Fairytale 14

1110 Words
Ara's POV "Ma'am, kape niyo po." Tinanguan ko lang ang sekretarya ko. Nilapag niya ang kape na pinatimpla ko tapos naramdaman ko na ang pag-alis niya. Nandito ako ngayon sa opisina at tinatapos ang paperworks. Inutusan ako ni mom dahil dadalawin niya daw si Dad sa New York. Haaay! Kung dati parents ko lang ang busy, Ngayon pati ako na. Naramdaman kong nagbeep ang phone ko. Pagtingin ko may message si Ungas. (Chris) From: Ungas Hoy! Beach tayo! Aba?? Ayos mag-aya ah? Ano siya? Hari? Mukha niya. Hindi ko nalang siya pinansin at sumandal nalang ako sa swivel chair ko at hinilot ang sentido ko. Ang dami ko pa palang aasikasuhin. Tapos may dadaluhan pa akong meeting next week sa company nila Ian. Investor na ako eh. Haaay naman. May biglang kumatok sa pinto. "Pasok." Bored kong sabi habang nakapikit parin. Naramdaman kong bumukas ang pinto kaya napatingin ako dito. "Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko kay Chris na ngayo'y nasa harap ko. "Tara sa beach." Nakangiti niyang wika. "Ikaw nalang. Can't you see marami akong ginagawa?" Sabay pakita ko ng mga papel sa table ko. "Ay sayang naman. Di bale next time." Hindi ko nalang siya pinansin at tinuloy ang ginagawa ko. "Wala ka bang balak ibalik ang Gang Ass?" Natigilan ako sa naging tanong ni Chris. Gang Ass? "Para saan pa? It's all done." I said. "Nah-uh. Hangga't may VMafia na nabubuhay. Hindi matatapos ang gulo." Nakangiti niyang sabi. Minsan nagtataka ako sa taong to. Alam niya lahat tungkol sa VMafia pero hindi naman daw siya Gangster. "Oh come on. I know that facial expression. Hindi ako Gangster okay?" Kfayn! "Tss." Nagpatuloy nalang ako sa ginagawa ko. ** "No. Hindi pwede yan. Masyado mo namang iririsk ang company kung yan ang gagamitin mo. Ayoko niyan." Reklamo ni Ian sa kasalukuyang nagrereport sa harap. Nandito ako ngayon sa Extinct's at nakikipagmeeting. "But Mr. Dale---" "It's Xandrei." Putol niya sa staff niya. I wonder kung bakit ayaw niyang patawag ng Dale? Asarin ko nga. "Alam mo kasi Dale, sa business pag hindi ka magririsk, Walang mangyayari sayo. Ano yun? Playing safe." I smirked. "Nasasabi mo yan miss Vanessa dahil hindi sayo ang company na to. Investor ka lang." Whoa? Vanessa? Since when did he start calling me Vanessa? "Investor man o hindi, Maaapektuhan ako kasi kasali na ako sa kompanyang ito. Hindi mo ba naisip yun?" Tanong ko pa sa kanya. "Pero hindi ba masyadong risky yung pinoproposed niyang project." Tinaasan ko siya ng kilay. "Wala ka bang tiwala sa kanya? Unang una, Hindi mo naman siya kukunin sa kompanyang ito kung wala siyang alam. At kung wala siyang alam, Hindi niya maiisip yang project na yan. Ngayon tingin mo nagririsk siya dito? Hindi niya ipoproposed yan kung alam niyang wala kayong mahihita." Cool kong sabi. Tinignan lang ako ng masama ni Ian. Alam niyang kinokontra ko siya. Oo masyado ngang risky yung project pero yun ang gusto ko, Ang bumagsak ang kompanyang ito. "You're not getting my point." Matigas na sabi niya. "Well. You didn't got my point either." Kibit balikat kong sabi. "Tingin ko tama si Mr. Villegas, Miss Arceo." Napatingin ako sa babaeng nagsalita sa tabi ni Ian. Mukhang kaedad lang namin siya at masama ang kutob ko sa kanya. "Para sa mga hindi nakakakilala sakin, I'm Amber Lerago. The heiress of Lerago's Company. Proxy ako ni dad kaya ako nandito." Pakilala niya. One word to describe her? Bitch Tinignan niya ako then smirk at me. "Investor din ang daddy ko dito, So Miss Mendez (yung nagrereport sa harap) Masyadong risky yang proposal mo, Ang laking money ng mawawala dito. Panu kung di mabalik? Diba? Sayang." Sabi niya. Tumaas ang kilay ko nung tumingin siya kay Ian and smiled flirtatiously. "I think, Miss Lerago here got my point." Sabi naman ni Ian at tumingin sakin sabay smirk. So mas kinakampihan niya pa ang babaeng yun? Ah! Paki ko ba? As if I care? Tss. "Business would always be business. Kung hindi ka risky at puno ng what if's ang utak mo, Hindi ka uusad." Ngumisi ako pabalik kay Ian. Then I looked at Amber next. Ha! Take that b***h! Nagpatuloy sa pagrereport at napagkasunduan na pag-uusapan muna ang proposal kung papayagan ba o hindi. Paglabas ko ng meeting room ay agad akong tumungo sa powder room nila upang mag-ayos ng sarili. Nakatingin ako sa salamin nung may lumabasa mula sa isang cubicle at tumabi sakin. Si Amber. "Oh hi." Bati niya at ngumiti. Tsk. Plastic smile. Hindi ko siya sinagot. Hindi ko rin siya nginitian. Bakit pa? Una, hindi kami close. Pangalawa, wala akong panahong makipagplastikan sa kanya at pangatlo, Pakialam ko sa kanya? "Oh. You're rude." Naiiling niyang sabi. Hindi parin ako nagsalita. Naglagay lang ako ng pulbos at konting lipstick tapos nilagay ko na lahat sa bag ko ang make-up kit ko. Paalis na sana ako pero hinawakan niya ang braso ko. "Ang yabang mo ah? Huwag mo nga akong tatalikuran. Kinakausap pa kita." Hindi ko gusto ang tono ng pananalita niya kaya naman iwinaksi ko ang braso ko bago ko siya tignan ng masama. "Huwag mo akong umpisahan." Malamig kong sabi sa kanya. "Bakit? Anong gagawin mo?" Taas kilay niyang tanong. I smirked. Isinabunot ko ang kamay ko sa buhok niya tsaka ko iniharap ang ulo niya sa salamin. "Ouch." Daing niya. "Kakalbuhin lang naman kita." Idinikit ko ang ulo niya sa salamin. "Huwag kang magtaray sakin. Baka barilin nalang kita bigla. At gusto mo ng kausap?" Idiniin ko ang ulo niya sa salamin. "Uhhmmm!!" Yan nalang ang nasasabi niya. Eh panu, nakahalik na siya sa salamin. "Kausapin mo yang sarili mo sa salamin. Tutal mukha ka namang baliw." Binitawan ko na ang ulo niya tapos pinunas ko ang kamay ko sa damit niya. "Bye bitch." Pagpapaalam ko sa kanya bago ako lumabas ng Powder room. "Tss. Magtataray taray di naman uubra." Naiiling kong sabi. "Ara." Napatigil ako sa paglalakad at napatingin ako sa tumawag sakin. Nasa harap ko si Ian at nakacross arms. Wala akong balak pansinin siya kaya naman naglakad ako para lagpasan siya pero napatigil ako sa sinabi niya. "Obvious ka. Pumasok ka dito sa company para atakihin kami mula dito sa loob no? Tss. Ang bilis mong mabasa." Bakit ba may mga taong bwisit? Tinignan ko si Ian. Kumuha ako ng piece of paper sa bag ko at ballpen. Pinirmahan ko yung papel tapos lumapit ako kay Ian at isinampal yung papel sa pisngi niya. "Oh yan. Autograph ko. Siguro naman titigilan mo na ako?" Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko. Iniwan ko siya doong nakanganga. Anong akala niya? Mapapatahimik nanaman niya ako? Never in his wildest dreams!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD