Another romantic night date happened last night. Masarap ang tulog ko kagabi dahil kinikilig ako na kasama ko si Apollo. Kakaiba talaga ang saya kapag kasama mo sa ibang lugar ‘yong taong mahal mo. Tapos nakayakap pa rin sa akin si Apollo ngayon. Ayaw na niya akong bitawan kahit kanina ko pa siya ginigising. Natatawa na lang talaga ako dahil sa kakulitan niya. Inaalis ko na kasi ang kaniyang kamay na nakayakap sa akin kanina para makatayo na ako, pero mas hinihila lang niya ako. Ang kulit niya, but at the same time he’s cute. Ang sarap kurutin ng kaniyang pisngi. Naalala ko tuloy ang kaharutan naming dalawa kagabi. Pagdating pa lang namin sa hotel room namin ay nilapang na agad niya ang labi ko. Sinunggaban niya ako ng halik. Sampung beses niya ‘yon na ginawa, dahil pumayag daw ako na ‘y

