Chapter 24

1902 Words
Masakit ang ulo, ganoon din ang kanyang buong katawan ng magising si Atasha. Kahit gusto pa niyang matulog ay pinilit niyang imulat ang mga mata. Tumambad sa kanya ang silid na alam niyang hindi ang ginagamit nila ni Juaquim. Hanggang sa mapadako sa lalaking yakap niya ang kanyang paningin. "William," aniya sa mahinang tinig. Hindi niya namalayang binuksan pala ni William ang ilaw. Kagabi ay halos hindi na niya maimulat ang mga mata. Kaya naman nagpaubaya na lang siya dito noong bisihan siya nito. Hindi na rin siya nakasagot pa sa mga sinasabi nito, ngunit masaya siya sa pagiging maalaga nito sa kanya at kay Juaquim. "Sana mahalin mo rin ako. Kung hindi man mangyari ang bagay na iyon. Masaya pa rin akong nakilala ko ang isang tulad mo. Salamat sa lahat Liam." Unti-unting inilapit ni Atasha ang daliri sa pisngi ni William. Pinaraanan niya iyon na wari mo ay kinakabisa niya ang bawat parte ng mukha ng binata. "Napakagwapo mo. Kung sakaling magbago ang isipan mo at maisip mong magmahal ng iba, napakaswerte ng babaeng iyon sa iyo. Kahit naman hilingin kong sana ay mahalin mo ako, ay makasariling hiling lang iyon ng puso ko. Alam kong hindi nababagay para sa iyo ang isang babaeng may anak sa pagkadalaga. Na kahit ang ama ng anak ko ay hindi ko pa kilala." Napabuntong-hininga siya. Ang pangarap niya na makasama si William ay pangarap lang. At ang nangyari sa kanila, ay init lang ng laman. Dahan-dahan pa si Atasha sa pag-angat ng kamay ng binata. Ngunit napalunok pa siya ng ang iniaangat niyang kamay nito ay nakahawak pa pala sa isa niyang dibdib. Dahil sa ginawa niyang pagkilos ay hindi sinasadyang napisil ni William ang dibdib niya. Mahina naman siyang napaungol sa sensasyong dala ng palad ni William na nakahawak sa kanyang dibdib. Pasalamat na lang siya at mahimbing ang tulog nito kaya hindi ito nagising sa kilos at ungol niya. Sa wakas ay naiangat din niya ang kamay nito ng hindi ito nagigising. Doon biglang dumaan sa kanyang balintataw ang nangyari sa nakalipas na mga oras. Naramdaman na rin niya ang pananakit ng gitna nang kanyang mga hita. Tunay namang masakit iyon ngayon. Mula nang mabuntis siya kay Juaquim ay ngayon lang ulit naulit ang bagay na iyon sa kanya. Kahit noong unang dating niya sa poder ni Nanay Rosing ay madami na rin naman kaagad ang nagpalipad hangin sa kanya. Ngunit hindi niya pinapansin ang mga ganoong palipad hangin. Pero ngayon, tuluyan siyang bumigay kay William. Hindi lang ang katawan niya. Dahil kilala niya ang sarili niya. Hindi niya ibibigay ang sarili kung hindi niya mahal si William. Kaya kahit magkaiba sila ng intensyon sa mga oras na iyon nagpaubaya siya. Siya bilang isang babaeng nagmahal sa lalaki sa maikling panahon. Dahil sa pag-aalaga at atensyong ibinibigay nito sa kanya at sa kanyang anak. Habang kay William ay hindi siya sigurado. Siguro dahil lang sa tawag ng laman. Kung ano man iyon, hindi pa kayang sagutin ng kanyang isipan. Tulog na tulog pa rin si William. Kaya naman dahan-dahan siyang bumaba sa kama. Nang makarating siya ng pintuan ay dahan-dahan na rin niyang isinara iyon. Pagkatapos ay mabilis niyang tinungo ang silid nila ni Juaquim. Tulog na tulog pa rin ang kanyang anak. Kaya naman nilampasan muna niya ito at nagtungo siya sa banyo. Doon tuluyan ng hinubad ni Atasha ang lahat ng suot niyang damit. Nakita pa niya ang mga markang si William ang may gawa. Ang malilit na pulang marka na tanda ng panggigigil nito sa kanyang katawan. Kahit sa mga oras na iyon ay kanya pa ring nadarama. Kinakapa niya ang sarili at naghahanap ng kahit na kaunting pagsisisi. Ngunit kahit katiting ay wala siyang makapa. Mas madaling sabihin na masaya siyang maiparamdam kay William ang kanyang pagsinta, kahit hindi nito iyon alam. "William, hindi ko talaga alam kung ano ang magiging tingin mo sa akin pagkatapos ng araw na ito. Ngunit salamat pa rin sa isang karanasan na kahit kailan hindi ko makakalimutan. Masaya akong ikaw iyon. At masarap pala sa pakiramdam iyong paggising mo alam mo kung nasaan ang kasama mo sa nagdaang pagniniig. Habang noong unang karanasan ko, wala akong alam at hindi sigurado," pagkausap pa ni Atasha sa sarili. Ilang minuto pa niyang tinitigan ang sarili sa harap ng salamin. Bago, mabilis na rin siyang naligo at nagpalit ng damit. Matapos matuyo ang kanyang buhok ay tinungo na rin niya ang kama nila ng anak. "I love you anak. Kahit alam naman natin at sinabi ko sa iyong hindi ko kilala ang iyong ama. Kahit hindi mo pa iyan nauunawaan ay nagpapasalamat akong lumaki kang inuunawa mo ang mommy. Salamat at dumating ka sa buhay ko. Nagkaroon ako ng pamilyang masasabi kong akin. Ayaw sa akin ng lolo at lola mo. Habang ang tito mo, hindi alam na mayroong isang ikaw sa mundo. I love you Juaquim," ani Atasha at umayos na rin siya ng pagkakahiga. Nagpapasalamat siyang mabait matulog ang kanyang anak. Iyong tipong pagnakatulog ito sa gabi ay umaga na talaga ito magigising. Siguro nga ay napakasarap ng kanyang pakiramdam, maliban sa pananakit ng ilang parte ng katawan. Dahil matapos niyang yakapin ang anak ay nakatulog siyang muli. Napabalikwas naman si William ng maramdaman niyang wala na siyang katabi sa kama. Ilang beses pa niyang inilingap ang paningin sa kabuuan ang silid ngunit wala talaga doon si Atasha. Napansin na lang din niyang sarado na ang pintuan. Dahil sa isip-isip niya ay nasa silid na si Atasha ng mga ito ay nagtungo na rin siya ng banyo para maligo. Liwanag na rin naman kaya ipagluluto na lang niya ang mag-ina. Ayaw niyang iasa ang pagluluto kay Atasha. Lalo na at alam niyang napagod niya ito at napuyat. Bago niya tunguhin ang kusina ay dumaan muna siya sa silid ng mag-ina. Nakita niyang pareho pang tulog na tulog ang dalawa. "Good morning love," ani William na ikinangiti niya. Bakit kay sarap sambitin ng salitang iyon, kung si Atasha ang pinapatungkulan? "Ipagluluto ko na lang muna kayo ng breakfast. Magpahinga ka muna, hmm." Napalunok naman si William ng bigla na lang umawang ang labi ni Atasha. Hindi niya akalaing kahit tulog at walang kamalay-malay ang dalaga ay talagang inaakit siya nito. Kaya naman tuluyan na siyang nagpaakit. Inangkin niya ang nakaawang na labi ng dalaga. Medyo nagtagal ang halik na iyon. Bigla tuloy umungol si Atasha at tumugon sa halik niya. Tulad sa nangyari kaninang madaling araw ay nalulunod si William sa halik na iyon. Ngunit siya na rin ang kusang bumitaw. Kung hindi niya iyon gagawin ay baka hindi na niya mapigilan ang sarili at angkinin niyang muli si Atasha. Isa pa ay baka magising nila si Juaquim, at makita sila sa hindi kanais-nais na tagpo. Bagay na kanyang iniiwasan. Napangiti na lang siya ng umangat pa ang ulo ni Atasha ng habulin nito ang labi niya. Alam naman niyang tulog pa rin ito, base na rin sa pantay nitong paghinga. Siguro ay talaga lang nadala rin sa halik niya si Atasha kahit tulog ito. "Don't be so irresistible love, baka hindi ako makapagpigil maangking kita kahit tulog ka." Napahugot ng hangin si William. "Del Vechio nababaliw ka na. Matapos mong maangkin ang ina ng iyong anak, nabaliw ka na. Daig mo pang tuyong lupa na nadiligan," nailing na lang siya sa mga sinasabi niya sa sarili. "Hindi ka pala tuyong lupang nadiligan. Dahil ikaw pala ang nandilig. G*go," aniya at tumayo na mula sa pagkakaluhod. Kung hindi pa siya aalis sa tabi ni Atasha. Baka makalayo pa siya ng marating. Matapos halikan sa noo si Juaquim at Atasha ay iniwan na rin niya ang natutulog na mag-ina. Bago pa niya maisara ang pintuan ay sinulyapan pa niyang muli ang mga ito. "Siguro nga ay mabilis at siguro nga ay baliw na rin akong talaga. Ngunit sa nararamdaman ko, ayaw na kitang pakawalan Atasha." Sa kusina ay patuloy lang sa pagluluto si William, hanggang sa makatanggap siya ng tawag mula sa sekretarya niya. Alas sais pa lang mg umaga ngunit mukhang may maagang trabaho siyang nakaligtaan. "Yes, Maria!" "Sir, good morning. Pasensya na po sa abala, kaya lang tumawag po ang mga magulang ninyo." "Sina mommy at daddy?" tanong niya habang naguguluhan. Bakit kailangang kay Maria pa tumawag ang mga ito sa halip na direct sa kanya. "Hindi daw po kayo matawagan." "Paanong nangyari iyon kung natatawagan mo ako?" "Sir, sa company number po ninyo ako tumatawag. At hindi po sa personal number po ninyo. Ay sa tingin ko po sa binigay na number ng mommy ninyo ay doon po sila tumatawag." Kahit hindi nakikita ni William ang sekretarya ay napatango na lang siya. Noon lang niya naalala na nakablock ang cellphone number ng mga magulang sa personal number niya. Hindi sa ayaw niyang makausap ang mga ito. Ngunit umiiwas siya sa kabi-kabilang reto ng mommy niya para lang mag-asawa siya. At hindi ang patulan ang simasabi niya sa mga itong hahanap siya ng magiging surrogate mother ng anak niya. Ngunit huli na ang lahat, dahil dinadala na ni Atasha sa sinapupunan nito ang anak niya. Pero sa pagkakataong iyon, nais na niyang sundin ang mommy at daddy niya sa nais ng mga ito na mag-asawa siya. Ngunit hindi sa mga babaeng ipinapakilala ng mga ito. Kundi sa babaeng nasa isang silid ng condo niya. "Okay, ay anong kailangan ni mommy? Mukhang importante at talaga sa ganitong kaaga ay inabala ka niya?" tanong niya. Kahit sa isip-isip niya ay nahuhulaan na niya ang pang-aabala na iyon ng mga magulang. "Sir need po ninyong pumunta mamayang lunch sa Restaurant Cafuego." "Bakit daw?" patamad niyang tanong. Ngayon sigurado na siya sa gustong mangyari ng mommy niya "Hindi ko po alam. Kaya lang hindi daw maaaring hindi kayo pupunta. Dahil pag hindi daw kayo pumunta, sila ang pupunta diyan sa condo mo. Sir dapat ay mamaya ko na lang talaga ito sasabihin sa opisina. Kaya lang dapat daw itawag ko na sa iyo ngayon sabi ni Mrs. Del Vechio. Para daw alam mo na. And she said, she only accepts a yes for the invitation." "Do I have a choice?" "Maybe, no sir." "Okay tell them. Bye." Hindi na nakapagsalita ang sekretarya ni William ng ibaba niya ang tawag. Tama talaga ang hinala niya plano ng mga magulang sa kanya sa araw na iyon. Ang ihanap na naman siya nito ng blind date na palagi naman niyang tinatanggihan. Ngunit sa pagkakataong iyon, gusto niyang pagbigyan ang nais ng mga magulang. Lalo na ng mommy niya. Para naman, maipaalam na rin niya sa mga ito ang plano niya sa buhay. "Pagbibigyan kita mommy sa pagkakataong ito. Ngunit hindi ang nais ninyo ang masusunod," aniya at ipinagpatuloy ang kanina lang ay naudlot na ginagawa. Hindi na kailangan ng mga ito na maging matchmaker ng mga babaeng alam naman niya sa sariling hindi naman niya magugustuhan. Naisip na naman niya si Atasha. Ibang-iba ang damdaming nadarama niya tuwing naiisip ang dalaga. Higit sa lahat tuwing kasama niya ito. Mas napatunayan niya sa sariling, iisa lang ang babaeng gusto niyang makasama. Si Atasha lang iyon at wala ng iba. Pagkatapos magluto ay nagkape na rin siya. Sumubo ng kaunti at inayos ang pagkain sa lamesa. Hindi na niya mahihintay na magising ang mag-ina. Kailangan niyang maayos ang mga dapat ayusin sa opisina para mapuntahan ang lugar na sinasabi ng ina. Nag-iwan na lang siya ng isang note para kay Atasha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD