Ara's POV
"Back off. She's mine." Sabi ni Chris. Inagaw niya ang kamay ko kay Ian na ngayo'y nanlalaki ang mga mata.
"A-are you two..." Hindi na pinatapos ni Chris si Ian at siya na ang nagsalita.
"Yes. Kaya lubay lubayan mo ang girlfriend ko." Nanlaki nanaman ang mga mata ko sa sinabi ni Chris.
The heck is wrong with this guy? Anong bang pinagsasabi niya?
Inalis ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya at tinignan siya ng matalim.
"Kelan pa naging tayo?" Tanong ko sa kanya.
From my peripheral view. I saw Ian smirk.
"Aww. Kala ko lulusot. Ikaw talaga Ara. Panira ka." Nangunot ang noo ko sa sinabi ni Chris. What the?
"Pinapasakit mo ulo ko." Aalis na sana ako pero hinila ako ni Ian.
Ano nanaman bang gusto nito? Lintek na yan. Naiinis na ako!
"ANO??!!" Naiirita kong sabi.
"May pag-uusapan pa tayo." Seryoso niyang saad.
"Kausapin mo yung puno. Huwag si Ara." At hinila na ako ni Chris papasok sa Hotel namin.
Nang makapasok na kami ay kumalas ako sa pagkakahawak niya.
"Makakaladkad ka parang hindi ako nakagown." Sabi ko sa kanya.
"I'm saving you from your ex." Sabi niya at nilagay ang dalawang kamay sa bulsa ng Slacks niya.
"Anong ginagawa mo dito?" I asked him.
"Humihinga? Nakikiparty?" Hindi siguradong sagot niya kaya binatukan ko siya.
"Aray ko naman." Kinamot kamot niya pa ang ulo niya.
"Yung seryoso kasi. Diba nasa New York ka? Bakit ka nandito?" Tanong ko.
"Wala ka na kasi dun. Boring." Sinamaan ko siya ng tingin.
"Chill ka lang. Sinundan kita para masigurong tagumpay yung plano mo." Ngumiti pa siya niyan.
"Whatever." I rolled my eyes at ngumiti lang siya sakin.
Teka? Bakit kahawig niya si Ian?
"Sigurado ka bang hindi mo kamag-anak si Ian? Magkahawig kasi kayo eh." Sabi ko sa kanya.
"Mas gwapo naman ako dun." Nagpogi sign pa siya niyan.
"Di nga? Hindi ka ba related sa kanila?" I asked.
"Ewan ko. Pakialam ko sa kanila." Kahit kelan talaga napakawalang kwentang kausap ng isang to. Sarap bangasan.
Iniwan ko nalang siya dun at naglakad na pabalik sa table namin.
Narinig ko naman na tawa siya ng tawa sa likod ko.
Bahala siya jan magmukhang baliw. -______-
Clyde's POV
"Ang galing niya no? Napasok niya ang kompanya niyo?" Sabi ko kay Ian na kasalukuyang kalaro ko ng chess. Nandito ako sa opisina niya ngayon. Siya na ang may-ari ng Extinct's diba?
"Tsk." Nakakatawa talaga to.
Pero aaminin ko. Napabilib ako ni Ara. Walang ka ide idea si Sir Arnolfo na si Ara na pala ang tumutulong sa kanila. I wonder kung paano niya nagawa yun.
"Checkmate." Tuwang tuwang sabi ko. Yes. 1-1 na kami ni Ian.
"Namiss mo no? Apat na taon rin yun." Sabi ko sa kanya. Tumalim ang tingin niya sakin.
"Haha chill ka lang." Nagbuntong hininga siya bago sumandal sa upuan niya.
"Bwisit. Nasira na." Nagseryoso ang mukha ko. Natutuwa man ako na may isang bagay na nagawa si Ara ay hindi ko parin mapigilan na maasar.
Lalo niya lang inilapit ang sarili niya sa panganib.
Loka talaga yun. Hindi niya kilala si Sir Arnolfo.
Lalo na ngayon na nagngingitngit sa galit yung matandang yun.
"Clyde." Napatingin ako kay Ian nung tawagin niya ako.
"Tingin ko may tumutulong kay Ara." Naisip ko rin yun. Hindi naman kasi makakaya ni Ara na siya lang mag-isa. May tumutulong sa kanya.
"Sino sa tingin mo?" Tanong ko kay Ian.
Hindi siya sumagot. Nagseryoso lang ang mukha niya. Mukhang may idea na siya.
"Kahit pa sabihan mo si Ara. Hindi siya makikinig sayo. Malaki ang galit niya sayo. Trinaydor mo siya eh."
"Makapagsalita ka parang hindi ka rin nagtraydor." Sabi niya sakin.
"May dahilan ako bro." Tinapik ko siya sa balikat bago mag-inat inat at tumalikod sa kanya.
Palabas na ako nung marinig ko siyang magsalita.
"May dahilan rin naman ako." Napailing nalang ako.
Haaaay. Ibang klase ang nagagawa ng pag-ibig.
Pati ang invisible mafia reaper ng pinakamakapangyarihang mafia famiglia ay napalambot.
Ibang klase.
Sigurado naman akong maraming galit samin ni Ian dahil nagtraydor kami.
Pero lahat yun may dahilan.
Yung totoo?? Tinuring ko talagang kaibigan sila Ara.
Nagkagusto talaga ako sa kanya.
Totoong pinaikot ko sila sa katauhan ko bilang gang master pero sa katauhan ni Clyde? Kaibigan ang tingin ko sa kanila.
Haaaay. Kung alam niyo lang ang dahilan namin. Tsk.
Kasu di pa pwedeng malaman ngayon. Mapapahamak sila.
Sumakay na ako sa kotse ko.
Gusto kong mamasyal ngayon kaya pumunta muna akong mall.
Napagdesiyunan kong magstarbucks muna kaya dun ako pumasok.
Nag-order na ako at naghanap ng upuan. Nung makakita ako ay tahimik lang akong naupo habang naghihintay ng order ko.
Hindi naman nagtagal ay dumating na yung order ko kaya nagsimula na akong uminom ng frappe.
"Excuse me. Mind if I join you." Tumango lang ako sa babaeng nagsalita. Hindi ko na siya tinignan dahil busy ako sa cellphone ko.
Hinihintay ko kasi na mag-online si Shantal.
Hindi naman nagtagal ay nag-online na siya kaya chinat ko siya.
Miss ko na siya eh. Bakit ba? Isang Linggo rin siyang hindi nagparamdam sakin.
Clyde Affeur: Nasan ka?
Shantal Morfid(Clyde's Property): Nasa harap mo.
Napailing iling ako. Kalokohan ng babaeng to.
Clyde Affeur: Yung totoo.
Shantal Morfid(Clyde's Property): Try mo kasing tumingin sa harap mo.
Inangat ko ang ulo ko at nakita ko ang nakangiting mukha ng babaeng apat na taong nawalay sakin.
"Shantal?"
"Hi Clyde. Miss me?" Ngumiti pa siya sakin. Halos magtatalon naman ang puso ko.
Nasa harap ko na ulit siya. Nasa harap ko na siya.
Tumayo ako para yakapin siya.
"Minsan ko lang sasabihin to. I missed you." Salamat naman at bumalik na siya.
"I missed you as well." Tugon niya.
Kumalas ako sa yakap at tinignan ko siya.
Napawi ang ngiti sa mukha ko nung maalala kong myembro nga pala ako ng mafia famiglia.
Kahit kelan ay hindi ko nabanggit kay Shantal yun. Baka kasi matakot siya sakin.
Napakataas ng estado ng buhay nila Shantal at nahihiya akong magpakilala bilang member ng mafia famiglia.
Ano nalang iisipin niya sakin?
"Clyde? Okay ka lang?" Nabalik ako sa wisyo nung hawakan niya ang magkabilang pisngi ko.
"Shantal." Wika ko at niyakap ko nalang ulit siya.
"Ganyan ka pala kaclingy." Yumakap nalang siya sakin.
Ngayon naiintindihan ko na si Ian. Yung tipong hindi kayo pwede ng taong mahal mo at hindi mo alam ang gagawin mo kung ilalayo mo siya sayo o mananatili siya sa tabi mo.