"I told you that she was the first one who hurt me physically! Gumanti lang naman ako sa kaniya dahil sa ginawa niya sa akin. Kaya dapat lang na parusahan niyo rin siya at hindi lang ako ang maparusahan dito! This is unfair, really!" galit na sigaw naman ni Shaicy. Kasalukuyan siyang nagrereklamo ngayon dito sa guidance office ng C.U. Gusto na sana na idaan ni Apollo sa korte upang makasuhan si Shaicy sa ginawa niya sa akin at kay Jezreel. Ngunit hindi pumayag ang ibang board of directors ng Cashland Univerity. May posibilidad na masira ang magandang reputasyon ng unibersidad na ito kapag inilabas at pinalaki pa raw namin ang nangyaring gulo. Lalo na at mga college students na kami at hindi mga high school students. Wala namang problema sa akin 'yon. Ayoko rin na masira ang magandang unibe

