"M-mahal. A-ano bang kasalanan ko?" nauutal pang tanong ni Allen sa asawa. Tipid na napangiti si Atasha. Oo nga at nakakatakot ang Ate Mae niya. Ngunit sa laking tao ng kuya niya ay para itong kuting na takot na takot sa tigre na nasa harapan nito. Hindi naman niya alam ang nangyayari. Naguguluhan din siya sa biglaang pagpasok ng asawa ng kapatid sa silid na iyon. Isa pa isang beses lang niyang nakita ang Ate Mae niya. Noong kasal ng mga ito. Kaya lang naman niya ito kilala ay dahil sa natatandaan niya ang maganda at maamong mukha nito. Ngunit sa nakikita niyang itsura nito ngayon ay hindi ito mukhang maamo. Para itong mananakmal. "Tinatanong mo ako kung ano ang kasalanan mo? Sigurado kang hindi mo alam ang kasalanan mong lalaki ka?" sagot nito at bumaling pa sa kanya ng tingin. Napalu

