Fairytale 2

1262 Words
Ryca's POV "Hi babe." Kumaway ako sa webcam. On skype kami ni Jero ngayon. I miss him so much. Once a year lang siya bumibisita dito sa Pinas at 1-3 weeks lang ang stay niya kaya naman miss na miss ko na siya. Akalain niyo yun? Sa loob ng apat na taon kami parin. Nagcocool off kami pero never pa kaming nagbreak. Ang saya ko lang na kami parin hanggang ngayon. "Hello." Nakangiti niyang sabi pero para siyang pagod na pagod. "Sobra ba ang pagtatrabaho? Okay naman na ang company niyo diba?" I asked him. "Yeah. Pero ganto pala kahirap maging heir ng company. Nakakastress. I wanna be with you babe. I miss you." Nagpout pa siya sa camera. Awww. Ang sweet lang. "Kelan ka ba kasi uuwi dito? Yung for good na ha? At hindi bakasyon lang." Pagpapacute ko sa kanya. "By next month babe. Ang sabi kasi ni Dad ako na daw mag-aasikaso ng business namin jan." Nagbilang ako sa daliri ko at napangiti nung marealize kong malapit na. "That is two weeks from now na. I'm so excited babe." Masayang sabi ko sa kanya. Kwentuhan lang kami ng kwentuhan hanggang sa inantok na ako at nagpaalam na ako sa kanya. Kinabukasan ay pumasok na ako sa The Lerago's. Model kasi ako sa company na yun. Katrabaho ko si Ayen at Ayesha. "Good morning Miss Ryca." Bati sakin ng isang staff dito sa company. "Good morning." Nakangiti kong wika. "Hey Ryca." Napatingin ako sa tumawag sakin and I saw Fire. New bestie namin ni Ayen. "Hi Fire. Good morning. Gumaganda ka ata? Nagkakamabutihan na ba kayo ni Jeff?" I asked her. Crush niya kasi si Jeff. Lalaking model dito. "Ey! Ikaw talaga. Mapang-asar ka nanaman. Siguro nakauwi na yung boyfriend mong hottie no?" Sinabayan na ako ni Fire sa paglalakad. "Haha. Hindi pa. Two weeks from now pa." Nag-usap at nagkulitan lang kami ni Fire hanggang sa makapunta kami sa Studio namin. "Okay. Anjan na sila. Ayusan na." Narinig kong sabi ni Manager Abby. Siya yung nagmamanage samin ni Fire. "Oo nga pala. Makakasama niyo ngayon si Jeffey." Sabi ni Manager. Siniko ko naman si Fire at halatang namula siya. Maya maya ay dumating na si Ayen. Siya ang photographer namin ngayon. Dapat talaga nagmodel nalang to like me. "Game na." Mukhang gloomy si Ayen. Anyare? Nagsimula na ang pagkuha samin ng litrato at todo pose naman kaming tatlo nila Fire at Jeff. "Dyosa ka talaga, Ryca. Ang sexy mo. Kainggit!" Pagmamaktol ni Sapphire. "So anong tingin mo sa itsura mo? Baboy?" I said chuckling. "Kasi naman. Haaaay. Buti ka pa napapansin ni Jeff. Ako never pa niyang kinausap. 2 years na ako dito sa company pero ni ha ni ho hindi pa niya nasasabi sakin?" Nakapout na sabi niya. Tinawanan ko lang ulit siya at tumingin nalang kay Ayen na tahimik na nag-eedit. "May problema ka ba?" Tanong ko sa kanya. Napatingin lang siya sakin at ngumiti lang. "Ang gloomy mo." Sabi ko sa kanya. "Ryca and Jeffey. Kayo muna. Dali retouch!!" Tinulak tulak ako ni Fire palapit sa nagreretouch habang inaasar asar niya ako kay Jeffey. "Buti ka pa makakapartner mo ang isang Jeffey Minyeor. Naiinggit na talaga ako sayo." Tinawanan ko nalang ulit si Fire. Kung ano anong sinasabi. Matapos kaming niretouch ay sinimulan na ang photshoot namin. "Keep closer Ryca, Huwag kang lumayo kay Jeff." Naiilang akong dumikit kay Jeff pero siya nakangiti lang sakin. "Naiilang ka ba? Sorry." Ito ang nakakatuwa kay Jeff eh. Ang gentleman niya. Ngumiti ako. "No. Okay lang. Masasanay rin." ** "Perfect shots! Galing mo talaga Ayen!" Yumakap yakap pa si Fire kay Ayen. Tuwang tuwa siya kasi naging partners rin sila ni Jeff kanina after ko. Kaya humingi siya ng favor kay Ayen na sobrahan ang pagkuha ng litrato sa kanila at ibigay kay Fire ang ilan nito. Kaya ayan, Nagdidiwang ang puso't kaluluwa niya. "Oh? Uuwi ka na agad?" Tanong sakin ni Fire nung mapansin niyang hinahanap ko ang susi sa bag ko. "Yeah. Tatawagan pa ako ni Jero sa Skype mamaya." Nakangiti kong sabi at nagtititili nanaman si Fire. Si Ayen ngumiti lang. "Una na ako girls." Sabi ko sa kanila at umuna na. Nang makarating ako sa bahay ay nagbihis agad ako. Bubuksan ko na sana ang laptop ko nung may biglang kumatok sa pintuan ko. "Pasok." Sabi ko. Pumasok naman si Manang. "Iha. May nagpapadala." Kumunot ang noo kong inabot ang sulat na inaabot ni manang. "Salamat po manang." Ngumiti nalang si Manang sakin at lumabas na ng kwarto ko. Ako naman ay binuksan ang isang puting sobre. Isang card. Binasa ko ang nakasulat sa harap. To: Ryca Anne Villafuerte Binuksan ko ito at binasa ang nasa loob. You are invited! What: 40th year celebration of the Extinct's Group of companies. Where: @ the LVSA hotel When: August 21, 20XX Your presence will be very much appreciated. I felt my goosebumps. Totoo ba to? Ang Extinct's company ang isa sa pinakamalaking kompanya sa buong mundo. Napakaraming branches nito all over the world. Ewan ko kung mas mayaman sila or pantay lang sa level ng yaman ng company nila Ara. Masyadong misteryoso ang may-ari ng kompanyang iyon. Hindi pa siya nagpapakilala sa publiko. Posible kayang sa celebration ng company nila magpakilala na siya? Pero teka? Bakit invited ako? Wala naman akong kinalaman sa kompanyang iyon ah? LVSA?? Hotel nila Ara yun ah?? Posible kayang nakauwi na si Ara? Pero hindi eh. Magsasabi naman siguro siya. Isinet aside ko muna ang mga thoughts sa isip ko at nag-open ng skype. Sakto naman na tumawag na si Jero. "Babe. Do you know the Extinct's company?" Yan agad ang bungad na tanong niya sakin. "Yeah. Why?" I asked. "Nagpadala sakin ng invitation eh." Pinakita niya ang invitation na hawak hawak niya. Nanlaki ang mga mata ko. "Ikaw rin?" Tanong ko. "Bakit? Meron din sayo?" Tumango ako. "So. Are you coming?" Tanong niya sakin. "If you're coming." I shrug. "I'm coming. Nakauwi na ako by that time." Sabi niya. "Okay then. Pupunta nalang din ako." Ayen's POV Tinitignan ko ang invitation na natanggap ko kanina. Pupunta kaya ako? Wala naman akong kinalaman dito eh. Anong connect ko sa kompanyang yun? Nagring bigla ang phone ko at nakita kong tumatawag si Nicollo. (May natanggap akong invitation from the Extinct's company.) Yan agad ang bungad niya sakin pagsagot ko ng tawag. "Ako rin. Nagtataka nga ako kung bakit ako nabigyan eh wala naman akong connect sa kompanyang yun." Kibit balikat kong sabi. "Punta tayo?" Tanong niya. "Ikaw bahala." Sagot ko naman. "Pupunta tayo." "Okay. Sige." Ayesha's POV "Nakatanggap ka rin? Ako rin kasi." Sabi sakin ni Onyx habang pinapakita ang invitation. "Business partners ba ang Havier at ang may-ari ng company na yun?" Tanong ko sa kanya. "Hindi. Pero bakit kaya ako nabigyan?" Nagtataka niyang tanong habang nakatingin sa invitation. "Lalo naman ako. Photographer ako, Oo. Pero anong kinalaman ko sa kompanyang yun?" Nagkibit balikat lang siya sa tanong ko. Napatingin ako sa baba ng invitation. May nakasulat pa pala. Ps. Wear your most elegant clothes and don't forget the mask. Ang dami namang arte nito. Andrex's POV "Kelan mo to natanggap?" Tanong ko kay Kaira na kasalukuyang nakaharap sa computer niya. "The same time na nakatanggap ka." Sagot niya habang kinacopy ang files ng company nila. "Mukhang magpapakilala na in public ang may-ari ng Extinct's company." Sabi ko sa kanya. "Siguro. We'll never know. Malay mo may surprise." Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Kaira. May alam ba siya? Napatingin ako sa venue. LVSA. Hotel nila Ara. Babalik na kaya siya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD