“Stupid! Bakit ko naman sinabi na pupunta kami sa bahay ng parents ko rito? As if naman totoong mga magulang ko ang mga ‘yon. Nakakahiya kapag nagpakita pa ako sa kaniya sa personal. Sa video call nga noong nakaraan ay hiyang-hiya na ako. Ngayon pa kaya na sa personal?” Patuloy ang pagra-rant ko kay Apollo ngayon. Hindi ko tuloy masiyado ma-enjoy ang kinakain namin ngayon sa mamahaling restaurant na ito. Buti na lang at nakapag-picture si Apollo kanina ng kinakain naming dalawa. Vinideo-han pa nga yata niya ako habang todo reklamo ako sa kaniya dahil sa katangahan na nagawa ko kanina sa harap ni Shaicy. Bakit ba kasi ako pumayag?! Binabato ko lang ang sarili ko sa patibong niya para mahuli niyaa ng sikretong tinatago ko nang husto. “Is that what they call stress eating? The one that yo

