Nang matapos ang Foundation Week Event ay balik na muli sa normal ang C.U. Ang nabago lang ay mas lalong umingay ang mga pangalan namin ni Shaicy dahil sa nangyari noong huling araw ng event. Pakiramdam ko tuloy ay mga artista kami na gumawa ng pelikula at pinanood ng maraming tao noong araw na ‘yon. Hindi ko na lang pinagtutuonan ng pansin. Bahala sila na pag-usapan ang mga tungkol sa amin. Kung doon sila mas sasaya, ang pag-chismisan kami, wala na akong magagawa pa roon. “So saan kayo magde-date ni Apollo on valentines day?” tanong sa akin ni Jezreel. Kasalukuyan kaming narito ngayon sa meeting room. Gumagawa kami ng kaniya-kaniya naming mga report para sa isa naming major subject. Hindi ko nga inaasahan na tatanungin ako ni Jezreel ng gano’n. Mabuti na lang at medyo malayo sa amin a

