"Kumusta ang nararamdaman mo?" nag-aalalang tanong ni William ng mapansin niya ang pagngiwi ni Atasha. Mabilis niyang iniwan ang ginagawa at nilapitan ang dalaga. Napaluhod si William para haplusin ang tiyan ni Atasha. Halatang-halata na ang umbok ng tiyan nito. Halos kabuwanan na rin naman ni Atasha. Ilang linggo na lang ay maiisilang na rin nito ang kanilang anak. "What happened?" "No need to worry Liam. He's moving," nakangiting saad ni Atasha ng ilapat niya ang palad ni William sa kanyang sinapupunan. "You feel it." "Yeah love. Hey, little me. Are you excited to see us? Because I'm so excited to see you and your mommy too. And----," pinutol saglit ni William ang sinasabi niya at tumingin sa magandang mukha ni Atasha. "And your eldest brother is waiting for you. Even now he doesn't

