[Kentou's pov] Hindi ko alam kung ilang buntong hininga na ang aking pinakawalan. Sabik pa naman akong pumasok kanina pero nawala ang kasabikan na iyon ng mapag-alaman na absent muli si Ayane. Napakamot ako ng batok dahil napapansin ko na lagi na lang siyang absent. Buti na lang hindi pa siya nadi-dismiss sa labis na pagliban niya ng aming klase. Mabuti sana kung sikat siyang artista dahil mauunawaan iyon ng academy. "babe!" malanding pagtawag sa akin ni Sierra Bagot na tinignan ko lang siya "bakit?" tanong ko "Date tayo after namin manalo sa event pleeaseee" nakikiusap na sabi niya habang nakanguso Nagpigil ako matawa dahil nagmukha siyang bibe. Hindi ko talaga maisip kung paano niya napaniwala ang lahat na siya ang nasa commercial. Alam ko na hindi siya iyon dahil nakaharap ko ng p

