Chapter 25

2001 Words
Liwanag na ng magising si Atasha. Bigla pa siyang napabalikwas ng bangon ng maalalang dapat ay naipaghanda na niya si William ng breakfast nito. Muntik pa niyang magising ang anak. Kaya naman kahit may pagmamadali siya sa pagkilos ay ingat na ingat siyang makagawa ng ingay. Halos takbuhin niya ang kusina kung maaari nga lamang. Ngunit dahil nagdadalangtao siya sa anak ni William ay pinili pa rin niyang magpakahinahon at mag-ingat. Pagpasok sa kusina ay mabilis niyang hinayon ang ref. Hindi siya magkaintindihan sa dapat kuhanin dahil sa pagkataranta. Lalo nang dumako ang kanyang mga mata sa orasan na nasa may kusina. Lampas alas otso na iyon ng umaga. Nakikiramdam siya sa kabuuan ng condo. Pinapakinggan niya kung may yabag bang nagmamadali o kung may nagbubukas ng pintuan. Pero wala siyang narinig. Muli niyang isinara ang pintuan ng refrigerator para kalmahin ang sarili. "Teka nga lang, bakit ba ako magmamadali? Kasalanan ko bang tinanghali ako? Kasalanan ng Liam na iyon! Isa pa dapat ginising niya ako!" inis niyang saad. Tahimik lang siyang nagngingitngit sa sarili ng mapagtanto niya ang pangalang binanggit niya. Halos magkulay hinog na kamatis naman ang magkabilang pisngi ni Atasha ng maalala niya ang naganap sa nagdaang gabi. Ilang beses pa siyang napalunok ng maalala kung ilang beses niyang sinambit ang pangalan ni William at tinawag lang niya itong Liam. "Hindi ko na kasalanan iyon! Siya nga ang may kadahilanan kung bakit ako labis na naakit sa kanya. Tama, ganoon ang nangyari, kasalanan niya iyon," pagkumbinsi pa ni Atasha sa sarili. Bigla na naman siyang napatayo ng maalalang dapat nga pala niyang ipagluto si William ng umagahan. Hanggang sa madako ang tingin niya sa ilang food cover na nasa lamesa. Isa-isa niyang binuklat iyon. Tumambad sa kanya ang mga pagkaing gustong-gusto niyang kainin tuwing umaga. Oo nga at normal na pang-umagahan lang iyon. Tocino, itlog, hotdog, tuyo, at sinangag, ngunit sarap na sarap siya sa pagkaing iyon tuwing umaga. Napangiti na lang si Atasha sa isiping hinayaan na talaga siya ni William na matulog. Lalo na at hindi na talaga ito nag-abala pang gisingin siya. Bukod doon ito pa ang nagluto ng umagahan nila. Ibinalik ni Atasha ang takip ng mga pagkain ng biglang may papel na nahulog. Kinuha niya iyon at unti-unting binuksan. "Good morning Dragona," basa ni Atasha sa panimula ng nakasulat sa papel kaya naman napanguso siya. "Humahaba na naman ang nguso mo. Kahit hindi kita kaharap alam kong ganyan ang nangyayari ngayon sa iyo. Baka mamaya pwede ng pagsabitan ng kaldero iyang nguso mo sa haba." Lalo lang napanguso si Atasha sa nabasa niya. "Lintik na William iyon! Note na nga lang ang iniwan talagang nakakagawa pa ng paraan para mang-asar!" naiinis niyang bulalas, bago muling binalingan ang mga nakasulat sa papel. "Don't skip your breakfast love. Hindi na kita ginising para magpaalam na papasok na ako sa trabaho. Alam kong pagod ka." Ayon na naman ang pamumula ng kanyang pisngi. Hindi niya mapigilan ang mga eksenang bumabalik sa kanyang balintataw. Ang mga pangyayaring naganap sa pagitan nilang dalawa ng binata. At ang pagtawag nito ng love sa kanya. Akala niya ay dahil nagaganap lang sa kanila ang bagay na iyon. Ngunit bakit pati sa note na iniwan nito sa kanya ay love pa rin ang tawag nito sa kanya. Maliban na lang sa bungad nito sa note na iyon. Pilit niyang kinakalma ang sarili. Ilang beses pa siyang napalunok bago muling umayos ang kanyang, kanina lang ay nag-iinit na katawan. Ipinagpatuloy niya ang pagbabasa. "Hindi ko alam ang gusto mong kainin ngayong umaga. Kaya naman niluto ko na lang ang nakikita kong malimit mong kainin. Isa pa, huwag kang pasaway. Bawal ang kape okay. At isa pa, message me kung may nais kang kainin or gustong ipabili. Kahit hindi sa iyo, kahit para kay Juaquim. Let me know, para bago ako umuwi mabili ko. Kumain kayo ng maayos ni Juaquim. And for lunch, pwede kang magluto or magpadeliver ng pagkain okay. Liam." Hindi mawala ang ngiti sa labi ni Atasha. Habang itinutupi ang ang papel na sinulatan ni William. Wala siyang balak itapon iyon. Ang totoo, isa lang ang nais niyang gawin sa sulat ng binata. Ang itago at gawing isang magandang memorabilya. Na minsan sa buhay niya may isang William na nagparamdam na mahalaga siya. Kahit alam niyang hindi panghabang-buhay si William sa buhay nilang mag-ina. Sapat na ang minsang iyon sa kanya. Magpasalamat pa rin siya sa magandang ala-ala. Ilang minuto pa siyang nakaupo sa may silya sa kusina ng marinig niyang bumukas ang pintuan ng kanilang silid ni Juaquim. Naghintay siya saglit at mumukat-mukat pa itong tinungo ang pwesto niya. "Mommy," anito at nagpabuhat sa kanya. Pinagbawalan siya ni William na buhatin ang anak. Noong una ay ayaw talaga niyang sundin ang lalaki. Pero tama ito, lalo na at mabigat na rin si Juaquim. Kaya naman nagagawa lang niyang buhatin ang anak pagnakaupo siya. "Kumusta ang tulog mo anak?" "Maayos naman mommy. Napanaginipan ko po si daddy," inosenteng saad ni Juaquim. Ngunit halos pangapusan naman ng hangin si Atasha. "A-anong s-sinabi mo Juaquim?" "Napanaginipan ko po si daddy. Pero hindi ko man lang po nakita ang mukha niya. Alam ko pong siya ang daddy ko dahil nararamdaman ko po iyon. Isa pa daddy po ang tawag ko sa kanya. Nakatira daw po tayo sa isang malaking bahay, tapos napakadami pong bulaklak na nakatanim sa may hardin. Kasama ko po si Lola Rosing at sinasamahan po niya akong magpicnic doon. Kumakain po kami ng prutas. Tapos po kasama mo si daddy. Nakahiga po kayo sa nakalatag na kumot sa damuhan habang magkayakap at magkausap. Mommy ang sarap po sana kung kasama natin si daddy. Hindi mo na kailangan magtrabaho dito kay Tito William. Sabi niya kasi sa akin sa panaginip ko, hindi ka na niya hahayaang mahirapan pa. Hindi ka na rin iiyak para isiping nag-iisa ka. Dahil may pamilya ka na. Buo na ang pamilya natin, mommy." Hindi na napigilan ni Atasha ang mga luhang kanina lang ay pinipigilan niya, habang nagsasalita ang anak. Niyakap niya ng mahigpit ang si Juaquim. Kung kaya lang niyang bigyan ng buong pamilya ang anak ay naibigay na niya. Ngunit pipilitin niyang mabigay sa anak ang lahat ng pangangailangan nito. Pati na rin ang magandang buhay kahit pa maghirap pa siya. Ngunit ang buong pamilya kasama ang ama nito ay hindi niya alam kung paano. Pagbalik-baliktarin man niya ang mundo ay wala siyang idea sa kung sino ang ama ni Juaquim. Kahit ang itsura nga nito ay wala siyang idea. Malaman pa ba niya ang katauhan nito. "Sorry anak. Pagpasensyahan mo na si mommy kung hindi kita mabibigyan ng buong pamilya. Alam kong bata ka pa. Ngunit alam mo rin at paulit-ulit kung sinasabi sa iyong wala akong idea kung sino ang daddy mo. Kung anong itsura niya, kung gaano siya kataas o kung pangit ba o gwapo siya. Kung matanda na ba siya o bata pa. Wala akong masabi anak. Sana ay mapatawad mo ako. Na kahit ang kaunting pagkakakilanlan sa iyong ama ay wala akong masabi," ani Atasha sa pagitan ng kanyang mga hikbi. Nahihiya siya sa anak sa kakulangan sa kaalaman tungkol sa ama nito. Kahit sa sarili niya ay nahihiya siya. Na basta na lang niya hinayaan ang estranghero na iyon na sirain ang buhay niya. Pero kahit ganoon hindi niya maibunton sa lalaking iyon ang buong sisi. Dahil kung hindi siya nagpabaya, hindi siya aabot sa puntong makipag one night stand siya sa lalaking iyon. Naramdaman na lang ni Atasha ang paghaplos ng maliit na kamay ni Juaquim sa kanyang pisngi. Doon bigla siyang natauhan. Muli, niyakap niya ng mahigpit ang anak. "I'm sorry Juaquim. Patawarin mo ang mommy," samo pa ni Atasha. Hindi sinira ng lalaking iyon ang buhay niya. Bagkus ay ito pa ang nagbigay sa kanya ng isang kapamilya na alam niyang kahit kailan hindi mawawala ang pagmamahal sa kanya. Na sa kabila ng paghihirap na dinaranas niya, heto si Juaquim, pinapalakas siya. Nasa tabi niya si Juaquim para lumaban siya sa buhay. "Mommy huwag ka na pong umiyak. Hindi ko naman po hinahanap si daddy. Napanaginipan ko lang naman po. At masaya na po ako doon. Hindi ko po kailangan ng isang daddy kung iiyak ka lang po nang iiyak. Masaya na po akong may isang mommy na mahal na mahal ako. At si Nanay Rosing na apo na rin po ako. Stop crying na mommy," alo pa sa kanya ni Juaquim. Na hinigpitan na rin ang pagkakayakap sa kanya. "Juaquim." "Mommy, narito lang po ako para sa iyo. Mahal na mahal kita. Sapat na po sa akin, kung sa panaginip ko lang po makita si daddy. Pero hindi po ibig sabihin noon naghahanap po ako ng daddy. Sabi ko nga po sapat na po ang experience na may daddy ako, tuwing kasama po tayo ni Tito William. Pero hindi po ako naghahangad ng mas higit pa doon. Masaya na po akong kasama kita at si Lola Rosing." "A-anak." "Tahan ka na mommy." Ilang minuto pang umiyak si Atasha, bago siya tuluyang kumalma. Magkayakap pa rin sila ni Juaquim sa mga oras na iyon. Habang ang kanyang anak ay hinahaplos pa rin ang likuran niya. Doon napangiti si Atasha. Ngiting masasabi niyang masaya siya. Siya ang ina, ngunit ang anak ang nagpapatahan sa ina nito. "I love you Juaquim. Salamat at dumating ka sa buhay ko." "And I love you, more and more and more mommy. Salamat din po na kahit nahihirapan ka, lalo na po noong naospital ako. Ngunit sa halip na sumuko dahil wala tayong pera, hindi mo ako pinabayaan. Kaya po narito tayo kay Tito William." Biglang sinulyapan ni Atasha ang anak. Parang bigla siyang binundol ng kaba. Matalino si Juaquim sa likod ng pagiging bata nito. Ngunit hindi niya kayang maging masama sa paningin ng anak. Dahil lang sa pagbebenta ng anak niyang, kapatid din nito. "J-Juaquim." "Mommy, basta po mahal na mahal kita at hindi po magbabago iyon." "Anong alam mo anak?" Doon isang matamis na ngiti ang naging sagot ng anak. "Relax mommy. Forget what I said." Napakunot noo naman si Atasha sa naging sagot ng anak. Parang bigla niyang nakalimutan ang pinag-uusapan nila. Minsan ay nakakarinig talaga siya na English itong magsalita, ngunit hindi ganoon. Isa pa ay mga basic English words lang ang alam ni Juaquim. "Saan ka natutong magsalita ng Ingles anak? Hindi ka pa nga pumapasok eh." "I don't know mommy. It's like, it was naturally spill out in my mouth." Napamaang si Atasha. Ngunit nalatango na lang din. Sabagay, bakit nga ba siya magtataka. Kahit naman papaano ay matalino siya. Ganoon din ang mga magulang at ang kuya niya. Isama pa na baka matalino rin talaga ang ama ni Juaquim. "Sabagay, nakakapanibago lang anak. Ngayon lang kita narinig na ganyan. Parang ang bilis mong magbinata pagganyan kang magsalita." "I'm not a baby mommy, but I am an boy. Pero minsan kasi nakakatuwang magsalita si Tito William. Kaya minsan hindi ko napapansin na pagtinatanong niya ako. Kung paano niya ako tinatanong, nasasagot ko na rin siya ng ganoon." Muli ay sumilay ang mga ngiti sa labi ni Atasha. "Sabagay nga anak. Okay din talagang may alam ka sa English, dahil magagamit mo iyan pag pumapasok ka na. Ngunit dapat pagsinabing Tagalog dapat iyon ang gagamiting salita." "Opo mommy," sagot ni Juaquim ng bigla na lang tumunog ang kanyang tiyan. "Nagugutom na mommy ang monsters ko sa tiyan," nakangusong saad ni Juaquim na ikinatawa ni Atasha. "Baba ka na anak. Nakapagluto na po si Tito William. Hindi na si mommy ang nagluto maagap yatang umalis si Tito William. Kaya paggising ko may luto na. Ikukuha lang ako ng pinggan at kumain na tayo." "Okay po mommy. Salamat po," masiglang sagot ni Juaquim. "Walang ano man. Basta para sa iyo anak," nakangiting saad pa ni Atasha. Masiglang binigyan ni Atasha ng pagkain ang anak. Sa kabila ng iba't ibang emosyong naramdaman niya kanina. Wala talagang ibang nagpapasaya sa kanya kundi ang makasama ang anak na si Juaquim.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD