Chapter 1
Elaine's POV
"Elaine, sabay na tayo!" Habol sa akin ni Clyde habang tumatakbo paakyat ng hagdan. Nang makalapit siya sa akin ay sabay kaming naglakad papuntang classroom.
He's my closest friend. Closest cause he's my only friend here in school—in my whole damn life, actually. No one tried to make friends with me. Mga na-i-intimidate daw?
Am I some kind of a superstar?
Isa lamang akong estudyante na walang alam kundi mag-ditch ng classes. I'm just Congressman Glodove's unica hija. The reigning Ms. San Beda College Alabang.
A 17-year old cheerleader of SBCA Senior Varsity Squad. Rank 2 in academics ranking.
Yes, sad to say, I'm just a Top 2. I have poor attendance record because of cutting classes. Now, is there something in me that they should be intimidated of?
"Ang aga mo yata, Elaine?" biro ni Clyde.
"None of your business," I said without looking at him.
On the second thought, much better na rin ’yong na-i-intimidate sila sa akin. Because I'm not good in terms of socializing. My mouth is a lazy ass that don't usually speak. Damn this most useless part of my body.
"None-of-your-business," sabi ni Clyde habang nagbibilang sa daliri. "Nice! Four words, improving." Ginulo pa niya ang buhok ko at tumawa nang malakas.
He is always like that. Kapag feeling niya mahaba ang sinabi ko, binibilang niya ’yong words. Weird, right? I know.
"Excited ka na ba sa bagong room natin?" tanong niya.
"Nope," is all I said.
"Bakit naman?" Nagkibit balikat na lang ako. Excited? Ano bang mayroon sa bagong room at dapat ma-excite? Nothing's special. Baliw ba ’tong si Clyde?
Pumasok na kami sa magiging room namin at dumiretso na sa upuan ko. Inilabas ko ang aking Rubik's cube. Maglalaro na lang ako nito. Ito lang ang libangan ko kapag nasa room since wala naman akong kakuwentuhan.
Inis kong nilapag ang Rubik's cube sa desk ko matapos ang ilang minutong pagtatangka na pag-aayos. Hindi ko talaga maayos-ayos ’yan. I mean, ang tagal ko nang nag-a-attempt pero wala pa rin. Hindi ko pa rin makuha ang technique.
May dumampot sa Rubik's. Pagtingin ko, si Spencer. Tinitigan niya nang mabuti ang Rubik's cube. Mayamaya lang ay inayos niya ito. Wala pa yatang isang minuto ay naayos na niya. I'm sure sinearch niya sa google ang technique.
Cheater! Wait—bakit niya pinakialaman ang gamit ko? Nilapag niya ang Rubik's cube sa desk ko. I saw him smirk bago maupo sa tabi ko. Kung may isang bagay na common sa amin, ’yon ay ang hilig sa pag-upo sa dulo.
Mas komportable ako rito, e. ’Yon ang reason ko kung bakit sa dulo ako laging umuupo. Ewan ko lang ’yong reason niya. Well, as if I care.
"Lahat ng bagay, ginagamitan ng utak," sabi niya at muling ngumisi.
Spencer Rongavilla, the top 1. I'm not bitter because I really don't care about the academic ranking. I just don't like him.
"Elaine, you want?" Nakalapit na pala sa akin si Clyde at may iniabot na chocolates. Umiling lang ako kaya naupo na lang siya sa tabi ko. Sa kaliwa ko si Spencer at sa kanan ko naman si Clyde. Tumingin siya sa akin at ngumiti. "Dito na lang ako uupo, Elaine ha?" paalam ni Clyde at tumango lang ako. Pag-aari ko ba ’yan para magpaalam pa siya sa akin?
Dumating ang class adviser namin at nagpakilala.
"Miss Angeles, pay attention, please," sabi ng guro na hindi ko napakinggan ang pangalan dahil sa bintana ako nakatingin. Humarap ako sa kanya at kunyari'y nakinig sa mga walang kuwentang pinagsasabi niya.
Nang mag-breaktime ay sabay kaming lumabas ni Clyde papuntang cafeteria.
"Ano kayang mayro’n?" biglang tanong ni Clyde. Nakatingin siya sa labas ng caf at kita sa bintana ang kumpulan ng mga estudyante.
"Pst..." tawag ni Clyde sa lalaking nakasilip sa bintana. Naturingang lalaki, tsimoso. Nakikipagtulakan pa sa babae para lang makasilip. Tumingin ang tsismosong lalaki sa table namin.
"Anong mayro’n?" tanong ni Clyde. Napailing ako. Akala ko pa naman sasawayin niya ’yong lalaki, tapos makikitsismis lang din pala ’tong si Clyde.
"Si Spencer, nakikipagsuntukan." Tumango-tango na lang si Clyde. What's new? He's a gangster. Magtakha ka kung lumipas ang isang araw na wala siyang nakakasuntukan.
Pagtapos naming kumain ni Clyde ay naglakad na kami pabalik ng classroom. Habang naglalakad kami sa hallway ay nakasalubong namin si Spencer.
Halata ngang galing siya sa away. May pasa sa mukha, e. He looks at me, them to Clyde. Problema nito? Bakit ang sama makatingin?
"Tabi nga! Dagdag lang kayo sa init ng ulo ko, e!" sabi niya at binangga pa si Clyde bago maglakad palayo. Susundan pa sana siya ni Clyde pero hinawakan ko na siya sa braso.
"Hayaan mo na." Kumalma naman siya at nag-ayos na lang ng uniform. Bakit ba ang hilig ng mga lalaki sa away? Buti na lang at hindi ako naging lalaki.
"May practice ba kayo mamaya?" tanong niya pagkaupo namin.
"Yeah."
"Sabay na tayo. May practice game din naman kami, e."
"’Kay!" Clyde is the team captain of our school's basketball team.
Nang dismissal ay sabay kaming pumunta ng gymnasium.
"Let's start?" I said to my squad.
"Elaine, wala pa si Ashley," Carla informs me. I roll my eyes mentally. She couldn't be more unprofessional.
"OMG, girls, sorry I'm late!" sabi ni Ashley at inilapag ang bag sa floor. Pinag-formation na kami ng choreo namin. Pero bago ’yon, may in-explain si Ate Mae, our choreographer.
"Sa bandang gitna, may mga flyers na magiging lifters dahil ang mga lalaki ay sasayaw while doing some stunts," sabi ni Ate Mae.
"Then who will be the flyers? And who will the lifters?" tanong ni Shine.
"I'm still a flyer, no doubt," mayabang na sabi ni Ashley.
"No, Ash, isa lang ang flyer and that will be Elaine."
"What? Kung hindi ako magpa-flyer, dancer na lang," pagpupumilit ni Ashley.
"No, Ashley, may formation na, e. Kayo kasi nina Elaine at Nicole ang main flyers, so since si Elaine lang ang bubuhatin, kayo ni Nicole ang magli-lifters," paliwanag ni Ate Mae. Hindi makapaniwala si Ashley. What's wrong with being a lifter?
"But—"
"Ashley, puwede ka namang mag-spotter kung gusto mo. Just make sure na masasalo mo si Elaine if ever na magkaproblema."
"No, I'm good of being a lifter," Ashley gave up.
"Okay, then. It's settled, let's start." We started the rehearsals.
Nang nasa part na kami kung saan bubuhatin ako nina Ashley at Nicole, bigla akong nawala sa balanse. I know na tinabig ni Ashley ang pagkakahawak niya sa paa ko. Alam ko ’yon dahil naramdaman ko.
At naramdaman kong babagsak ako kaya napapikit na lamang ako.
— Spencer —
Napadaan ako sa gymnasium dahil yayayain kong mag-dota si Luke, ’yong best friend kong varsity player. May practice kasi sila ngayon. Pagpasok ko, napansin ko agad si Clyde. I can't help but smirk.
Katatapos lang yata nila mag-practice. Sinundan ko kung ano tinitingnan niya. It's Elaine. Malayo siya kina Elaine na kasalukuyang nagpa-practice ng cheer dance.
Napapansin kong napapangiti siya sa pagtanaw niya lang kay Elaine—which annoys me a lot. Pinanood ko na lang din si Elaine na sumayaw. Hindi ko namalayan ang pagtabi sa akin ni Luke.
"Matunaw, pre," biro niya
"Tss..."
"Ayaw mo pa kasing ligawan, e?" patuloy niyang kantiyaw pero hindi ko siya nililingon.
"Why should I? I don't like her." Natawa siya sa naging sagot ko.
"Really, huh? Is that your final answer?" I think Luke doesn't have plan to leave me alone. Sick bastard.
"Yeah, I don't like her," I said, bored.
"That's good. Now, I can court her." Napatingin ako sa kanya at nakitang seryoso siya.
"Y-you like her?"
"Sino ba namang hindi magkakagus—" Napatingin ako sa puwesto nina Elaine at nahagip ng mata ko si Ashley. Sa hitsura niya ay alam kong may binabalak siya.
Nang makuha ko kung anong gagawin niya, tumakbo agad ako palapit sa kinaroroonan nila. At hindi nga ako nagkamali. Ginalaw ni Ashely ang kamay niyang nakahawak sa mga paa ni Elaine. Na-out of balance siya at nalaglag.
Mabuti na lamang at naging mabilis ako. Nasalo ko siya. Dinungaw ko si Elaine at nakapikit lang ito. She really thought she's going to fall. Nang magmulat siya ay nagtama ang aming mga mata. Mabilis siyang bumaba mula sa mga bisig ko at nag-ayos ng sarili.
"Elaine, what happened?" Lumapit sa amin ang kanilang choreo na halatang nag-aalala.
"Just off my balance."
What? Hindi ba niya naramdaman ’yong ginawa ni Ashley?
"Are you now okay?"
"Yeah."
"Good. Okay, guys, that's all for now!" Nagsimula nang mag-ayos ang mga kasamahan niya.
I grab her wrist and drag her.
"Hoy, saan mo ’ko dadalhin?" tanong nito.
"Elaine!" tawag sa kanya ni Clyde. Hindi ko inihinto si Elaine at isinama ko siyang lumabas ng gymnasium.
"Hoy, saan mo ba ’ko dadalhin?" ulit niyang tanong. Hindi ko siya pinapansin at patuloy lang ako sa pagkaladkad sa kanya.
Teka! Saan ko nga ba dadalhin ang babaeng ’to? And why am I even dragging her? Nakarating kami sa garden. Wala, e! Dito ako dinala ng mga paa ko. Tumigil ako sa paglalakad kaya nauntog ang ulo niya sa likod ko.
Humarap ako sa kanya at ngayon ko lang na-realize na sobrang sama ng tingin niya sa akin.
"What are we doin' here?" she asks in a very bratly manners.
"Hindi ka nawalan ng balanse kanina. Iginalaw ni—"
"I know."
"E, bakit hindi mo—"
"Ayoko ng gulo." Kailan ba ako nito patatapusin sa mga sasabihin ko? "Can I go now?" inip niyang tanog.
"Yea, leave." I shooed her. She really hates me. Nagsimula na siyang maglakad palayo.