Chapter 27

2191 Words
Nagulat si Atasha ng biglang bumukas ang pintuan ng condo. Nasa may salas siya sa mga oras na iyon at nagsisimulang maglinis. Nasa kwarto naman nilang mag-ina si Juaquim at doon naglalaro. Napasinghap pa siya ng mapansin ang anyo ng binata. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari. Ngunit kung siya ang tatanungin wala naman siyang ginagawa ditong masama. "P-problema mo?" nauutal pa niyang tanong. Mabilis siyang nilapitan ni William at niyakap. Hindi niya malaman kung ano ang nangyayari sa lalaki. Galit ang itsura nito pagkapasok ng pinto. Ngunit biglang lumambot ang ekspresyon nito nang makalapit sa kanya. Nabitawan ni Atasha ang mop na hawak. Malayang iniangat ang mga kamay at iniyakap iyon sa binata. Naramdaman niya ang pagbigat ng ulo nitong nakapatong sa balikat niya. "Love," naisagot na lang ni William. Mas hinigpitan pa niya ang pagkakayakap sa dalaga. Halos matuod naman si Atasha sa itinawag sa kanya ng lalaki. Ngunit, pilit niyang binaliwala iyon. Gusto niyang malaman ang nangyayari sa lalaki. Sa pagkakaalam niya ay may trabaho pa ito, at hindi ngayon ang oras ng pag-uwi. "William, may problema ba?" tanong ni Atasha. Naramdaman lang niya ang paggalaw ng ulo nito. Indikasyon na umiiling ito. "Wala naman. Hayaan mo lang sana akong yakapin ka. Gusto kong maramdaman ka." "Nararamdaman kong ayaw mong sabihin kung mayroon man. Ngunit kung ano man ang problema mo ay malalampasan mo rin iyan. Ikaw pa ba? Ang sungit-sungit mo. Tapos problema lang papatalo ka. Huwag ako William Del Vechio, iba na lang," ani Atasha. Bigla namang bumitaw sa pagkakayakap sa kanya si William. Pinagmasdan siya nitong maigi at saka tumawa na wari mo ay hindi makapaniwala sa nangyayari. Napanguso na lang si Atasha. "Mukhang nababaliw ka na. Pumasok ka dito na wari mo ay galit ka sa mundo at mukhang lahat ng makakasalubong mo ay mabubugbog mo. Tapos ngayon bigla kang tatawa na wari mo ay nababaliw na." "Hindi ang iniisip mo ang dahilan ng pagtawa ko. Kundi bakit ngayon lang kita nakita. Ngayon lang kita nahanap." "Ha?" "I mean, sana noon nakilala na kita. At baka noon pa lang, may asawa na ako." "Ha ulit? Ang wirdo mo. May sakit ka ba?" Sinalat ni Atasha ang noo ni William. "Hindi ka naman mainit. Nakahithit ka ba?" "What!?" naguguluhang tanong ni William. Naupo naman si Atasha sa sofa na naroroon. Namimitig rin ang kanyang binti sa pagkakatayo. "Sabihin iyon noong mga tambay doon sa kanto sa bahay ng Nanay Rosing. Daig mo pang mga adik sa mga ikinikilos mo. Matatakot na ba ako sa iyo?" "Don't ever do that love. Masaya lang ako." "Masaya? Ang wirdo mo talaga. Hindi ka na si sungit. Si wirdo ka na." "Just listen love," ani William at naupo sa tabi ni Atasha. Hindi man ipinapahalata ng dalaga, ngunit ang puso niya ay labis-labis ang bilis sa pagtibok. Sa mga oras na iyon ay tatlong beses siyang tinawag ni William sa endearment nito sa kanya ng mangyari sa kanila ang bagay na iyon. Naramdaman na naman niya ang pamumula ng kanyang pisngi. Kaya naman, pilit niyang iniiwas kay William ang mukha. Para hindi nito mapansin ang pamumula niya. "W-William." "Just Liam, love." "L-Liam." "Oh Atasha," wika pa nito. "Love listen, okay wirdo na kung wirdo. Nakahithit na kung nakahithit. At adik na kung adik. Pero masaya lang talaga ako. Hindi ko kaagad narealize ang bagay na ito. Ngunit hindi ko pinagsisisihan na ikaw ang naging surrogate mother para magkaanak ako." "And?" "I don't know how to say this. Pero, oo nga at mabilis, pero pinag-isipan ko talaga itong mabuti. Kagabi mas napatunayan ko ang nararamdaman ko sa iyo. Papayag ka bang maging girlfriend ko." Mula sa pagkakaupo ay biglang napatayo si Atasha. Gulat na gulat sa alok na sinasabi ni William. "Pardon?" aniya at napahilot pa siya sa noo. Biglang pumitik ang sentido niya. Hindi niya alam kung ano ang gustong palabasin ni William. Gusto niya iyon. Gustong-gusto, pero hindi siya na inform na daig pang si flash ang pagtugon sa hiling niya. "Will you be my girlfriend, love." "Girlfriend! As in kasintahan? Nababaliw ka na ba?" Inis niyang saad. Habang hindi inaalis ang pagkakatitig niya sa binata. "I'm not making a joke love. Totoo ang sinasabi ko. Hindi ako nagsasabi dahil naglalaro lang ako. Gusto kong maipakita at maiparamdam sa iyo ang totoong nararamdaman ko. Mula ng makilala kita nagbago bigla ang---," natigil sa ere ang pagsasalita ni William ng itaas ni Atasha ang kamay para pigilan siyang magsalita. "Mr. Del Vechio, kung ang iniisip mo ay iyong tungkol sa nangyari kagabi, kalimutan mo na. Hindi na naman ako bata para lang hilahin ka sa isang sitwasyon na hindi mo naman gusto. Alam nating pareho na wala kang balak mag-asawa at anak lang ang gusto mo. Kaya nga binabayaran mo ako bilang surrogate ng anak mo. Huwag kang pabigla-bigla ng desisyon. Dahil baka pagsisihan mo iyang iniaalok mo sa akin." "Atasha seryoso ako sa sinasabi ko. Hindi ako nagsasalita lang sa harapan mo para lang makipaglaro. Hindi laro ang sinasabi ko. Be my girlfriend. Patutunayan ko sa iyong totoo ang nararamdaman ko." "Nararamdaman? Nakasinghot ka ba? Malinaw ang nakalagay sa kontrata. Gusto mi bang isa-isahin ko ulit iyon sa iyo! Ayaw ko ng ganito! Ayaw kong pinapaasa ako sa isang bagay na hindi naman mangyayari," naiiyak ng saad ni Atasha. "A-Atasha," nasambit na lang ni William. "Mr. Del Vechio," parang biglang may kumurot sa dibdib ni William ng maisip na kanina pa siyang tinatawag ni Atasha sa apelyedo niya. "Ang nangyari sa ating dalawa ay dala lang ng pagbubuntis ko. Nagdadalangtao na ako sa anak mo kaya wala ng mawawala sa akin. Isa pa, nanganak na nga ako at wala akong alam na kahit na anong pagkakakilanlan sa ama ni Juaquim. Kaya huwag kang magsalita ng mga bagay na mahirap panindigan. Hindi mo ba naisip na maaaring matuwa si Juaquim kung malalaman niyang may posibilidad na maging tayo. Tapos ano? Paano kung makahanap ka ng babaeng mas nababagay sa iyo? Iyong babaeng maiipagmalaki, dalaga, at walang sabit na katulad ko. Ako man ay dalaga, dalaga pero isa namang ina." "A-Atasha." "Narito ako sa sitwasyon ko dahil lang sa pagmamahal na ni minsan hindi ipinagkaloob sa akin ng mga taong nakapaligid sa akin. Kahit ambon lang ng pagmamahal, ngunit wala. Hanggang sa nagkaroon nga ako ng kasintahan pero niloko lang ako. Hanggang sa maging anak ko na nga si Juaquim. Pagmamahal na mahirap ibigay sa akin ang nais ko William. Hindi iyong panandaliang ligaya na kayang ibigay ng init ng katawan. Ipokrita ako, kung sasabihin kong hindi ko nagustuhan ang nangyari sa ating dalawa. Pero itong alukin mo akong maging kasintahan mo dahil lang sa nangyari sa atin kagabi! Nababaliw ka na!" Tuluyan ng napigtas ang mga luhang pinipigilan ni Atasha at tuluyan na iyong bumagsak. "Listen Atasha, hindi ga---," Hindi na natapos ni William ang sasabihin ng talikuran siya ng dalaga. Nasundan na lang niya ng tingin si Atasha ng iwan siya nito at mabilis na tinungo ang silid nilang mag-ina. Napasandal na lang si William sa may sofa. Nahilot na lang din niya ang noo. Oo nga kanina ay talagang nagpupuyos ang damdamin niya dahil sa inis na nararamdaman niya para sa mga magulang. Pero ngayon ay naguguluhan siya sa ikinikilos ni Atasha. Gusto niyang sapakin ang sarili dahil sa pinaiyak niya ito. Gusto din niyang malaman ang katotohanan sa likod ng totoong pagkatao nito. Kinuha niya ang cellphone at tumipa ng numero. "Gawin mo ang lahat ng magagawa mo para mahanap ang totoong pagkatao ni Atasha." "What!? Nasa gitna ako ng meeting sa mga tauhan ko. Isa pa businessman ako at hindi imbestigador Del Vechio." "Do me a favor please." "Oi may pa please ka na. Nag-away ba kayo?" "Not really. Pero may kung anong nag-uudyok sa akin na alamin ko ang buong pagkatao ni Atasha. Ang ipinagtataka ko lang. Bakit wala tayong mahanap na pagkakakilanlan sa kanya, mula noong bago siya napunta sa Nanay Rosing niya." "Iyan din ang ipinagtataka ko. Pero may problema ba kayo? Oi Del Vechio, huwag mong kaawayin buntis iyon." "Hindi ko naman inaaway. Pero pagtawanan mo na ako, ayos lang sa akin. But I fall for her. I don't when it is start. Pero wala eh, naramdaman ko na lang. Tapos ngayon inalok kong maging girlfriend ko. Nagalit sa akin." Hindi pagtawa ni Jacobo ang narinig ni William kundi isang buntong-hininga. "Congratulations bro. Masaya akong nagiba rin ang pader na nakaharang sa puso mo. Kaya lang masyado mo yatang nabigla iyong tao. Pero huwag kang mag-alala. Paiimbestigahan ko ulit ang pagkatao ni Atasha. Pero paano kung kaya wala siyang record ay dahil sa, itinakwil siya ng pamilya niya dahil nabuntis siya at walang maipakilalang ama ng anak niya?" Saglit na natigilan si William sa tanong na iyon ni Jacobo, bago muling nagsalita. "Kahit ano pa iyan. Kahit may asawa pa si Atasha kaya nawawala ang record niya ay matatanggap ko. Basta ako lang ang mahal ni Atasha at hindi ang kung sino mang tatay ng anak niya." "Paano si Juaquim?" "Syempre, hindi naman pwedeng iyong nanay lang ang mahalin. Kaya kasama din ang anak. Ayaw mo noon, may instant panganay na ako." "Gag*! But I'm happy for you bro. Mukhang in love ka nga. Sige na. Gagawin ko na ang trabaho ko sa iyo. Pagkatapos ng totoong trabaho ko rito. Okay. Ciao." Napatitig na lang si William sa cellphone niya ng mag-end call iyon. Napabuntong-hininga na lang din siya at napatitig sa kisame, habang nakasandal sa sandalan ng sofa. At iniisip ang mga sinabi sa kanya ni Atasha. At ang mga mata nitong nakatitig sa kanya pag magkasundo sila. Hindi man sa sobrang assuming niya. Ngunit nararamdaman niyang pareho sila ng nararamdaman ni Atasha. Pero bakit ngayon ay nagagalit ito sa kanya? Wala namang masama na alukin niya itong maging kasintahan. Hindi naman siya nabibigla at hindi rin naman nagbibiro. Totoo din siya sa damdamin niya sa dalaga. Iyon nga lang siguro ay masyado itong nabibilisan sa pangyayari. Kahit siya man ay nabibilisan sa nararamdaman niya. "Ang hirap talagang kausapin ng buntis," hindi niya mapigilang saad. Mula sa pagkakasandal sa sofa ay napaahon bigla si William. "Mood swings," napangiti pa siya ng sambitin ang bagay na iyon. "Tama hindi naman talaga kita dapat binibigla love. Mula sa oras na ito, ipaparamdam ko na lang sa iyo ang nararamdaman ko. Kung gaano ako katagal na nagtayo ng pader para lang walang makapasok dito mula noon. Ganoon mo namang kabilis nagiba ngayon. Hindi na lang ako magsasalita, ipaparamdam ko na lang sa iyo." Masayang tumayo si William sa sofa at siya na ang nagtuloy sa naiwang paglilinis ni Atasha. Sa totoo lang lahat ng gawaing bahay kung alam din naman niyang may gagawa ay hindi niya gagawin. Pero noon iyon. Ngayon dahil si Atasha ang gumagawa noon, parang gusto na niya itong patigilin at siya ng lahat ang gagawa. Natuon din doon ang inis na kanina lang ay kanyang nararamdaman para sa mga magulang. Dahil kay Atasha, kahit inis na inis ito sa kanya sa mga oras na iyon ay napasaya naman siya nito. Masaya siyang, kahit mali ng iniisip si Atasha tungkol sa kanya. Mas napatunayan niya ang halaga ng dalaga sa kanya. Pagkatapos ng paglilinis ay sinulyapan na lang ni William ang silid ng mag-ina. Hindi na lumabas si Atasha mula pa kanina. Umaasa siyang nakatulog na nga ito. Tinungo niya ang kusina para makapagluto na rin. Gusto niyang mapagaan ang kalooban ni Atasha, sa pamamagitan ng paghahanda niya ng pagkain para sa mag-ina. Hindi na siya nag-abalang bumalik ng opisina. Tinawagan na lang niya si Maria na ito na ang bahala sa naiwan niyang trabaho. Samantala, habol hiningang pumasok si Atasha sa silid nilang mag-ina. Naabutan niya si Juaquim na nakahiga sa kama habang hawak ang laruang sasakyan na bigay ni William. Kinuha niya iyon at inilagay sa lagayan. Tinabihan niya ang anak na natutulog, habang hinahaplos ang ulo nito. "Anak anong gagawin ko? Maniniwala ba ako sa sinasabi ng Tito William mo? Paano kung natutuwa lang talaga siya dahil mabibigyan ko na siya ng anak?" Napabuntong-hininga si Atasha. Hindi talaga niya alam kung ano ang iisipin sa sinabi ni William sa kanya. Sa totoo ay iyon nga ang gusto niya, ang mahulog ito sa kanya at magkaroon ng katugon ang kanyang pagsinta. Ngunit ngayong gusto na nitong maging kasintahan siya ay natatakot naman siyang sumugal. Natatakot siyang baka mamaya ay puro panandalian lang ang lahat. Baka kung kailan mahal na mahal na niya si William ay saka naman may darating na problema para magkalayo sila. Ipinikit ni Atasha ang mga mata. Siguro ay labis na siyang nadadala sa mga kwentong drama na napapanood niya. Kaya siguro kung anu-ano ang pumapasok sa isipan niya. Sa nagyon nais muna niyang ipahinga ang kayang puso at isipan. Hahayaan na lang niyang tadhana ang magtakda ng dapat talagang mangyari. "Sana po, ay maging magandang simula ang alok na iyon para totoong mabigyan ko ng buong pamilya si Juaquim. Hindi man ang totoo niyang ama, ngunit alam ko at nakikita ko rin naman na mahalaga na rin kay William ang aking anak," aniya sa isipan hanggang sa hatakin na rin siya ng antok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD