Chapter 1: The Rules We Follow
Rinig na rinig sa loob ng classroom ang tunog ng marker na isinusulat sa whiteboard, habang dahan-dahang naglalakad ang guro sa harap ng klase. Pero bigla siyang napatigil nang marinig ang mahinang tawanan mula sa likod ng silid.
Napahigpit ang hawak niya sa marker.
“Kayo diyan, manahimik kayo!” sigaw ni Teacher Anan.
“Opo, teacher,” sagot ni Kai, nakangiti pa rin, pero halatang hindi seryoso. May binubulong siya sa katabi niya kaya lalo pang nagkakagulo ang maliit na grupo sa likod.
Kumunot ang noo ni Teacher Anan.
“Kayong apat… hindi ba kayo magseseryoso? Paano kayo makakausad ng section niyan kung hindi niyo seseryosuhin ang pag-aaral niyo?”
Sandaling natahimik ang klase.
Ngumiti si Poom, bahagyang nakasandal sa upuan na parang wala lang nangyayari.
“Hindi naman po namin kailangan umusad, ma’am. Basta makapasa okay na ‘yun.”
“Kaya nga ma’am,” dagdag ng isa, sabay tawa ulit na sinubukang pigilan pero hindi kinaya.
Huminga nang malalim si Teacher Anan, halatang sanay na sa ganitong klase ng sagot.
“Ganyan kayo kaya kayo nananatili sa Fire Class.”
Sandaling natahimik ang buong silid.
Hindi agad sumagot si Kai.
Ngunit sa likod ng kanyang ngiti, may bahagyang paggalaw sa kanyang mata. Parang narinig niya yung salitang masyadong sanay na siya, pero hindi pa rin sanay masaktan.
Sa labas ng classroom, sa kabilang building, ibang klase ang katahimikan.
Sa Wind Class, maayos ang upo ng mga estudyante. Walang tawa na hindi kailangan. Walang galaw na walang dahilan.
At sa gitna ng katahimikan na iyon, may isang estudyanteng nakatingin lang sa whiteboard, tahimik, kontrolado, parang laging may iniisip na mas malayo pa sa classroom na kinatatayuan niya.
Parang may mundo siyang sinusundan na hindi kayang abutin ng iba.
“Thorn, may gagawin ka ba mamaya? Punta tayo don sa resto na kinaguguluhan ngayon,” aya ni Parin habang nakangisi, halatang excited na naman sa kung anong kalokohan.
Tumingin si Thorn sa kanya, diretso at malamig, parang sinusukat kung worth ba sagutin.
“Ayoko,” maikli niyang sagot.
Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa. Kinuha niya ang bag niya at tumalikod na agad.
“Haay, sabi na nga ba eh,” sagot ni Parin, pero imbis na tumigil, lalo pa itong ngumiti. “Boys,” tawag nito sa dalawa pang kasama.
Bago pa makareact si Thorn, bigla siyang binuhat ni Parin na parang wala lang parang kasing gaan lang siya ng isang sako ng bigas.
“Shit..bitawan niyo ako!” piglas ni Thorn, pero mas humigpit lang ang hawak sa kanya ng tatlo.
“Parin, buwisit ka,” malamig niyang sabi, pero halatang wala rin siyang magagawa.
Palabas na sana sila ng pinto nang biglang—
“Bitawan niyo siya.”
Malamig.
Kontrolado.
Seryoso.
Parang biglang bumigat ang hangin sa buong classroom.
Huminto silang lahat at dahan-dahan nilang ibinaba si Thorn.
“Class Pres…” mahinang sambit ni Parin.
Tahimik si Min at Dan, biglang nawala ang kaninang kalokohan.
Nasa harap nila si Ton, nakatayo nang maayos, diretso ang tingin, walang bakas ng biro.
“Hindi niyo kailangang buhatin si Thorn na parang laruan,” malamig niyang sabi.
Sandaling natahimik ang lahat.
Pero si Thorn… hindi umimik agad.
“Hindi mo na sila kailangang pagsabihan, Ton,” sabi niya sa mababang boses.
Nagkatinginan silang dalawa.
“Bakit hindi?” sagot ni Ton, kalmado pero matigas. “Ikaw ang Ace ng section natin. The highest class in this school.”
“Walang masama kung protektahan kita bilang Class Leader.”
Sandaling katahimikan, parang lahat ng ingay sa paligid, nawala.
Tumingin si Thorn sa kanya, matalim pero hindi galit…mas parang pagod.
“Hindi ko kailangan ng proteksyon.”
Saglit na nanatiling tahimik si Ton.
Pero hindi siya umatras.
“Hindi ko sinasabing kailangan mo, ginagawa ko kasi responsibilidad ko.”
Saglit na katahimikan.
Si Parin, si Min, at si Dan, lahat parang hindi alam kung dapat pa ba silang tumawa o tumahimik na lang.
“Ang OA mo talaga,” mahinang sabi ni Thorn, sabay talikod.
Pero bago pa siya makalayo—
“Mga Wind Class talaga…” biglang singit ng isang estudyanteng dumaan sa may pinto, may halong pang-iinsulto at tawa.
Sandaling napalingon ang lahat.
Dalawang estudyante mula sa Earth Class ang nakatayo sa may hallway, naka-cross arms, nanonood lang sa kanila na parang aliw na aliw.
Sa gitna nila, isang lalaki ang bahagyang nakaangat ang tingin.
Hindi siya nakangiti at hindi rin siya tumatawa. Pero ramdam mo agad na siya yung klase ng tao na hindi kailangan magtaas ng boses para manakot.
“Ang Wind Class talaga,” ulit niya, mabagal. “Ganyan ba kayo ka-bored kaya pati sariling leader niyo parang ayaw niyong respetuhin?”
Tahimik ang paligid, parang biglang lumiit ang espasyo ng hallway.
Si Parin, biglang natahimik.
Si Min, napaatras ng kaunti.
Si Dan, umiwas ng tingin.
Si Ton, unti-unting tumigas ang ekspresyon.
Pero si Thorn… hindi agad gumalaw.
Diretso niyang tiningnan ang lalaki mula sa Earth Class.
“Anong problema mo?” malamig niyang tanong.
Sandaling katahimikan.
Ngumiti ng kaunti ang lalaki…hindi friendly, hindi rin galit.
Parang… curious.
“Wala,” sagot niya. “Nakakatuwa lang.”
Tumingin siya sa grupo nila, isa-isa. “Kung ganyan ang Wind Class… paano pa kaya ang ibang section?”
Sandaling huminto ang tingin niya kay Thorn.
Matagal.
Parang may iniisip siyang hindi niya sinasabi.
Tapos tumalikod siya. “Let’s go.” at umalis na siya, kasabay ang dalawang kasama niya.
Pero kahit nakaalis na sila ay hindi nawala yung bigat sa hangin. Si Thorn ang unang kumilos.
“Earth Class…” mahinang sambit ni Parin, parang ngayon lang niya narealize kung gaano kalamig yung presensya kanina.
Si Ton, nakatingin pa rin sa hallway kung saan nawala ang tatlo.
“…Krittin Ratchanon,” mahina niyang sabi.
Napatingin si Thorn sa kanya.
“Kilala mo?”
Hindi sumagot agad si Ton.
“…transfer student, Rank B.” sagot nito. “Pero sabi nila—” tumigil siya sandali, parang ayaw niyang ituloy. “—wala siyang pakialam sa rules kung gusto niyang manalo.”
Sandaling katahimikan.
Si Thorn, bahagyang kumunot ang noo. “Anong ibig mong sabihin?”
Hindi sumagot si Ton agad, pero yung tingin niya sa hallway parang alam niyang hindi lang simpleng bagong estudyante yung dumaan kanina.
“Wala pa,” mahinang sabi niya. “Pero sa mga taong ganyan…lagi silang may hinihintay na gulo.”
Hindi na lang pinansin ni Thorn ang mga sinabi ng kanyang mga kasama, agad siyang tumalikod at umalis na silid.
Nakalabas na siya sa kanilang building na may hawak hawak na libro, Wala siyang pakialam sa nadadaanan niya, at hindi na rin siya tumitingin sa daan. Habang naglalakad siya, nagulat na lamang siya nang biglang may kumuha ng libro na hawak niya.
Hindi ito tumakbo, at nakatayo lamang ito sa harap ni Thorn. Tumingin sa Thorn sa kanya at nakita niya ang mala-anghel na mukha ng Isang babae na nakangiti sa kanya.
“Tingin-tingin ka rin sa dinaraanan mo,” babala ni Nicha sa kanya ngunit nakangiti pa rin ito.
“Nicha…,” napabuntong-hininga siya, “Ibalik mo na ‘yan.”
“Tsk! Sungit,” asar na sabi nito, “Oh, wala ka ng ibang ginawa kundi magbasa?”
“Narerelax ang utak ko kapag nagbabasa ako,” sagot naman nito, napanguso na lang si Nicha kahit alam niya na ang isasagot nito.
Bilang matalik na kaibigan ni Thorn, alam na ni Nicha ang bawat kilos at kung paano ito mag-isip. Magkaibigan na sila simula pa ng mga bata sila, ina-admit niya sa sarili niya na hindi niya kayang abutin Ang kung anuman ang meron ngayon si Thorn, pero isa lang ang masisiguro niya…na kailaman na magiging tapat ito at magiging mabuting kaibigan sa kanya.
Ngumiti si Nicha, “Napaka-isolated mo talagang tao, walang magkakagusto sayo niyan sige ka.”
Tumingin naman si Thorn sa kanya, “Hindi ako interesado sa mga ganyan, magiging sagabal lang yan sa pag-aaral ko.”
“Susss, yan din sabi ng kaibigan ko, ending may girlfriend na siya Ngayon.”
“Tsk,” agad na itinuon ulit ni Thorn Ang tingin Niya sa libro. Hindi Niya na pinasin si Nicha at nagsimula ulti maglakad, ngunit sa unang hakbang Niya ay Hindi agad Niya Nakita Ang taong nasa harap Niya.
Nagkabunggo sila, nabitawan ni Thorn Ang libro at bumagsak ito sa lupa.
“Ayan na nga ba sinasabi ko eh,” natatawang sabi ni Nicha.
Nakatingin lang si Thorn sa libro niyang nakabalandra na lang sa lupa, kukunin na Niya sana ito nang biglang nagsalita Ang taong nasa harap Niya.
“Sorry,” saad nito, nakatingin pa rin si Thorn sa libro. Agad kinuha ng taong nasa harap Niya Ang libro, agad na tumingin si Thorn sa taong nasa harap Niya ngayon, “Eto oh, libro mo.”
Hindi agad umimik si Thorn, isang lalake Ang nakikita Niya ngayon sa harapan Niya. Mas matangkad siya laysa rito at higit sa lahat Wala siyang pakialam.
“Hello,” masiglang bati ni Nicha. “Pasensya ka na sa kaibigan ko hindi Kasi tumitingin sa dinaraanan eh,” nakangiting sabi nito.
“Ayos lang,” ibinigay niya na ang libro at si Nicha na ang kumuha nito, wala namang imik si Thorn.
“Sorry talaga ah. By the way, I'm Nicha nga pala…nice to meet you.”
“Nice to meet you, I'm Kai.”
“Wow, nice name.” puri ni Nicha sa kanya.
Napangiti naman si Kai sa sinabi nito. “Talaga ba,” namumula pisngi ni Kai sa hiya
“Anong class ka galing?” Tanong naman ni Nicha, hindi agad sumagot si Kai. “May problema ba?”
“Wala naman…also, galing ako sa fire class,” sagot nito.
“Last section huh,” mahinang sabi ni Thorn ngunit sapat na para marinig ni Nicha at Kai.
Hindi natuwa si Kai sa narinig mula rito, “Bakit? May problema ka ba sa Fire Class?”
Agad na siniko ni Nicha si Thorn, “Pagpasensyahan mo na si Thorn, ganiyan talaga ‘yan,” masama pa rin Ang tingin ni Kai Kay Thorn. “By the way, galing naman ako sa Water Class. I am the Water Class Leader.”
Agad na nagulat si Kai sa narinig, “Ikaw ang leader ng water class?” tanong nito, nakangiting tumango si Nicha sa kanya. “Happy to meet you, ang aanda mo pala sa personal” masiglang sabi ni Kai, hindi siya makapaniwala na nasa harapan niya na ngayon Ang leader ng Water Class. Usapan-usapan Niya lang Kasi naririnig Ang patungkol sa kanya.
“Naku, wala lang yun. Maliit na Bagay,” nakangiting sabi ni Nicha.
Samantala, si Thorn na nakatingin lang sa kanilang dalawa. Hindi niya alam kung ano ang purpose niya sa usapan ng dalawang nasa harap niya ngayon, ngayon lang nagkakilala ang dalawa pero parang 10 years ng magkaibigan.
“Sinasayang niyo ang oras ko, tumabi na kayo diyan,” malamig na sabi ni Thorn, napakunot naman ng noo si Kai.
“Ang lawak lawak ng daan…tsaka sino bang may sabi na pakinggan mo usapan namin.”
Agad na nakialam si Nicha at hinawakan si Kai sa balikar, “Hayaan mo na siya,” saad nito. “Ipapakilala na lang kita sa mga kaibigan kong galing sa water class.”
“Huh?” tarantang tanong ni Kai, nawala bigla ang inis Niya Kay Thorn. Agad na hinawakan ni Nicha Ang kamay ni Kai at tumakbo kasama ito.
Napabuntong-hininga na lamang si Thorn at pinanood si Kai at Nicha na tumatakbo palayo sa kanya, nakatitig siya kay Kai. May Isang Bahay siyang Hindi Niya maintindihan.
Samantala, namamawis na si kaba si Kai dahil nasa harap Niya na Ang tatlo pang kaibigan ni Nicha na galing sa Water Class.
“N-Nice to meet you,” nauutal na sabi ni Kai.
“Wag kang kabahan sa ‘min, Hindi ka naman namin kakainin,” natatawang sabi ng lalakeng si Lee na galing rin si Water Class.
“Saang class siya galing, Nicha?” tanong naman ng babaeng si Cha, agad namang nanginig si Kai sa narinig.
Alam niyang Fire Class, ang pinakamababang section sa school nila. Hindi niya alam Ang gagawin sa Oras na Malaman nila na galing siya sa lowest section, gusto Niya man ipaglaban, ngunit naunahan na siya ng takot at kaba.
Ngumiti naman si Nicha, “Galing siya sa Fire class…Ang astig noh, may kaibigan na tayo sa fire class,” masayang sambit ni Kai.
Naiintindihan ni Kai kung bakit walang kaibigan ang mga Fire section students sa iba pang classes, iyon ay dahil sila na mismo ang umiiwas. Ayaw nilang malait sila, Mukha man Silang matibay ngunit nandon pa rin Ang sakit sa tuwing nababanggit na last section Sila.
Nakita naman ni Cha, Lee, at Nicha Ang takot at kaba sa Mukha ni Kai.
“Wag kang mag-alala, Kai. Ayos lang sa amin na galing ka sa Fire Class, hindi ka namin iju-judge,” saad ni Lee sa kaniya, nakangiting tumango naman si Nicha patunay na sumasang-ayon siya.
“Ano ka ba, Kai. Happy happy lang tayo rito,” masiglang sabi ni Nicha sa kanya, napangiti naman si Kai.
Agad namang sumingit si Lin, “Basta…” napatingin silang lahat Kay Lin, “Umiwas ka na lang sa mga Earth Class Students.”
“Bakit naman?” tanong ni Kai.
“Balita ko kasi may bago silang student don…at pumapatay siya ng tao,” nagulat naman si Kai sa narinig. “Hindi pa naman napapatunayan iyon, pero mas mabuti na umiwas muna kayong mga Fire Section sa kanila.”
Hindi alam ni Kai kung ano ang nararamdaman niya.
Kaba, Takot, Inis.
Lalo’t ayaw niya ng g**o, na siyang nangyayari na ngayon sa loob ng classroom ng Earth Class.
“May reklamo ba kayo?” tanong ng lalakeng si Jom na may halong pagbabanta, napatahimik na lang ang mga kaklase niya.
Tumawa ng mahina si Krit. “Mabuti naman, dahil sa oras na tutol kayo ay lalabas kayo sa classroom na ‘to…ng duguan.” seryoso nitong sabi, kita sa mga mata nito ang pagbabanta, maging Ang ibang mga students ay Wala ring magawa.
“Simula ngayon, ako na ang inyong magiging class president.”