Pinakain lang kami saglit ni Mrs. Victoria, para raw hindi nakakahiya sa amin dahil binisita namin siya sa kaniyang bahay. Ako nga ang dapat na makaramdam ng hiya at hindi siya. Ako ang humingi ng pabor sa kaniya para magpanggap siya bilang ina ko, tapos wala pang kapalit. Malaki na ang utang na loob ko sa kaniya. Sobrang effort pa niya hanggang sa dumating sa punto na gumamit pa sila ni Tiffany ng mukha ng ibang baby para palabasin na ako 'yon noong sanggol. Kaya pala ganoon ang reaksyon ni Shaicy. Hindi siya makapaniwala na may mga ebidensiya na napakita si Mrs. Victoria sa kaniya para patunayan na anak talaga niya ako. "Siguro ay titigil na siya ngayon sa pagdududa na anak nga kita?" tanong naman sa akin ni Mrs. Victoria. Napangiti naman ako. "Hindi pa rin po ako sigurado kung titigil

