17

1299 Words
Dyaran!” nakangiting iminuwestra ni Jhanna ang kamay matapos nilang pagtulungan ni Top na buksan ang malaking gate ng LAP building. Bumulaga sa kanila ang makalat na paligid ng warehouse at ang mga gamit na nababalutan ng mga puting tela kaya agad na napangiwi siya. “Pasensiya na, wala pa akong time magpalinis kaya magulo talaga dito.” nahihiyang sabi niya. Kung alam lang niya na magrerequest si Top na puntahan nila ang warehouse ay ipinalinis sana niya ang buong lugar. “Ilang months kasi akong hindi bumisita dito, dati naman kapag nagpupunta ako dito naglilinis ako.” Hirit pa niya. Magkasabay silang pumasok sa loob habang pinag aaralan ng binata ang bawat sulok ng building. “Nandito sa first floor ang mga makina na ginagamit sa pag imprenta. May apat na malaking opisina naman sa second floor at may stockroom sa third floor saka rooftop.” “Hindi ba naisip ng daddy mo na ibenta ang building? Malaking building ito kaya siguradong hindi bababa sa limang milyon ang presyo nito kapag naibenta ninyo.” “Ayaw ni daddy, siguro naisip niya na pwede ko itong magamit kapag naisipan kong magnegosyo at saka nandito ang mga alaala ng mommy ko.” Lumapit siya sa switch ng mga ilaw at ilang sandali lang ay bumaha na ang liwanag sa buong paligid. Pasimpleng sinipa niya ang nagkalat na mga lata ng softdrinks sa sahig. Kamuntik na siyang mapaungol sa inis nang makita ang ilang supot ng mga chicharya na nakakalat sa mahabang mesa. Noong sinubukan kasi niyang magpinta ay naisipan niyang doon na magpalipas ng ilang gabi. Hindi kasi siya makahanap ng katahimikan sa bahay nila dahil masyadong maingay ang pamangkin niyang si Mimi. Ang daddy naman niya ay sinesermunan siya kapag nagkukulong siya sa kwarto. Halos doon na siya kumakain at natutulog para lang makatapos ng master piece niya. Pero sa huli ay sumuko na siya sa pangarap niyang maging painter. Kahit siya ay hindi niya nagustuhan ang mga painting niya. “Mahal talaga ni tito Samuel ang mommy mo, hindi niya kayang mawala ang mga alaala ng mommy mo kaya hindi niya naisipang ibenta ito.” Nakangiting tumango siya at lumapit kay Top. “Paano kung ako ang namatay ng maaga, ibebenta mo ba ang building na 'to?” Magkasalubong ang mga kilay na nilingon siya nito. “Anong klaseng tanong naman 'yan?” Nagkibit balikat siya. “Kapag nagpakasal na tayo, magkakaroon ka na ng karapatan sa magiging negosyo ko. Kaya nga tinatanong kita kung—” “Walang mamamatay, okay?” turan nito at mabilis ang mga kilos na hinapit siya sa baywang. “Daig mo pa ang nakadrugs, ang weird ng mga tanong mo.” Nakasimangot na pinisil nito ang tungki ng ilong niya. Napalabi siya. “Nagtatanong lang naman ako, hindi natin alam kung ano ang sunod na mangyayari bukas kaya mas mabuti ng handa.” “Silly.” Natawa na ito at matiim na pinagmasdan siya. “Bakit mo sinasabi 'yan? Hindi ka naman dating ganyan, 'di ba?” “A-ano ba ako?” natitigilang tanong niya. Nagsimula siyang makaramdam ng pagkalito nang magtama ang mga mata nila. Parang magnet ang mga titig ni Top na humihigop sa kaniya at kahit anong gawin niya ay hindi niya kayang kontrolin ang sarili niyang emosyon. Ilang sandali lang ay bumilis na ang pintig ng puso niya at kulang na lang ay magkaroon na siya ng palpitation. “Hindi mo iniisip ang mangyayari bukas, ang importante sa'yo ay kung ang nangyayari ngayon.” Anito. Napasinghap siya at gulat na naikurap ang mga mata. “Kailan ka pa naging mind reader ha?” kunwari ay biro niya. Sinubukan niyang kumawala mula sa mahigpit na pagyapos nito sa baywang niya pero mas lalo lang siya nitong hinapit palapit sa katawan nito. Nagkaroon ng komosyon sa dibdib niya nang maramdaman ang mainit na singaw ng katawan nito. Pinuno niya ng hangin ang dibdib at napahinga siya ng malalim. Kung hahayaan niya ang sarili na magpakalunod sa matinding emosyon na bumabalot sa kaniya ay baka bigla na lang siyang matunaw sa mismong harapan ni Top. Naitukod niya ang palad sa malapad na dibdib nito at sinalubong ito ng tingin. Hindi na niya makita ang dating Top na kilala niya. Sa paglipas ng panahon ay naglevel up ang hitsura nito at mula sa pagiging nerd ay naging gwapong nilalang na ito. Hindi niya masisisi kung maraming babae man ang maghabol sa fiancée niya dahil bihira lang ang katulad nitong lalaki na gwapo na nga ay gentleman pa. Huminga ulit siya ng malalim nang mapansin ang unti unting paglapit ng mukha nito sa kaniya. Mas matindi pa sa excitement ang naramdaman niya nang dumampi sa mukha niya ang mabangong hininga nito. Mariing napahawak siya sa kwelyo ng damit ni Top. Habol niya ang paghinga habang hinihintay niyang angkinin nito ang mga labi niya. Parang isang oras o higit pa ang hinintay niya ng sa wakas ay maglapat ang mga labi nila. Mahinang umungol siya ng kabigin siya nito sa batok. Binalot ng kakaibang init ang buong sistema niya. Hindi niya akalain na makakaramdam siya ng ganoong klase ng emosyon na para bang ayaw na niyang malayo kay Top. Parang bomba na gustong sumabog ng dibdib niya dahil hindi na niya makontrol pa ang pagdaloy ng mga emosyon na bumabalot sa kaniya. Ang malakas na tunog nang pagkahulog ng kung ano mula sa second floor ang nagpagulantang sa kanilang dalawa. Habol nila pareho ang paghinga nang pakawalan nito ang mga labi niya. Natutop niya ang dibdib at nag iwas ng tingin sa lalaki. Akmang tatakbo siya para tingnan kung ano ang nangyari sa second floor ng bigla siyang pigilan nito sa kanang braso. “Ako na,” “P-pero…” Umiling ito at mahigpit na hinawakan ang palad niya na para bang natatakot itong kumaripas siya ng takbo paakyat sa second floor ng building. Magkabasay silang umakyat sa hagdan habang kumakabog ng malakas ang dibdib niya. Buong buhay niya ay ngayon lang siya kinabahan ng ganoon at dahil lang iyon sa mahigpit na hawak ni Top ang kamay niya. Daig pa niya ang teenager na niyayang makipagdate ng crush niya. Binuksan ni Top ang pinto ng unang opisina at pareho pa silang nagulat nang makita na may malaking dilaw na pusa ang nakahiga sa mahabang box. Naramdaman siguro ng pusa ang presensiya nila kaya bumangon ito at tiningnan sila. “Garfield!” nakangiting bulalas niya nang makilala niya ang pusa. Bumitiw siya kay Top at patakbong nilapitan ang pusa. “Garfield?” nagtatakang tanong nito nang makalapit sa kaniya. “Matagal na siya ditong nakatira, hinahayaan kong bukas ang bintana para makapasok siya dito sa loob. Ilang beses ko na siyang nakikitang pakalat kalat sa buong building. Gusto ko na nga sana siyang iuwi sa amin kaya lang baka mapagtripan siya ng mga aso ko. Teka…..” natigilan siya at ng may maisip na magandang ideya ay kinarga niya ang pusa at ibinigay kay Top. “Hey!” gulat na napaatras ito. Hindi naman pumalag si Garfield dahil parang nagustuhan pa nga nito ang paghawak dito ni Top. “Iuwi mo na lang si Garfield sa bahay ninyo, mas maalagaan mo pa siya kaysa naman magstay siya dito. Siguradong nalulungkot siya.” Mariing umiling si Top. Bumakas ang matinding pagtutol sa gwapong mukha nito. “Hindi pwede kasi—” “Kailangan mong masanay dahil kapag nagsama na tayo sa isang bahay hindi lang pusa ang araw-araw na makakasama mo.” Sabi niya at inisa isa ang pangalan ng alaga niyang mga aso. “Fine.” Napipilitang sabi na lang nito. Ngumiti naman siya at masuyong ginulo ang buhok ni Top. “Good boy.” “Hindi ako aso!” protesta nito. Napuno ng malakas na halakhak niya ang bawat sulok ng malaking opisina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD