“Ano namang pakulo ‘yon? Grabe hindi ko talaga inaasahan na magpo-propose ka na sa akin kanina! Mabuti na lang at umiyak ako, para masabi nila na totoong in love tayo ng sobra sa isa’t-isa,” kumento ko naman nang matapos na ang kasalan namin sa Marriage Booth. “What do you mean? Hindi na kasama sa pagpapanggap natin ang proposal na ‘yon. I thought you felt that it’s real and not part of the contract anymore?” nakakunot ang noo na sagot ni Apollo sa akin. Para bang sumama pa ang loob niya dahil sa isinagot ko. Pero kailangan ko lang naman na makasigurado ngayon, kaya gano’n ang sinabi ko. Napangiti naman ako. Ibig sabihin ay tama nga ang naramdaman ko na ‘yon. Nakitaan ko ng sinseridad si Apollo kanina, kaya naisip ko rin na totoo nga ang nararamdaman niya para sa akin. Pero kaya ko lan

