Fairytale 7

1477 Words
Nicollo's POV "Miss dito po, Magkano?" Turo ko sa isang chocolate cake. "260 pesos lang po sir." Sabi sakin ng saleslady. "Bibilhin ko na yan." Sabi ko tsaka ko nilabas ang wallet ko at kumuha ng 500 pesos. "Ito na po sir." Binigay sakin ng saleslady ang cake na nakabox na. Inabot ko naman ang limang daan at sinuklian niya ako. Lumabas na ako ng cakeshop ng nakangiti. Pupuntahan ko si Ayen ngayon. Isang linggo na since naging girlfriend ko siya. Hindi ko mapigilang mapangiti sa tuwing iniisip ko na kami na. Naka isang linggo na kami. Nilagay ko sa backseat ang cake tsaka ako tumungo sa pinto ng driver seat. Binuksan ko ang pinto pero may biglang nagsara nito. Pagtingin ko ay si Ayesha. Anong kailangan nito ngayon? "Anong kailangan mo?" Tanong ko sa kanya. "Tatanungin kita. Kayo na ba talaga ni Yen?" Seryoso niyang tanong sakin kaya kumunot ang noo ko. "Ano bang klaseng tanong yan?" "Sagutin mo nalang. Kayo ba talaga? Mahal niyo ang isa't isa?" Hindi ko nalang pinansin ang mga pinagsasabi niya. Bahala siya sa buhay niya. Binuksan ko ulit ang pintuan at muli ay sinara niya ito. Srsly? Ano bang trip ng babaeng to? "Ano ba?" Naiirita kong tanong sa kanya. "Nagtataka lang kasi ako." Tinignan ko siya ng seryoso. "Ano pa bang gusto mo? Nasayo na si Onyx diba? Naagaw mo na siya kay Ayen. Ano pa bang gusto mong patunayan?" Naiinis kong sabi. Bakit ba pinakikialaman niya pa kami ni Ayen? Apat na taon ng nasa kanya si Onyx tapos gaganyan ganyan siya ngayon? "Talaga bang pinaniniwalaan niyong mahal ako ni Onyx?" Nagtaka ako sa sinabi niya. "Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko sa kanya. "Tss. Nagbreak kami ni Onyx one week after umalis ni Ara patungong New York." Nagulat ako sa naging pahayag niya. "Joke yan?" Bigla naman niya akong binatukan. "Makinig ka kasi muna." Ang seryoso niya. Katakot. Brutal ba talaga ang lahi nila? "Oh continue. May pupuntahan pa ako." Sabi ko sa kanya. "Hindi ko na boyfriend si Onyx. Matagal na kaming wala." Paliwanag niya. "Yeah right. Hinahatid sundo ka niya sa trabaho." Wika ko. "It's because gusto niyang gawin yun. Tsaka hinahatid sundo niya ako para kahit sa ganong paraan man lang makita niya si Ayen. Onyx loves my sister too much." Natawa ako. Mahal ni Onyx si Ayen? Nagpapatawa ba siya? "Kung mahal niya si Ayen, Bakit niya iniwan?" Tanong ko. Hindi siya sumagot. I smirked. "See? Wala kang masagot." Nagbuntong hininga ako. "Hindi ko magets kung bakit sakin mo sinasabi ang mga bagay na yan. May mababago ba? Kung sinasabi mo yan dahil gusto mong maayos kayo ni Ayen then simply say sorry to her Ayesha. Yun lang. Huwag mong idaan sa pagkwento kwento." Napatungo siya. Bubuksan ko na sana ulit ang pintuan ng sasakyan ko nung magsalita ulit siya. "Handa kong ibalik si Onyx kay Ayen basta pumayag ka lang na ibabalik mo rin si Ayen sa kanya." Yan. Yan ang sinabi niya. "Wala kayong alam sa nangyari four years ago. Oo inagaw ko si Onyx kay Ayen. Oo hiniling ko na iwan niya si Ayen. Kasi wala ring choice si Onyx kundi gawin yun. Pero may himalang nangyari at narealize ko ang mga mali ko. Matagal ko nang gustong magpakaate kay Yen pero everytime na tinatry kong gawin yun, She won't allow me to." Hinarap ko na siya only to see na umiiyak na siya. "I love my sister Nicollo. Nagalit ako sa kanya Oo. Pero I'm mature enough to accept the fact na walang kasalanan si Yen. Nakagawa ako ng pagkakamali for revenge against her pero wala akong napala. Sinupalpal lang sakin ng pagkakataon kung ganu ako kaloser na agawan pati sarili kong kapatid." Pinunasan niya ang mga luha sa mga mata niya. "Sana sinabi mo yan noon pa. You're 4 years late Ayesha. At tsaka huwag mo sakin sabihin yan. Kay Ayen dapat. At tungkol naman sa hiling mo. No. I won't give Ayen back. Iniwan na siya ni Onyx. Kaya tama na yun." Tuluyan na akong pumasok sa kotse ko at pinaandar iyon. Bakit pakiramdam ko pinasa sakin ni Ayesha ang isang napakalaking reponsibilidad. Pwedeng pwede ko namang ibigay ang kaligayahan ni Ayen pero panu naman ako? Apat na taon akong naghintay na pagbigyan niya ako tapos isusuko ko lang siya dahil sa nalaman ko? Kung ano man ang dahilan ni Onyx at Ayesha. I don't care anymore. Gagawin ko nalang ang lahat para mapasaya si Ayen. Apat na taon na ang lumipas it's my time to make her fall for me. I just love her that much. Ayesha's POV Walang nangyari. Walang nangyari sa pakiusap ko. Ayoko nang maging ganito pa kami ni Ayen. Gusto ko ng bumawi sa kapatid ko. Tama si Nicollo. Dapat kay Ayen ko sinasabi ang lahat ng to. I dialled Ayen's number and told her na imeet ako. Umuna na akong pumunta sa restaurant na pagmamay-ari ni Andrex. Umupo ako sa isang table dun at tahimik na naghintay. Maya maya ay natanaw ko ng naglalakad si Ayen palapit sakin. Oh gosh. Kinakabahan ako. Pasensya na Onyx kung uunahan na kitang sabihin ang isang bagay na ayaw mong sabihin kay Ayen. "Bakit?" Yan agad ang tanong sakin ni Ayen pagkaupo niya. "Just wanna tell you something. Makinig ka muna okay?" Tumango siya sakin. I heaved a sigh. "Mahal na mahal ka parin ni Onyx. Mahal ka pa niya." Mukha siyang nagulat sa sinabi ko. "Do you expect me to believe that?" Taas kilay niyang sabi. "I'm not telling you to believe me. Pero totoo ang sinasabi ko." "Yan lang ba ang sasabihin mo?" Tanong niya na parang wala siyang gana na makipag-usap sakin. "Depende sayo. May gusto ka bang malaman?" I asked her. "Meron." Ito na nga ba. Matalino si Ayen. Alam niya ang dapat tanungin sa hindi dapat. "Go ask." "Bakit niyo ako ginago?" Ayun. Diniretso na nga niya. "Cliche ito pero Onyx is my fiance." Pagsisimula ko. Hindi siya umimik. "Nasa Tagaytay pa ako nun. Nung malaman kong may fiance ako. Sinabi sakin ni tita. Si Onyx yun. Hindi ko alam kung paano pero fiance ko siya. Kaya bumalik ako dito para sana kausapin si Onyx na pigilan ito. Mahal ko si Onyx pero ayokong mafixed marriage lang. Kaso pagbalik ko dito nalaman kong kayo na pala, Given na galit ako sayo nun kaya nagbago ang isip ko. Inagaw ko si Onyx sayo. To make you suffer. I know I'm selfish. Pero ang unfair kasi na nasa akin lahat ng hirap tapos ikaw masaya lagi. Kaya sinira ko kayo." Wala siyang reaction sa naging kwento ko. Nagpatuloy ako. "Bakit wala kang alam? Kasi ayaw sabihin sayo ni Onyx. Nalaman niya lang na engaged pala siya sakin after nung prom niyo. Tinawagan ko siya at pinaalam ang lahat. Ayaw niya pang maniwala nung una pero ang dad na niya mismo ang nagsabi. Sabi ko ipaalam na sayo pero ayaw niya. Mas mahihirapan daw kayo pag alam niyong mahal niyo ang isa't isa pero engaged na siya sa iba. Kaya ang ginawa niya ay sinaktan ka niya. For you to hate him. Para mabilis kang makalimot. Kung alam niyo lang kung ganu kasakit kay Onyx na nakikita kang masaya kasama ang iba. Naaawa ako sa kanya hanggang sa marealize ko na mali pala ako. You're my sister kaya dapat di ka nagkakaganito. Triny namin ni Onyx pero wala kaming spark. Kaya nagbreak nalang kami 1 week after umalis ni Ara." Sumeryoso ang tingin sakin ni Ayen. "So that's it." Ayun lang? Yun lang ang sasabihin niya? "Yan lang reaction mo?" "Ano ba dapat ang irereact ko? Ano pa bang point ng sinasabi mo sakin to ngayon? Wala naman diba? Wala ng magbabago. Nasaktan na ako. Nasira na kami. So better leave it at that." Tatayo na siya pero pinigilan ko. "Please Ayen. Kung hindi mo ako kayang patawarin atleast si Onyx. Patawarin mo siya." Hinarap niya ulit ako. Nakita kong naluluha na siya. "Hindi ako santo Ayesha." Pinunasan niya yung mga luha sa mata niya. "Hindi ako santo pero napatawad ko na kayo hindi pa man kayo nagsosorry sakin. Mahal ko kayo pareho kaya I learned to accept everything. No matter how painful it was for me back then, I have no choice but to accept it. Cuz I love him. Cuz I love you." Naluha ako sa sinabi niya. Bakit ba ang bait bait niya? Lalo tuloy akong naguiguilty. "Now if you're expecting me to be with Onyx again. I'm sorry but I won't. You had the chance to explain to me everything but you kept it. So I guess it's done." Umalis na siya at iniwan na akong umiiyak. Parehas sila ng point ni Nicollo. Mukhang wala na nga talaga. Me and Onyx are four years late so I guess we'll leave it at that. I'm sorry Ayen. My dear sister.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD