Ilang beses na napatingin si Allen sa cellphone niya ng tumunog iyon. Ilang missed calls din ang hindi niya nasagot dahil busy siya sa pag-aasikaso sa isang anak na nasa ospital. Kasama niya ang asawa, habang ang isa pa nilang anak ay walang tigil sa pagtawag. Nagpapasundo na ito sa hotel kung saan iyon ang pansamantala nilang tinutuluyan. Hindi ito nakasama kaagad sa ospital, lalo na at ito ang nag-ayos ng mga gamit ng kapatid nito. Dahil sa panininabago sa klima ay nagkaroon ito ng maalalang sipon at lagnat. Nasa isang linggo na rin mula ng umuwi silang mag-anak ng Pilipinas. Dahil sa climate change na mainit tapos ay biglang uulan. Nitong nakaraan ay naulanan pa talaga ang kanyang anak. Hanggang sa humantong na nga sa pagkakasakit. Patuloy lang sa pagmamaneho si Allen. Isa sa dahilan

