Hindi ko magawang awatin si Apollo ngayon sa ginagawa niya kay Shaicy. Napansin ko na mas humigpit pa ang hawak niya sa kwelyo ni Shaicy at bahagya na niya itong naiaangat. Nakatingkayad na ang mga paa ni Shaicy. Pero hindi niya rin pinipigilan si Apollo. Napansin ko ang pagngisi niya, tila mas lalong nang-aasar. Ibig sabihin ay si Shaicy ang nag-post no'n? Paano niya nakuha ang litrato ko noon kasama ang aking pamilya? Ni hindi ko alam na may ganoon pa pala kaming litrato. Wala akong kopya no'n. Deleted din naman sa mga social media accounts ko ang mga litrato ko noon kasama ang mga magulang ko. Ano pa ba ang mga nalalaman ni Shaicy ngayon tungkol sa akin? Ibig sabihin ay totoo nga ang pagbabanta niya sa akin noong nakaraan, na may alam siya tungkol sa akin at hindi ko 'yon sineryoso. "

