“APOLLO CASH!” “Wait lang, Love! I’m trying to figure out what kind of napkin you will use!” “ANG SABI KO AY ‘YONG WITH WINGS NA NAPKIN! MODESS AT ALL NIGHT NAPKIN! ‘YONG KULAY VIOLET D’YAN!” “Love, please calm down first. Maraming violet color na napkin dito. Paano ba malalaman kung may wings o wala? Para saan ba ang wings? Pakpak? Hindi ko makita kung may pakpak ba ‘to o wala.” Mas lalong sumasakit ang puson ko dahil sa mga sinasabi ni Apollo ngayon sa phone call namin. Sa lahat ba naman ng kakailanganin ko rito sa unit, ‘yong napkin pa ang wala. Naubos ko kasi last month. Hindi ko naman naalala na wala na akong stock no’n kaya hindi ako nakabili agad. Saktong dinatnan ako kinabukasan. Kaya pala ang bilis uminit ng ulo ko kagabi sa usapan namin ni Apollo. Inutusan ko siyang bumili d

