Ryca's POV
Waaah! Bakit ang tagal ni Jero? Nasan na ba siya?
Don't tell me hindi niya ako sisiputin dito sa date namin?
Naman naman. Tsk.
Palakad lakad lang ako ngayon dito sa bungad ng isang amusement park.
Kanina ko pa hinihintay si Jero pero wala talaga siya.
Maya maya biglang may nagtakip ng mata ko from behind.
"Tsk. Amoy mo palang alam ko na." Natatawa kong sabi.
"Sorry babe. Nalate ako." Pagkaalis niya ng kamay niya ay yan agad ang sinabi niya sakin.
Take note. Nakapout pa siya.
Aww. So cute.
"Alam mo namang mahal na mahal kita kaya isang sorry mo lang, Okay na." Nakangiti kong sabi.
Ngumiti lang siya pabalik sakin.
He entertwined his hands with mine at sabay na kaming lumakad papasok sa amusement park.
Habang nasa pilahan kami ng tickets ay nakatanggap ako ng tawag.
Sapphire Calling...
Huh? Bakit tumatawag to?
I answer the call.
"Fire?"
(*Huk* Ryca. I-i need y-your help.) Nanlaki ang mata ko nung ang umiiyak na boses ni Fire ang narinig ko.
"F-fire? Nasan ka??" Tanong ko sa kanya sa tono ng pag-aalala.
(N-nandito sa *toot* subdivision. May sumusunod sakin. Natatakot ako, Ryca. Isang itim na van ang sumusunod sakin.) Tapos humikbi na siya.
"Sapphire, calm down okay? Ganito. Iopen mo ang GPS ng phone mo at susundan kita okay? At please, pakibilisan ang pagdadrive mo. Huwag mong hayaang maabutan ka nila." Seryoso kong sabi sa kanya.
(O-oo sige. S-salamat. W-wala na kasi akong matawagan.) Pinatay ko na ang call at hinintay kong may masagap akong GPS mula kay Fire. Di nagtagal ay may natanggap na ako.
"Babe. Next time nalang tayo magdate okay? Kailangan ako ni Sapphire ngayon. She's in danger." Wika ko kay Jero.
"Sige. Nasan daw siya?" Pinakita ko jay Jero ang phone ko tapos siya na mismo humila sakin patungo sa kotse niya. Nagcommute lang kasi ako papunta dito kanina.
"Mukhang kakailanganin natin ng tulong nila." Napatingin ako kay Jero nung sinabi niya yan.
"Oo nga." Nagtype ako sa phone ko at nag text kila Ara na kailangan namin sila,Sinabihan ko silang nasa panganib si Sapphire. Tinext ko ang address sa kanila.
"Idaan mo ako sa bahay. May kukunin lang ako." Seryoso kong sabi kay Jero.
Sapphire's POV
Oh my gosh. Nanlalamig na ako. Kanina pa ako sinusundan ng mga to.
Pero katulad ng sinabi ni Ryca. I continued driving.
Binilisan ko pa. Magtitiwala ako sa kanya.
Kasi naman. Bakit ba ako sinusundan ng mga to? Sino ba sila?
At kung minamalas nga naman ako. Nasiraan pa ata kaya napatigil ang sasakyan.
Inistart ko ng inistart ang kotse pero wala talaga. Napatingin ako sa likod.
Palapit na sila. Halla naman!
Naiiyak na ako habang iniistart parin ang kotse ko.
"Waaah! Damn it! Makisama ka nalang please!" Umiiyak kong sabi habang pinupukpok ang kotse ko.
Kasu wala parin. Tumingin ako sa likod. Halla! Patay ako.
Nanjan na sila. Umiiyak nalang ako hanggang sa nagflashback sakin lahat ng mga masasayang pangyayari sa buhay ko.
Kaasar. Hindi pa ako nakakaamin kay Jeffey mamamatay na ako? Ganito nalang ba ang kahihinatnan ko?
No. Hindi pwede.
Pinunasan ko ang luha sa mga mata ko. I trust Ryca. Hihingi siya ng tulong sa mga police or something.
Napapitlag ako nung may kumatok sa bintana ng kotse ko.
Hindi ko pinansin. Nanginginig ako. Natatakot ako.
Lalong lumakas ang katok nila. Buti nalang at printed ang bintana ng kotse ko.
Napapikit ako habang dinadasal lahat ng alam kong dasal.
Oh please. Save me from this danger. Please.
Nanginginig na ako at palakas na ng palakas ang pagpalo nila sa bintana ng kotse ko.
"Buksan mo to!"Napayakap nalang ako sa sarili ko.
Ano nalang mangyayari sakin?
Tinry kong paandarin ulit yung kotse ko pero ayaw talaga.
Humahagulgol na ako.
"Sh*t. *sniff* Umandar ka na please."
"Umandar ka na ple---KYAAAAH!!!" Napasandal ako sa driver's seat nung may parang bumanga sa pinto ng kotse ko.
Wala ng kumakatok.
Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob kong buksan ang bintana at tumingin sa labas. Nanlaki ang mga mata ko nung makita ko ang siyam na taong kinakalaban ang mga lalaking sumusunod sakin.
Lima yung babae. Tapos apat yung lalaki.
Mga nakamaskara sila. Yung isang babae latigo ang gamit pang laban. Pinapaikot niya sa ere yung latigo tapos ipapalo at ipipilipit sa kalaban niya. Nasa likod naman ng babaeng nakalatigo yung isang lalaking may hawak na arnis. At ang bilis niyang gumalaw. Nakakamangha. Hindi ko masundan ang bawat galaw niya. Napatingin naman ako sa tatlo pang babae. Yung isang babae may pana sa likod pero hindi naman ginagamit. Minamano mano lang ang laban. Yung katabi naman niyang babae may dalawang dagger na hawak at iyon ang pinangsusugod niya. Sa likod nilang dalawa ay isang babaeng may hawak na wushu stick. Ang graceful niya makipaglaban.
Napatingin naman ako sa Tatlong lalaki na nakikipaglaban ng walang armas.
Huli kong tinignan ay ang babaeng nasa pinakalikod. Tatlo ang kaharap niya di tulad ng mga kasama niyang dalawa o kaya isa ang kaharap.
May katana siya sa likod pero di rin ginagamit. Bakit ang weweird nila? Di ko mapigilang mamangha. Kung titignan mo sila parang sanay na sanay na silang makipaglaban. Ang dami nilang kalaban pero parang wala lang sa kanila.
Anong klaseng tao ang mga to? Are they even humans?
"This is pointless!!" Napatigil sila sa pakikipaglaban nung sumigaw yung babaeng nakakatana. Nagulat ako nung kinuha niya yung katana sa likod niya tapos yun na ang ginamit niyang panlaban. Natumba na yung tatlong unggoy na kaharap niya. Napatakip ako ng bibig ko. Oh my freaking gosh! Ngayon lang ako nakasaksi ng ganyan!!
Nagsilabasan na ng baril ang walong super humans at binaril ang mga kaharap nila. This time. Mata ko na ang tinakpan ko.
"OH my! Oh my!" Tili ko.
Nagulat nalang ako nung may humawak ng kamay ko at inalis mula sa pagkakatakip sa mata ko.
"Ligtas ka na. Pasalamat ka at nakahingi ng tulong samin si Ryca." Sabi nung babaeng may dagger.
Hindi naman ako makapagsalita. Are they my heroes? Nakakatakot sila.
"We're the great circle." Sabi naman nung babaeng nakabow and arrow.
Still laglag panga parin ako.
"Oh come on miss. Umalis na tayo dito." Sabi pa nung isang lalaki.
Para ata akong naubusan ng hangin sa katawan.
Mga.... mga gangsters ba sila??
Gosh.
Naramdaman ko nalang na unti unting nanlalabo ang paningin ko hanggang sa mawalan na ako ng malay.