Chapter 37

2153 Words

Unti-unting iminulat ni Atasha ang mga mata. Inilibot niya ang paningin, hanggang sa tumambad sa kanya ang maputing pintura ng silid. Malawak ang kwartong kinalalagyan niya. Mayroong mahabang upuan sa may may gilid. May buhay na t.v. ngunit wala namang tunog. Naramdaman niya ang pagpitik ng kanyang sentido. Nakakaramdam siya ng pananakit doon. Muli ay naalala niya ang lahat. "Kuya," aniya ngunit mag-isa lang siya sa silid. Doon niya naalalang dinala siya sa delivery room. "Ang anak ko?" naitanong niya sa isipan ngunit wala sa siyang maalala kung naipanganak ba niya ng maayos ang anak niya o hindi. Hinawakan niya ang sinapupunan, ramdam niyang wala na roon ang anak niya. Doon biglang naalarma si Atasha. "Kuya! Nasaan ka? Ang anak ko!? Kuya!" sigaw ni Atasha ng biglang bumukas ang pintu

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD