Habang papalapit ako ay parang gusto ko nang umatras. Mahigpit lang ang hawak ko sa laptop ko. Ang napapanood ko sa mga contest noon ay hindi nila hinahayaang manood ang mga susunod na contestant sa mga nagpe-present. Para maiwasan na kabahan masyado ang mga susunod na presenters at para maiwasan ang pagkakaroon ng kopyahan o kung ano pa man. Pero sa contest na ito ay harap-harapan pa ang panonood namin. Kaya sobra na ang kaba na nararamdaman ko. Tapos panghuli pa ako na magpe-present. Marami nang bagay ang tumatakbo sa isipan ko ngayon. Pinipilit ko na huwag isipin at alisin sa utak ko, pero hindi ko magawa. Kinakain na ako ngayon ng aking kaba. What if nakapili na pala ang mga judges ng thirty students para sa semi-final round? Baka wala nang kwenta ang presentation ko dahil mayroon n

