KAYANG IBIGAY ANG KONDISYON KO, PASASABUGIN KO NA ANG BUNGO NG BABAENG 'TO!" Kandalabas na ang mga ugat sa leeg ng hostage-taker na may maraming tattoo sa magkabilang braso. Hindi na niya napigilang mapabuga ng hangin sa bibig. Makulit din talaga ang hostage taker na 'to. Feelingero talaga! Hingin ba namang makausap ang sikat na newscaster? Ano'ng 'pinaglalaban nito? E tiyak, nagsisimula na ang talk show no'n ngayon! Alas-diyes na ng umaga, por dios por santo! Hindi na mapigilan ni Gwen ang manggigil dahil sa mabaho pa ang napiling lugar ng suspect para ganapin ang hostage drama. Tsk, tsk! Napakamot na sa kaniyang ulo ang dalaga. Mag-aapat na oras na silang nakikipag-negosasyon dito, pero heto't kung kailan sasa-himpapawid na ang hinihinging tao, siya nya pa lang ide-demand! Amazing! She rolled her eyes in dismay. Akma na sana siyang lalabas sa pinagtataguang poste nang bigla siyang higitin pabalik ng may katandaang pulis. "Don't you even think about it, Madrigal. Manatili ka lang dito!" Ani ni SPO3 Ray De Leon. Inis niyang kinamot ang likod ng kaniyang tenga. "Haist, Sir naman! Kanina pa po tayo dito. Hindi po ba kayo naaawa sa buntis? Mamaya niyan, manganak pa ng alanganin si Ate. Wala naman nang pag-asang pupunta dito si Magsaysay," at sinipat nito ang relo saka ngumuso sa kausap. "Malamang umeere na ngayon ang talk show nun sa TV. Hindi 'yun makakapunta dito". Pero hindi man lang naligalig ang matalik na kaibigan ng kaniyang ama. Sinamaan lang siya nito ng tingin at sininghalan. "Delikado 'yang iniisip mo, Gwen, kung anuman yan. Umayos ka! Alam kong matapang ka at walang inuurungan, pero hindi sa lahat ng bagay ikaw masusunod, understood?!" Tamad na lamang na napairap sa hangin ang dalaga. Sumimangot siya't napatingala sa mataas na kisame ng abandonadong building na'yon. Minsan, gusto na talaga niyang mapikon sa kaniyang ninong na nataong hepe din nila. Lagi na lang kasi, kapag magkasama sila nito sa isang misyon, tila nakakalimutan nitong pareho lamang silang pulis at nanumpang poprotektahan ang bayan, kahit buhay ay ilalaan. "Hay, naku po!" Pabulong niyang reklamo. "Ilang oras na dito, wala namang nangyayari sa negosasyon." Gayunpaman, hanggang inis lang naman 'yon at bigla ding nawawala dahil kung ituring siya nito ay parang tunay na anak. Dalawa sila ng nakababata niyang kapatid na kung ituring nito at ng misis ay parang tunay nang mga anak lalo na nang tuluyan na silang maulila sa magulang. Dalawa lang kasi ang anak ng mag-asawa at pawang nasa ibang bansa pa. Bigla'y naisipan niya itong biruin. "Nong, masakit pa po ba ang arthritis niyo? Sabi po kasi ni Ninang-," "Sinong may arthritis?! Malakas pa'kong sumipa sa kabayo! Aba't ang batang 'to!" Mabilis siyang napalayo para umiwas nang akma siya nitong sasakmalin. Natawa siya ng palihim. "Kung hindi lang kita inaanak nabatukan na kita!" Agad siyang nag-poker face dito. Nakita niya ring natawa ang ibang kasamahan na nakapaligid sa crime scene. Umikot na lamang siya at muli niyang sinilip ang lalaking maraming tattoo. Lisik ang mga mata, naglalaway, tatawa tapos sisigaw? Ay, baliw na adik 'to na nalipasan na ng gutom. Mukhang sabog na sabog! Halos sakalin na nito ang babaeng buntis habang nakatutok ang baril sa sintido nito. Tsk, tsk, masama na talaga 'to. "Konting panahon na lang Villamonte, parating na ang paborito mong newscaster! Baka pwede mo nang pakawalan ang babae? Pag-usapan natin 'to! O kaya, si Tulfo na lang papuntahin natin dito?" Pakiusap ni SPO3 De Leon. Humalakhak ang hostage-taker habang halos hindi na rin makahinga ng maayos ang hostage dahil sa takot. "Ano ako, tanga? Ayoko ngang ma-Tulfo! Akala niyo ba hindi ko alam ang pang-uuto niyo sa'kin? Hoy! Wais 'to, man! Alam ko na nasa studio 'yun ngayon! Ako pa uutuin nyo e sinusubaybayan ko palabas nun." Sigaw pa nito habang tatawa-tawa. Doon na hindi napigilan ni Gwen ang mapikon. Pumitik ang ugat sa kaniyang sintido. Aba'y pinagti-tripan yata kami nito. Alam niya na palang umeere na sa tv ang nirequest na tao, saka pa papupuntahin dito? Idagdag pang wala nang tigil sa pagpalahaw ang hostage nito. "Maawa na po kayo sa baby ko, pakawalan niyo na po ako." walang tigil sa pagmamakaawa ang babae. "Relax ka lang, akong bahala sa'yo." nakangising sabi ng salarin sabay dinilaan nito ang pisngi ng babae. Lalong pumalahaw ng iyak ang buntis. That's it. Hindi na talaga siya nakapagpigil. Sa lahat ng ayaw niyang makita, 'yung mga manyak na dapat ay sinusupil! Bigla siyang lumabas sa posteng pinagtataguan. Nakataas ang dalawang kamay habang hawak sa kanan ang isang 9 mm service pistol. Hindi niya inalintana ang pagsigaw ng hepe para siya'y pigilan. Nakangisi kahit halatang nagulat, awtomatikong itinutok sa kaniya ni Villamonte ang hawak nitong baril. Sumipol pa ito bago nagsalita. "Hanep! Ang lakas naman ng loob mong harapin ako? Sigurado kang kaya mo'ko, sexy?" Nagkibit-balikat si Gwen bago matamis na ngumiti. "Chill pogi! Bakit hindi natin subukan?" "Madrigal, bumalik ka dito, that's an order!" dinig niyang sigaw ng nanggagalaiti nilang hepe. Pero hindi siya nakinig. Sinenyasan niya lang ito ng "relax" bago napangiwi sa mukha ng ninong niyang mukhang mangangain na ng tao sa galit. Tumalim ang kaniyang mga mata at nakiramdam. Kailangan niyang maging alerto. Matatalim ang mga titig ng hostage-taker at alam niyang sa isang maling galaw nito, maaaring mapahamak ang hostage. Muli niyang itinaas ang kamay na may hawak na baril, pinapakitang sinusuko ito saka niya itinapon sa isang sulok. Kailangan niyang dumiskarte sa hinayupak na 'to para makauwi na't naglalagkit na talaga ang katawan niya sa pawis. Pangalawang crime scene na ito dahil sa madaling araw pa lamang kanina ay nasa isang raid sila. Nai-stress na siyang talaga dahil idagdag pang ang baho talaga ng paligid. "Sir, pwede pong magtanong?" bigla siyang nagsalita. "Huh!" Gulat ang kriminal. "Bakit dito mo naisipang mang-hostage? Ang baho kaya." Natigilan ang kausap niya. Naglikot ang mga mata nito bago nanggigigil na sumagot. Napapikit pa ang babaeng buntis sa biglang pagsigaw nito pagkatapos. "Wala kang alam! Wala, wala!" at nagwala na nga ito sanhi para mawala ang focus nito kaya naman mabilis na kumilos si Gwen at inabot ang may kaliitang kutsilyo na nakasukbit sa kaniyang binti. Mabilis niyang sinenyasan ang hostage na kumawala sa suspect na agad naman nitong nakuha. Malakas nitong kinagat ang kamay ng lalaki pagkuwa'y tumakbo ng mabilis. Bull's eye ka ngayon, g*go ka! Gigil na gigil niyang inasinta ang lalaki. Sa isang iglap, bumaon ang kutsilyo ng dalaga sa hita nito. Napasigaw ito sa sakit pero agad ding nakabawi at nanlilisik ang mga matang tumawa ng malakas na tila ba hindi nasasaktan. "Pakialamera kang babae ka! Papatayin kita -," "Oooppps, sandali! Hindi ka ba nahihiyang babae ako at walang baril, tapos ikaw, ke-lalaki mong tao, meron ka pa niyan?" ininguso ni Gwen ang hawak nitong baril. "Hmmm, gusto mo'ng mahawakan, ha? Sige nga, pagbibigyan kita. Mukha namang hindi mo'ko kaya. Sa liit mo'ng 'yan?" saka nito nakangising itinapon ang hawak na baril at humakbang papalapit sa kaniya. Uto-uto! "Ikaw na lang ang yayariin ko." Napailing ang dalaga sa narinig. Dinig niya rin ang mahinang tawanan ng ilang kasamahang nasa paligid. Alam na kasi ng mga ito ang kaniyang iniisip. "Captain, five minutes." Narinig niyang sinabi ng hepe bago tumalikod palabas. Five minutes means kailangang naka-posas na ang salarin pagkatapos ng limang minuto. Kitang-kita niya kung paano nanlaki ang mga mata ng hostage taker nang bigla niyang hubarin ang suot na leather jacket. Nakinisan yata sa mga balikat at braso ng dalaga, bigla itong napalunok saka nagngising-aso. Ngayo'y naka-black-fitted ladies sando na lamang ang suot ni Gwen. Marami ang nagsasabing pwedeng-pwede siyang maging modelo dahil sa hubog ng kaniyang katawan. Five-six ang kaniyang tangkad at may kaputian siya kaya hindi talaga iisiping isa siyang alagad ng batas. Siguro'y dahil alam na malaki ang katawan, walang pag-aalinlangan siyang sinugod ng lalaki. Akma sana siyang hihipuan sa dibdib nang walang sabi-sabi niyang inabot ang braso nito at hinatak bago malakas niyang binalibag. Mabilis siyang umikot pagkatapos at malakas na sinipa ang likuran nito. Pilit na nanlalaban ang kabunuan, pero hindi magawang makaganti dahil sa bilis at galing niya sa matial arts. Sunod-sunod na suntok at sipa pagkatapos ang kaniyang pinakawalan hanggang sa tuluyan na itong na-knock out at nakatulog. "Times up!" Biglang sigaw ni SPO1 Rhea Diaz. Tatawa-tawa itong lumapit sa kapitan. Inabot nito sa kaniya ang baril na inihagis niya kanina. Nakangisi niya lang itong pinasalamatan. "Thanks, Rhei." "Naks! Talagang may silbi ang angking ganda at kaseksihan mo, Kap a! Kaya kita idol, e!" Nakangiting sabi pa nito habang tinutulungan ang isa pang pulis sa pagpoposas sa salarin. "Ikaw ba naman ang makaharap ng pulis na pang-FHM ang kagandahan at kaseksihan, Rhea, hindi ka magdadalawang isip?" Tila nang-aasar na sumabad naman ang lalaking pulis na agad sumulpot sa isang tabi. Nakasimangot itong hinarap ni SPO1 Diaz at mataray na sinagot. "Alam mo, wala ka na talagang galang sa opisyal mo, Marlon. Porke't kaibigan natin si Gwen, kung ano-ano na lang ang lalabas diyan sa bibig mong-" "Hala! Ano'ng masama sa sinabi ko? Ikaw talaga, Rhea..Sige nga, ano ang bibig ko? Kung hindi ko pa alam, gusto mo lang magpahalik." "Aba't ang kapal ng mukha mong pangit ka!" Biglang sinapak ni Rhea si Marlon. Naparolyo naman ang mga mata ni Gwen. Talagang in denial queen kasi ang kaibigan niya tapos iiyak-iyak kapag may ibang babaeng papansinin si Marlon. Sanay na sanay na siya sa mga ito. Kaya alam na niya ang susunod. "Natural na ma-distract ang adik na 'yan kasi nga manyak, di ba? Parang ikaw nga,e. Kung sino-sino lang ang babae!" "Sino'ng manyak, Rhea? Bakit, alam mo na ba kung paano ang manyakin? Halikan kita diyan, e!" Asar na binalingan ito ng babaeng pulis. "Eww...Sapak, gusto mo?!" "Halik na lang, mas masarap 'yon." "Ul*l!" "Bunganga mo, Diaz. Hahalikan ko talaga 'yan!" Saka mabilis na humakbang palapit kay Rhea si Marlon na agad namang ikinataranta ng dalaga. "Oist, oist, tama na 'yan at kung saan na naman mapunta 'yang asaran niyo. pareho naman kayong mga manhd." Pabulong ang huli niyang sinabi. Sabay na napatingin sa kaniya ang dalawa na nginisihan niya lang at sinaluduhan bago iniwan.  Tatawa-tawa lang na tumalikod si Gwen at humakbang papalabas ng warehouse. Talaga naman kasi, bakit napaka-dense ng kaibigan niya at parang tanga lang na hindi nakakahalatang may gusto ang kaibigan nila dito. Nataon pa namang alam niya na sa unang pagtatagpo ng dalawa, crush na crush ni Rhea si SPO1 Marlon Fajardo. Hindi niya lang alam kung ano'ng nangyari at bigla itong dumistansiya matapos niyang makabalik sa dalawang linggong misyon sa Davao. "Bahala na nga kayo sa buhay niyo. Basta't ako'y uuwi na-" biglang napawi ang ngiti sa kaniyang labi nang makitang papalapit sa kaniya ang hepeng kabaro ni Bembol Roco. Nalintikan na. In 5...4...3...2...- "Ang tigas talaga ng ulo mo, Gwen! Ano nalang ang sasabihin ng tatay mo sa'kin sa ginagawa mo?! At ang Ninang Elsa mo, sa tingin mo ba - " Napangiwi si Gwen. Nakatingin pa sa kanilang gawi ang ilang kasamahang pulis. Ang iba'y pigil ang pagtawa dahil sa takot na kaniyang pandilatan ng mga mata. alam na rin naman kasi ng mga ito kung ano ang relasyon nila ng hepe.  "Nong, relax. Wala naman pong nangyari sakin, e.Hindi po ako susugod sa sitwasyong sa tingin ko ay hindi ko maha-handle. Naaawa na'po talaga ako sa buntis, e. Saka huwag po kayong mag-aalala sa sasabihin ni Tatay, hindi ka naman no'n pagagalitan. Mumultuhin ka nalang, hehehe." Akmang kukutusan sana siya ng hepe pero agad namang nakapagpigil ito. Nanggigigil na lang siya nitong pinameywangan at pinagsabihan. "Nakakaloko ka talagang bata ka! Papatayin mo talaga ako sa konsomisyon lalo na ang Ninang Elsa mo. Hala! Sige na at aasikasuhin ko lang ang suspect sa presinto. Mauna ka na at sa bahay ka na dumeretso, 'pinagbilin ng Ninang Elsa mo na doon ka na mananghalian at magpahinga. Nagluto sya ng paborito mong bulalo at kare-kare ni Dale." Saka ito tumalikod sa kaniya at nauna nang naglakad palabas ng warehouse. Nangiti nalang si Gwen.  Ilang buwan nalang at magreretiro na rin ang kaniyang Ninong Ray. Hindi na niya ito makakasama at hindi niya alam kung malulungkot ba siya o magpapasalamat. Oo, madalas ay malapit na talaga siyang mainis sa pagiging over-protective nito sa kaniya tuwing magkasama sila sa isang misyon pero aaminin niya ring mami-miss niyang tiyak ang pagiging istrikto nito at maalalahanin. Katulad ng Tatay niya na isa ring matapang at nirerespetong lider ng mga alagad ng batas. Na minalas at nauna nang tinawag ni San Pedro kaya dalawa na lamang sila ng nakababatang kapatid na si Dale ang naiwan dito sa mundo. Tinungo na ng dalaga ang kaniyang motorsiklo. Matapos masigurong nasa ayos na ang lahat, muli pa muna niyang pinasadahan ng tingin ang mobile patrol kung saan nakaupo na sa loob si ang suspek. Nang makitang tulog na tulog pa rin ito, sinimulan na niyang paandarin ang makina ni Scarlet saka isinuot ang kaniyang helmet. Hayy, what a day! 'Kakapagod, kakagutom pero sulit. She loves her job. This is what she has dreamed of since she was a child at hinding-hindi siya magsasawang gawin ang kaniyang tungkulin kahit pa anong mangyari. And yes! She is starving already lalo pa't may bulalo na niluto ang kaniyang ninang at gustong-gusto na niyang higupin. With that in her mind, mabilis na niyang pinatakbo si Scarlet sa highway. Pakialam ba niya kung kumain ng alikabok ang mga nasa likuran niya. She just waved at them and proceeded. Excited na siyang maligo at kumain.  Yehey!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD