"So you're now going to be busy for preparing to the international academic contest, right?" tanong sa akin ni Apollo. Ikinwento ko sa kaniya ang lahat ng mga nangyari sa amin ni Shaicy kanina. Kung paano siya napahiya sa maraming tao dahil natalo ko siya. Natawa pa nga ako sa naging reaksyon ni Apollo kanina. "Serves her right." Iyon ang naging reaksyon niya. Proud pa nga siya sa akin dahil sa pagkapanalo ko. Hindi ko inaasahan na magiging gano'n kasaya ang reaksyon niya. Nakakakilig pa ang sinabi niya sa akin kanina na, 'I'm proud that you're my girl'. Iba talaga ang kilig kapag sa kaniya nagmula ang salitang iyon. Parang may mga paro-paro na lumilipad sa loob ko. Tapos ang lakas pa ng t***k ko dahil doon kanina. Hindi ko rin naman inaasahan na ganito na kalakas ang tama ko sa kaniya.

