Chapter 2

1703 Words
Chapter 2 Elaine's POV Why did that gangster drag me there? Malayo-layo rin ang gymnasium sa garden na pinagdalhan niya sa akin. And I need to go back to gymnasium dahil nandoon ang bag ko. Pagbalik ko roon ay napansin kong may tao pa sa bleachers. Clyde? Nandito pa ’to? Nang makita niya ako ay tumayo siya at itinaas ang kanyang kamay na may hawak sa bag ko. Lumapit siya sa akin at naglakad na kami palabas. "Saan ka niya dinala?" bigla niyang tanong habang naglalakad na kami. "Garden." "Ha? Bakit? May ginawa ba siya sa iyo? Sinaktan ka ba niya?" "I'm fine," pagod kong sagot. Pagkarating ko sa bahay ay sinalubong ako ni daddy. "You look mad, Elaine?" "Not really." Hindi ako close sa daddy ko kaya ayokong pag-usupan ang mga nangyayari sa akin. Dumiretso ako sa kwarto. Ayoko talagang may nangingialam sa mga ginagawa ko kaya sobra akong nainis kay Spencer nang pinakialamanan niya ang desisyon ko kung bakit ko pinagtakpan si Ashley. Kinabukasan, sinundo ako ni Clyde. And I don't get why he has to pick me. Pero okay na rin. At least hindi ko na kailangan pa magdala ng kotse. "Okay ka na ba, Elaine? Wala ka bang injury?" tanong ni Clyde habang nagda-drive. "I'm fine." "Okay, sabi mo, e. Sunduin na lang kita araw-araw, gusto mo?" "Okay." That's better. Buti na lang at nag-insist siya. Pabor sa akin ’yon. Nakarating kami ng campus at sabay na naglakad papuntang classroom. Pagpasok pa lang namin ng room ay parang may tensyon na kina Clyde at Spencer. Oo nga pala, binunggo nga pala ni Spencer si Clyde. Naupo na ako pero si Clyde ay nakatayo pa rin at nakikipagtitigan kay Spencer. "Clyde!" suway ko sa kanya at napatingin naman siya sa akin. Naupo na siya at iniwasan na lang ng tingin si Spencer. Boys are unbelievable. They're too war freak. Pataasan ng ego. As if naman may mapapala sila. Tumayo ako kaya napatingin sa akin si Clyde. "Where are you going?" "Cut. Sama ka?" tanong ko at tinaasan siya ng kilay. Alam ko kasing hindi siya nagka-cut ng classes. He shook his head at lumabas na ako ng room. I go to Festival Mall. Nag-ikot ako mag-isa. Pumasok ako sa isang dress shop at namili ng damit. Tumingin-tingin ako ng mga dress. Lahat maganda, wala akong mapili. Alin kaya rito? Okay na sa akin ang 3 to 4 dresses dahil hindi naman ako mapili sa damit. Nang makapagdesisyon kung ano ang bibilhin ko ay naghanap na ako ng makakainan. I ended up in Jollibee. Nag-ring ’yong phone ko at si Clyde ang tumatawag. "What?" inis kong pambungad sa kanya. "Where are you? Nalaman ng mga bodyguards mo na wala ka rito sa campus." "Let them." I ended his call. Nagpatuloy na ako sa pagkain dahil gutom na talaga ako. Matagal-tagal din akong naglibot at tumambay sa mall. Hindi ko namalayan at maggagabi na pala. Bakit ang hirap makakuha ng taxi ngayon? Hindi naman ako marunong mag-trike or jeep papuntang subdivision namin. Napagpasyahan kong maglakad-lakad muna. Kaunti lang ang tao rito sa dinaraanan ko. And it's so creepy here. Naramdaman kong tila may sumusunod sa akin. Binilisan ko ang lakad ko sa dahil takot. Napunta ako sa mas madilim na parte ng kalsada. Hanggang sa bigla na lamang may humila sa braso ko. "Hey, miss beautiful..." sabi ng mga lalaki. Yuck! Mga amoy alak sila. They stink! Nakakadiri at nakakasuka ang pinaghalo-halo nilang amoy. "Puwede bang makipagkaibigan, miss beautiful?" sabi pa nung isa. Kahit madilim at hindi ko sila makita, alam kong hindi pinagpala ang kanilang mga mukha. "s**t!" Narinig kong sabi nung bagong dating. Inaaninag ko kung sino, pero hindi ko makita ang hitsura niya. All I see is his silhouette. I just hear panting and whining. Nagtakha ako nang biglang tumahimik. I get my phone para magsilbing ilaw. Pagtinigin ko, mga nakahandusay na sa kalsada ang mga tingin ko'y lasing na nangungulit sa akin kanina. Nasaan na ’yong lalaki kanina? Nabaling ang tingin ko sa nakakalat na notebook. Lumapit ako roon at dinampot. Tinapatan ko ng cellphone at tiningnan kung ano ito. Simpleng notebook lang siya, walang espesyal. "Ma'am Elaine!" Patakbong lumapit sa akin ang mga bodyguards ko. I have 3 body guards. OA, ’di ba? I know. "Kanina pa ho namin kayo hinahanap," sabi ng isa. "And?" Napayuko sila. Naglakad na ako papunta sa kotse. Sumunod naman ang mga bodyguards ko at iniuwi na ako sa bahay. Dumiretso agad ako sa kuwarto ko at nahiga. Those sick rotten tomatoes! Makita ko lang ulit sila... I'm gonna ruin their faces more than it already is. I'm in the middle of polishing my plans on how to murder those fat-asses when I remember something. I get my bag at inilabas ang notebook na napulot ko kanina. Binuklat ko ito. Unang kita ko pa lang sa sulat ay halatang lalaki ang may-ari nito. Hindi naman pangit ang penmanship pero madali namang ma-recognize kung pambabae o panlalaki, ’di ba? Or is it just me? Binasa ko ang first page. ‘Hoy, notebook,’ ’Yan agad ang nabasa ko. "Notebook?" mahina kong sabi. I think it's a diary. At sa lahat ng may dairy, ito lang yata ang walang date. ‘Hindi ko alam kung bakit kita kinakausap. It's too gay. Kalalaki kong tao tapos may ganito ako?’ So, confirmed! Lalaki nga ang may-ari nito? Pero sino naman kaya? Binasa ko pa ang mga kasunod. ‘Napaaway na naman ako kanina. Ang babaeng ’yon kasi, lapitin yata talaga siya ng gulo. Well, maybe because her family is into politics. But for God's sake! Hindi niya yata alam ang salitang ‘ingat’, e. Wala ako sa mood makipag-away kanina. I just saved her.’ ’Yan ang first entry at maikli lang. I think it's kinda... hmm... sweet, perhaps? Nakaramdam ako ng antok kaya minabuti kong matulog na. Sa susunod ko na lang ulit babasahin ang mga ’to. Kinabukasan ay sabay kaming nag-breakfast ni daddy. "Don't do it again, Elaine! You know that I'm into politics. We'll never know what my rivals in politics can do!" he scolded me. Hindi na lang ako sumagot at nagpatuloy na lang sa pagkain. Ayokong makipagsagutan pa kay daddy dahil hahaba lang ang usapan. At wala akong planong magpaliwanag. It's just a waste of time. And energy as well. "Good morning po, Tito." Dumating si Clyde. Very good, you're on the right time. "Good morning din, hijo. Join us for breakfast," alok ni daddy at umambang uupo si Clyde. "Sure po—" "No, dad. We're going now..." awat ko kay Clyde. "Ha? E pero—" Sinamaan ko siya ng tingin kaya wala na itong nagawa pa. "Next time na lang po siguro, Tito. Late na po pala kami," ani Clyde. "Okay, then. You kids take care." Nagpaalam na kami. Todo sunod naman ang mga bodyguards ko sa kotse ni Clyde. Takot na yata silang matakasan. Noon kasing nagdadala pa ako ng kotse, hobby ko na ang takasan sila. Ayokong may kasamang iba sa loob ng kotse na hindi ko ka-close kaya hindi ako nagpapa-drive sa kanila. "I've heard what happened to you last night. Gusto mo bang balikan sila at—" "No need." I really want them pay for scaring the s**t out me. Pero mas mabuti kung hindi na ako babalik doon. Ayoko ring dungisan ang pangalan ng daddy. Tumango-tango na lang siya. Sabay na kaming pumasok ni Clyde sa classroom. Himala, ang tahimik yata ng mga classmate namin? Nakakapanibago. Dumiretso na lang kami ni Clyde sa upuan namin. "Hi, Clyde!" bati ng isang babaeng classmate namin. "Hello, dear." Dear? You sounded lika an arabo, Clyde. Halata namang kinilig ang babae. Ganyan talaga si Clyde, friendly. At the same time, bolero. "Clyde, I retweeted your tweet," another girl said. "Which one?" "That ‘I'm planning for my confession, the sooner the better.’. Who's the lucky chic?" Natigilan si Clyde at hindi agad nakasagot. For sure na isa lang ’yon sa mga babae niya. May pagkababaero ’yang si Clyde. His face and his position in the basketball team are his tickets. Napalingon kami kay Spencer nang marinig ang ingay ng pagsipa niya sa upuan. Tiningnan niya ang isa naming classmate na nasa bandang unahan. "Ang sama mong makatingin, ah?" May bahid ng pagbabanta sa tono niya. Tumayo si Spencer at nilapitan ang lalaki. Hinila niya ito sa kuwelyo dahilan para mapatayo ito. Agad-agad ay sinuntok niya ang lalaki at mabilis itong bumagsak. It didn't content him at hinila niya ulit ito patayo para muling suntukin. Naaawa na ako sa lalaking sinasaktan niya kaya kinuha ko ang notebook ni Clyde na nakapatong sa desk niya. Nang akmang susuntukin niya ulit ito ay binato ko ang notebook sa kanya. And shoot! I hit him on his face. Pero napalunok ako nang bigla siyang tumingin nang masama rito sa pinanggalingan ng notebook. "Sinong nambato?" galit na galit niyang tanong. Walang nakasagot dahil na rin siguro sa takot. Bigla niyang tiningnan ang notebook at hinanap ang pangalan ng may-ari. Fudge! Galit siyang tumingin kay Clyde. "What the heck is your problem?" he shouted. Tahimik lang si Clyde at halatang walang pakialam. Naalarma ako nang akmang ibabato niya kay Clyde ang notebook. Pero bago pa man matamaan si Clyde ay tumayo na ako at iniharang ang sarili ko. Natamaan ako sa noo. And it freakin' hurts. Masakit kasi sobra pang bumuwelo si Spencer sa pagbato niya sana kay Clyde. "Dammit, does it hurt?" Napamulat ako nang marinig ang boses ni Spencer. Sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko. Parang may pag-aalala sa mukha niya. Hawak-hawak pa niya ang noo ko. Ang bilis naman nitong makarating dito? "I'm fine." Tinabig ko ang kamay niyang nakahawak sa aking noo. Biglang may humila sa braso ko kaya napalayo ako kay Spencer. Tiningnan ni Clyde ang noo kong kanina lang ay si Spencer ang tumitingin. "It's bleeding," he utters. Yeah, alam kong medyo dumugo siya dahil nagasgas ng spring ng notebook ang noo ko. Clyde wants to send to the clinic pero ang sabi ko ay huwag na. The sting is bearable. Habang nagkaklase ay napapansin ko ang madalas na pagtingin sa akin ni Spencer. Hindi ko na lang siya pinansin at kunwari ay nakikinig sa teacher.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD