Fairytale 3

1391 Words
Kaira's POV Haaaay. Ang haggard ko na. Bakit ba kasi nag-iisa akong anak? Ako lang tuloy ang nag-aasikaso dito. Nag out of the country ang parents ko. And yes. Nabawi na namin si Dad 2 years ago. About Gang Ass? Matagal ng nabaon sa limot. Kinalimutan na naming lahat ang gangster world. Si Ara? Minsan nalang siya kumontak. Biglaan nalang siyang tumatawag or kaya ay nag-eemail. "Date naman tayo. Matagal tagal na din simula nung huli tayong lumabas." Si Andrex yan. And yes, 4 years have passed pero kami parin. Nag-aaway kami pero alam niyo ang maganda? Sa apat na taon na relasyon namin never pa kaming naghiwalay. 2 beses lang din ang cool off. Hindi kasi namin pinapalagpas ang isang araw na hindi kami nagkakabati. Kung sino ang may kasalanan, Magsosorry agad. Hindi kami nagpapataasan ng pride. Nabalik ako sa wisyo nung maramdaman kong hinalikan ako ni Andrex. "Paraparaan ka nanaman." Sabi ko sa kanya. "Masyado kasing malalim ang iniisip ko." Wika ko sa kanya. "Wind up ka muna. Tara labas tayo. Tama na muna yang work." Hinila niya ako patayo. "Nasasabi mo yan kasi may sarili ka ng business." Sabi ko sa kanya. Palibhasa kasi siya tapos na ang training days. Nakapagpatayo na siya ng sarili niyang restaurant. "Haha. Ganun talaga." Nagpout lang ako sa kanya at kiniss niya naman ako sa lips. "Huwag" *kiss* "Kang" *kiss* "Mag" *Kiss* "Pout." *kiss* Pabiro ko siyang hinampas at tawa lang siya ng tawa. "Bakit ba kasi ayaw mong manahin yung company niyo?" Wika ko sa kanya. "Ikaw pa nga lang na magmamana ng company niyo nagiging busy na. Panu pa kaya pag tayo ng dalawa? Edi baka bilang nalang sa daliri ang pagkikita natin?" Wika niya. "Kaya mas gusto mong magsarili ng business para babayaran mo nalang ang mga staffs mo kikita ka na?" Tanong ko sa kanya. Pinagdikit niya ang noo naming dalawa. "at makakatambay pa ako kasama ka. Papanuorin nalang kita maghapon." Buti nalang pala talaga at Business Management ang kursong inaral niya. Para kahit ayawan niya ang pagpapatakbo ng kompanya nila ay magagamit niya parin ang kakayahan niya. Napatigil kami sa pagtitinginan ni Andrex nung nagring ang phone ko. Nagtaka ako nung makita ko kung sino ang tumatawag. "Sino yan?" Tanong ni Andrex. Inangat ko ang phone ko at iniharap sa kanya. "Si Ara." Ryca's POV Nakauwi na si Jero. Kaya masayang masaya nanaman ang diwa ko. "Ready ka na?" Tanong niya sakin. Nagnod lang ako bago niya ako pinagbuksan ng kotse niya. Sumakay na ako sa tabi ng driver's seat at umikot naman si Jero para makasakay sa driver's seat. Nagsimula na siyang magdrive at tahimik lang naming tinatahak ang daan patungo sa LVSA hotel. Nang makarating kami dun ay agad kaming bumaba ng sasakyan at sinuot ang maskara namin. "Shall we?" Inalok sakin ni Jero ang braso niya so I cling unto it. Nasa may pintuan na kami nung hinanapan kami ng invitation ng dalawang lalaking nagbabantay. Pinakita namin ni Jero ang invitations namin at pinagbuksan na nila kami ng door. Pinigilan kong mapanganga. Sheyt. Bakit ang sosyal ng party na to? Lahat ng nakikita ko puros nakamaskara. Malamang kasi diba masquerade ball nga? "Huwag kang bibitaw sakin." Wika ni Jero. "Bata ako?" Mataray kong tanong sa kanya at tinawanan niya lang ako. Naglalakad kami ni Jero nung may humarang saming isang lalaki at isang babae. Inalis ng babae ang mask niya. "Oh my gosh Ayen. Nandito ka rin?" Sabi ko kay Ayen at ngumiti lang siya sakin. "Hi Ryca. Hi Jero." Bati samin ni Nicollo. Siya kasi ang kasama ni Ayen. Sama sama na kaming apat na naghanap ng table namin at doon na muna kami nagkwentuhan. "Pwede makishare?" Napatingin kami sa nagsalita. Si Onyx at Ayesha. They are not wearing masks. "No." Mataray kong sabi. Umupo naman si Ayesha sa tabi ni Ayen at sumunod naman sa kanya si Onyx. "Wala kang magagawa. I'm already seated." Ngisi niya sakin then she put her mask on. "Why so b***h?" Naiinis kong sabi. "Deal with it." Napairap nalang ako. "Hey people." And we're complete. Kaira and Andrex are here. "Great. Si Ara nalang talaga ang kulang. Kelan ba uwi ng bruhang yun?" Tanong ko. "Who knows baka bigla siyang magpakita rito?" Napakunot noo ako sa sinabi ni Kaira. Siya lang ang may pinakamalakas na connection kay Ara. Bestfriend eh. "Oh. My EX gangsters are here." Napatingin kami sa nagsalita and we saw Clyde smirking at us. Matagal tagal na rin simula nung huli kaming magkita kita. Ngayon lang namin siya ulit nakita at parang wala namang nagbago sa kanya. "Anong ginagawa mo dito?" Tamad na tanong ni Andrex. "I'm invited. Long time no see guys. Nakaligtas kayo noon. Pero hindi na ngayon." Bigla naman akong kinabahan sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin? "Good evening ladies and gentlemen." Nagsimula ng magsalita ang MC. "I better go. By the way, be prepared always. You'll never know when you get hit." Nagsmirk nanaman siya samin. Lalo akong kinakabahan sa mga sinasabi niya. Umalis na si Clyde tsaka naman nagsalita si Onyx. "Gago talaga yun. Sarap bangasan." Naiinis na sabi ni Onyx. Hindi nalang kami nagsalita at nagfocus nalang kami sa MC na nagsasalita. "Tonight is a very special night. We are celebrating the 40th year anniversary of this company." Maraming nagpalakpakan kaya nakipalakpak nalang din ako. "Tonight, we will reveal the mysterious owner of this company." Bigla naman akong naexcite. Sino kaya ang may-ari ng Extinct? Namatay ang lahat ng ilaw at tanging sa stage lang ang nakasindi. Maya maya ay may umaangat na something mula sa stage. Inaaninag ko ito hanggang isang lalaking nakamaskara na nasa edad 60+ ang nakita ko. Panu ko nasabi? Puti na ang mga buhok niya at hindi na ganung matipuno ang katawan niya. May katandaan na talaga. Lumapit siya sa emcee at kinuha ang mic. Tinanggal na niya ang maskara niya at tama nga ako. Matanda na siya. "Magandang gabi. Ilang taon ng nakatayo ang kompanya namin pero ngayon lang ako nagpakilala. Ako si Arnolfo Kim. Ang founder at President ng Extinct's group of companies." Maraming nagpalakpakan. Ako naman ay napatakip sa bibig ko. S-si Lolo Arnolfo ang may-ari?? P-panung?? Bakit hindi ko alam?? Huwag mong sabihing si.... "Ngayong gabi, ay ang gabi kung kailan ipapamana ko na sa aking apo ang kompanyang ito. Please welcome, My Heir. Ian Xandrei Kim" Sabi ko na eh. Lolo ni Ian yang si Lolo Arnolfo. Hindi ko close yang matandang yan dahil lagi namang nasa States. Pero alam kong lolo yan ni Ian. "Lolo ni Ian yan? Este ni Dale pala? Ay ewan!! Ano ba talagang pangalan ang gamit niya?" Naiinis na sabi ni Ayen. "Diba siya si Dale? Bakit hindi parin siya nagpapalit ng pangalan?" Tanong naman ni Kaira. "Hindi naman dapat yan ang mga tanong eh." Napatingin kaming lahat kay Andrex nung magsalita siya. "Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Kaira. "Kung sino ba talaga si Ian? Siya ang mafia reaper? Siya si Dale? Pero other than that? Sino ba talaga siya? Hindi ba't napakamisteryoso ng pagkatao niya?" Nung una ay naguguluhan ako sa kanya pero nung nagets ko na ay napatango nalang ako. Sino ka nga ba talaga Ian? Pinsan kita pero wala akong alam sayo. "Kung lolo ni Ian ang may-ari ng kompanyang ito. Ibig sabihin siya ang founder ng VMafia, Hindi ba? Si Ian ang mafia reaper kaya malamang ay siya na rin ang magiging tagapagmana ng buong VMafia. Siya na ata ang pinakamakapangyarihan pag nangyari yun." Seryosong sabi ni Onyx. "Matagal na nating ibinaon sa limot ang Gang Ass. Kaya huwag niyo ng pag-usapan yan." Naiiritang sabi ni Ayen. "May pinagtatakahan pa ako eh." Napatingin sila sakin nung sinabi ko yan. "Tingin niyo? Bakit tayo pinadalhan ng invitations? Wala naman tayong kinalaman sa kompanya nila diba? Maliban nalang kung hinahabol tayo ng VMafia. Kasi diba? Natalo natin sila noon?" Pwede yun. Pwedeng hinahabol nila kami. "Apat na taon natahimik ang buhay natin? Ngayon pa ba sila maghahabol?" May punto si Jero. "Hindi naman sila Ian ang nagpadala ng invitations satin." Tinignan namin si Kaira. "Huh?" Tanong namin. "Yung mga invitations natin, Galing sa ibang tao. At susurpresahin niya tayo ngayon." Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Kaira. Ang weweird ng mga sinasabi niya. Tapos si Andrex nakangiti rin. Ano bang meron? Ar kanina galing ang mga invitations namin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD