Nagpunta na kami sa reception venue nang matapos na ang mga kaganapan sa simbahan. Nasa dressing room ako ngayon at nagpalit na ako ng damit. Dress naman ang suot ko na pang-kasal pa rin. Nire-retouch din ang makeup ko ngayon ni Tiffany. Tapos isang stylist naman para sa buhok ko. Nagbabasa ako ngayon ng mga comments sa naging live broadcast namin kanina. Sobrang dami no'n at umabot sa milyon ang comments. Pati na rin ang views ay sobrang dami. Hindi ko inaasahan na magiging usap-usapan ng ganoon ang nangyari sa kasal namin ni Apollo kanina. Kung sabagay, isang sikat na bilyonaryo ang kinasal kanina. Malamang ay sapat lang din na umabot sa milyon ang views ng kaniyang kasal. Ang mas nagparami pa siguro ng views ay dahil agad na nag-trending ang paglabas ni Shaicy sa kasal namin habang nak

