Chapter 33

1917 Words
Napalupagi na lang si Teresa ng biglang bumigay ang mga tuhod niya. Labis siyang nasasaktan na makitang may kasamang ibang babae si William sa condo nito. "Ipinagpalit mo na ba talaga ako sa iba? Hindi mo na ba ako mahal? Hindi naman ako kusang umalis. Pero bakit hindi mo ako hinanap? Bakit may kasama ka ng iba?" naitanong niya sa sarili. Habang umaagos ang mga luha sa kanyang mga mata. Sa mga nagdaang buwan buhat ng makita niya ang babaeng nakatira sa condo ni William ay palagi na niyang inaabangan ang paglabas at pagpasok ng binata sa condo nito, tuwing mayroon siyang pagkakataon. Pag may delivery siya at malapit lang sa lugar ng condo ni William. Ay pumipilit siyang makadaan doon para masilayan ang binata. Doon napatunayan niyang kasama ni William ang babae sa bahay nito. Ang hindi lang siya sigurado ay kung ano ang relasyon ng mga ito. O kung may relasyon ang dalawa. Ngunit nasisigurado niyang hindi mag-asawa ang mga ito. Pero may kasama pa ring kirot at sakit ang nakikita niyang masaya na si William na kausap ang babae. Pinunasan niya ang mga luhang walang ampat sa pagpatak. Mula ng magising siyang muli, mula sa aksidente nila sa tricycle ay nalaman niyang nasa mahigit limang taon na ang nasayang sa buhay niya. Buhay na hindi niya akalaing mawawala lang sa kanya, ng dahil lang sa nagtiwala siya sa isang itinuring niyang kaibigan. Matapos mabigyan ng maayos na libing ang mag-asawang kumupkop sa kanya ay nagbalik siyang Maynila. Matagal din ang pagkakataong hinintay niya para makaipon ng lakas ng loob. Para na rin ipaalam sana kay William ang totoong nangyari sa kanya. Na siya ang totoong Teresa. Hindi ang nakasama nito noon. Dahil si Maui iyon na nagpapanggap na siya. Ngunit noong araw na may nagpadeliver ng pagkain sa condo nito ay ibang babae ang nadatnan niya. Pagkakataon na iyon para magpakita siya kay William. Ngunit hindi si Maui o si William ang nadatnan niya. Isang babaeng hindi pamilyar sa kanya. Maganda ang babae at mukha namang mabait. Ngunit ang lalong nagpakabog ng kanyang dibdib ay ng mapansin niya ang batang kasama nito at mommy pa ang tawag ng bata sa babae. Sa edad ng bata ay natitiyak niyang mula ng nawala siya ipinagbuntis ang batang iyon. Lalo na at sa tingin niya ay nasa mahigit apat na taong gulang pa lang ito. "Anong nangyari sa iyo daddy mula ng mawala ako? Nasaan si Maui? Sino ang babaeng kasama mo sa condo mo? Ipinagpalit mo ba ako kaagad sa iba nang mawala ako? O may karelasyon ka bang iba at naging pabor pa sa inyo ng mawala ako? At si Maui? Nasaan si Maui? Nalaman mo bang hindi ako siya. Kaya naghanap ka na kaagad ng iba?" naitanong na lang ni Teresa sa isipan. Gusto niyang magpakita kay William. Kaya siya muli ang nagpresinta na magdeliver ng pagkain sa mga oras na iyon. Ngunit naduwag siyang muli ng makaharap na niya si William at ang babaeng kasama nito. Nais sana niyang malaman ang lahat ng sagot sa mga tanong niya. Ngunit biglang umurong ang tapang niya. Nang mapansin niya ang maliit na umbok sa tiyan ng babae na naiitago lang sa suot nitong malaking damit. Ngunit dahil babae siya, napansin niya iyon. "D-daddy," tawag pa ni Teresa sa binata, kahit alam niyang hindi naman siya nito maririnig. Gusto lang niyang sambitin ng paulit-ulit ang endearment niya sa kasintahan. Na wari mo ay maaalis noon ang sakit na kanyang nararamdaman. Halos nasa isang oras din siyang nakalupagi sa tabi ng hagdan. Nagpapasalamat na lang siyang walang dumating at walang lumabas ng condo sa mga oras na iyon. Kaya walang nakakakita sa pag-iyak niya. Ganoon din sa kalagayan niya. Kinapa niya ang ulo. Naroon pa rin ang bakas ng ilang tahi na ayon sa doktor ay nagbuka dahil sa aksidenteng tinamo niya. Ngunit napatunayan ng kanyang alaala na hindi sa aksidente galing iyon. Kundi sa pwersahang paghampas ni Maui sa kanya ng baseball bat. Wala pa ring buhok ang parteng iyon. At sinabi sa kanya ng doktor na hindi na talaga iyong tutubuang muli ng buhok. Ang ipinagpapasalamat na lang niya ay natatakpan iyon ng mahaba niyang buhok, kaya hindi na rin halos mahahalata. "Namimiss mo ba ang pumpkin mo daddy? Kasi ako miss na miss na kita. Mahal na mahal kita. Pero may tamang panahon para magkita tayo. Pag may lakas na ulit ako ng loob na magpakita sa iyo. Ipaliwanag ko ang nangyari sa akin. At sana hindi pa huli ang lahat para sa atin," aniya sa pagitan ng mga hikbi. Matapos mapakalma ang sarili tumayo na rin si Teresa. Kailangan pa niyang magtrabaho para mabuhay. Alam niyang darating din ang tamang panahon para magkaharap sila ni William. Malaman nitong mayroon pang siya na nag-e-exist. At umaasa na hanggang ngayon ay siya pa rin ang minamahal ng kasintahan. Hahakbang na sana si Teresa paalis ng biglang bumukas ang pintuan ng condo ni William. Mabilis siyang nagtago sa may hagdan. Lumabas doon ang binata na may matamis na ngiti sa labi. Naroon na naman ang kirot sa kanyang puso, ng bigla niyang marinig na nagsalita ang babaeng kasama ni William sa condo nito. "Ingat boss, pasabi sa nanay na hindi na ako nakauwi ha. At ang nanay na muna ang bahala sa aking anak. Pasabi rin kay Juaquim na magpagaling siya ha. Babawi na lang ako sa susunod. Ikaw na ang bahalang magpaliwanag." "Ako na ang bahala. Huwag ka ng mag-alala at baka kung ano pang mangyari sa iyo. Sabi naman ng doktor na iwasan mo ang stress di ba? Ako na ang bahala." "Salamat, kung pwede ko nga lang puntahan ang Nanay Rosing. Kaya lang hindi pwede. Alam kong isang tingin lang niya sa akin malalaman niya kaagad ito." Naisip ni Teresa na ang pagbubuntis ng babae ang tinutukoy nito. "So, nagdadalangtao nga siya at tinutulungan lang ba siya ni William na itago ang pagbubuntis niya ganoon ba?" muli niyang tanong. "Ako ng bahala, relax." "Thanks Liam, pabili ng mga gamot ng anak ko ha." Muling tiningnan ni Teresa ang babae at si William na naiiling sa babaeng kasama nito sa bahay. Nakangiti lang si William at ginulo ang buhok ng babae. "Oo, ako na ang bahala sa lahat," sagot ni William. Halos tumalon ang puso ni Teresa ng may isang idea na pumasok sa isipan niya. Nasundan na lang ni Teresa ng tingin ang pagsarado ng pintuan ng condo ni William at ang pagpasok ni William sa nakabukas na elevator. Napaupo naman siya sa isang baitang ng hagdanan. Pilit na inaarok ang pangyayaring kanyang nasaksihan. "Paano kung katulong lang niya ang babaeng iyon, o kaya naman kaibigan niya. So anak nga niya ang batang nakita ko. Pero base sa pag-uusap nang dalawa, wala silang relasyon. Pero nasaan ang traydor kong kaibigan? Hindi na siya nakatira sa condo na iyon? May bahay na ba silang iba at kasal na? Ang hirap naman, wala akong makuhang sagot. Ngunit hindi ako dapat magpadalos-dalos. Madami ng nagbago, isa na doon ang dahilan kung bakit nawala ako ng mahigit limang taon. Hindi ko man lang nakita si Maui. Nasaan ito?" naitanong na lang ni Teresa sa sarili. Habang nasa malalim siyang pag-iisip ay biglang tumunog ang cellphone niya. "Nasaan ka na?" boses iyon ng manager nila. "On the way na ma'am. Sorry po, naghintay pa po ako na dumating ang customer. Wala po kasi dito eh. Pasensya na po talaga," pagsisinungaling niya. Siguro naman ay walang magsusumbong na hindi ganoon ang nangyari. "Sige na nauunawaan ko. Pero bilisan mo at may isa ka pang delivery." "Okay ma'am," sagot na lang niya at pinatay ang tawag. Nagtungo na lang ulit si Teresa sa harap ng elevator at naghintay. Hindi niya kakayaning bumaba sa hagdan. Mataas din naman ang tenth floor para hagdanin. Samantala, nasa may salas sina William at Atasha ng makatanggap sila ng tawag mula kay Nanay Rosing na may lagnat si Juaquim. Ngunit pinutol naman kaagad ng matanda ang labis niyang pag-aalala sa anak ng sabihin nitong baka nanibago lang si Juaquim. Sa katunayan sa ilang buwan nilang mag-ina sa poder ni William, sa condo nito ay hindi naman sila nag-aalis ng air-conditioned. Tapos nang maiuwi ni William si Juaquim sa bahay ng kanyang Nanay Rosing ay mainit doon at naka-electricfan si Juaquim. Malamang ay iyon ang dahilan kaya nagkasakit ang kanyang anak. "Oo anak, huwag ka ng mag-alala. Wala lang akong gamot dito ni Juaquim kaya ako tumawag sa iyo. Kung bibili ka ay samahan mo na rin ng gamot sa sipon at ubo," bilin ni Nanay Rosing. "Pasensya na po inay, at hindi na nga ako ang nakapaghatid kay Juaquim ay nagkasakit pa ang aking anak. Pasensya na po at kayo na po ang bahala sa kanya." "Naiintindihan ko Atasha. Nasabi mo na iyon sa akin di ba? Ako na ang bahala kay Juaquim. Hanggang sa umuwi ka na dito." "Salamat po inay." "Mommy mamimiss kita. Pero ayos lang po, naiintindihan ko pong mas madami kang trabaho ngayon. Sinabi pa po ng lola na, aalis na daw po pala si Tito William at babalik ng ibang bansa sa mga susunod na buwan." Nagkatinginan naman si William at Atasha. Iyon naman talaga ang plano nila noong una. Na uuwi si Juaquim pagnagsisimula ng lumaki ang sanggol sa sinapupunan niya. Pero ngayon ay nagkaroon na sila ng totoong relasyon. Kaya hindi malaman ni Atasha kung paano iyon aaminin sa anak at sa kanyang Nanay Rosing. "Kaya nga anak," naisagot na lang niya. "Magpagaling ka Juaquim. Si Tito William ang magdadala ng gamot mo at ng pagkaing gusto mo. Hindi na makakasama si mommy ha at napagod ako anak sa maghapon," pagsisinungaling pa niya. "No problem mommy. Basta kasama ko po si Lola Rosing ay maayos lang po ako. I love you mommy." "And I love you more Juaquim. Salamat po inay." "Wala iyon anak," sagot ni Nanay Rosing bago tuluyang naputol ang tawag. Nagkatinginan pa sina William at Atasha matapos makausap ang maglola. "Love, wala ka pa bang balak ipaalam sa kanila ang relasyon natin. Kaya naman kitang panindigan. Kung ang inaalala mo ay sina mommy at daddy, sinasabi ko sa iyong ipanatag mo ang iyong sarili. Kahit ayaw nila sa iyo, ako naman ang makakasama mo. Kaya naman wala silang magagawa kung sino ang gusto kong makasama habang-buhay." "Thanks Liam. Ngunit hindi pa ako handa. Oo tayo na, ngunit hindi pa ako handang may makaalam na iba. Pasensya na." "It's okay love. Naiintindihan ko. Nauunawaan ko." "Totoo?" "Oo, dahil sa nasabi mo nang, past relationships mo. Alam kong hindi maganda, kaya ngayon alam ko ding gusto mong maging maayos ang lahat. Iyong pag-ipinakilala mo ako kay Nanay Rosing, wala ng hadlang at ikakasal na lang tayo." "Kasal agad?" "Syempre. Pag malakas ka na, matapos mong maipanganak ang anak natin, ay pakakasalan na kita. Para naman tuloy-tuloy na kaagad sa honeymoon." "Sira, sige na, ililista ko lang mga gamot ni Juaquim. Itawag mo kaagad sa akin pagnabili mong lahat ha. Ihalik mo din ako sa aking anak." "Yes, love." "Thank you boss," ani Atasha kaya natawa na lang si William. Matapos mailista ni Atasha ang mga kailangan ni Juaquim ay nagpaalam na rin si William. Nailing na lang si William ng paglabas niya ng condo niya ay biruin na naman siyang boss ng kasintahan. Pagkasara ng pintuan ay mabilis na hinayon ni William ang elevator. Kailangan niyang mabili kaagad ang mga gamot ni Juaquim para mabilis siyang makauwi. Lalo na at mag-isa lang sa condo niya si Atasha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD