“Ang kapal naman talaga ng mukha ni Shaicy para saktan ka ng ganito. Nakakagigil na talaga ang babae na ‘yon. Sobrang laki ng pinagbago niya. Samantalang noong nakita ko siya ay napakahinhin niya. Hindi ko akalain na pwede pa lang magbago ng sobra ang isang tao,” kumento naman ni Tiffany habang ginagamot ang ilang sugat na natamo ko. May mga kalmot ako ni Shaicy. Nakakainis talaga ang babae na ‘yon. Sinira pa ang kutis ko! “Pakiramdam ko talaga ay kaya siya nagbalik dito para maghiganti kay Apollo. Hindi siya obsessed kay Apollo dahil mahal niya ito. Obsessed siyang mapabagsak si Apollo at ayaw niyang maging masaya kaming dalawa,” sagot ko naman sa kaniya. Ramdam ko ang hapdi ng mga sugat sa katawan ko. Pero pinipilit ko na hindi indahin ang mga ‘yon. Nawala ang magandang postura ko sa C

