Nakayakap si Teresa kay William at halos ayaw ng bitawan ang binata. Sobra niyang pinanabikan ang araw na muli itong makita, mayakap at makasama. Mula ng maalala niya ang lahat ay umaasa siyang hindi pa huli ang lahat para sa kanilang dalawa. Pero nang makita niya ang magandang babae na kasama nito sa condo, at ang batang sa tingin niya ay anak nang babaeng iyon ay nawalan na siya ng pag-asa. Kahit mahirap at masakit ay hindi naman niya kayang sumira ng isang pamilya. Wala rin namang kasalanan ang babaeng iyon kahit ang kanyang mahal. Siya ang nawala. Ang hindi lang talaga niya lubos maisip ay kung nasaan ang traydor niyang kaibigan. Bakit ibang babae ang kasama ni William at hindi ang kaibigan niyang magpapabago raw ng mukha para maging siya. Ngunit sa narinig niyang sinabi ni William

