Kai's POV
Hapon na nang matapos ang huling klase namin, pero ang bigat sa hangin mula pa kanina ay tila sumusunod pa rin sa bawat hakbang ko palabas ng gate. Lumalamig na ang simoy ng hangin habang dahan-dahang nag-aagaw ang kulay orange at violet sa langit, isang tipikal na pagtatapos ng araw na madalas ay masarap lang sanang tambayan. habang naglalakad pauwi. Pero iba ngayon. Kahit tapos na ang klase, parang may kung anong nakabitin pa rin sa ere na hindi ko maipaliwanag.
'Feeling ko talaga magiging target tayo ng Earth Class sa mismong inter-Class Competition, basag ni Poom sa katahimikan habang pababa kami sa overpass. Todo bitbit siya ng bag niya gamit ang dalawang kamay na parang ginagawa niyang pansalag sa kung ano, habang panay ang lingon sa likod na parang may spy na sumusunod sa amin. "I mean, narinig mo naman yung sinabi ni Tawan kanina, 'di ba? Sobrang seryoso ng mukha ng presidente natin. mukha siyang handang pumatay ng tao para lang maprotektahan ang Fire Class. Tapos idadagdag mo pa yung tsismis tungkol kay Krit? Bro, natatakot ako na baka isang araw ay bigla na lang akong i-comer ng mga yon sa banyo habang mag-isa akong umiihi."
+
Napa-irap si Achi, hindi man lang nag-atubiling bagalan ang paglalakad niya pera sabayan ang pag-eemote ni Poom. Hinila niya lang ang strap ng backpack niya at hinarap si Poom gamit ang pinaka-walang buhay niyang mukha.
"Hindi pre. Feeling mo lang importante ka" patay-malisyang sagot ni Achi. Ang dry ng boses niya, 'yung tipong sapat na para sunugin ang natitirang self-esteem ni Poom. "Sa tingin mo ba sasayangin ni Krit 'yung oras niya para i-corner ang isang tulad mong umiiyak sa isang maliit na pasa? Gago, kung ako kay Krit, mas gaganahan pa akong i-flush yang ulo mo sa inodoro kaysa pagbantaan ka. At saka, hello? Target ng mga lider ang pinag-uusapan dito batay sa narinig ni Kai."
"Ang sama ng ugali mo, seryosol Nag-aalala lang naman ako para sa ating tatlol" reklamo ni Poom habang umaakto na parang nasasaktan ang puso niya. Tinuro niya ang sarili niyang dibdib nang paulit-ulit na may kasamang pa-pout na akala mo naman ay bagay sa maton niyang built.
Natawa ako nang mahina habang patuloy lang kami sa paglalakad. Ramdam ko pa rin naman ang kaba sa dibdib ko mula sa mga narinig ko kay Krit kanina sa banyo, pero kapag kasama ko talaga ang dalawang 'to, unti-unting nababawasan ang bigat. Sila yung tipo ng takbuhan ko kapag pakiramdam ko ay sasabog na ang utak ko sa dami ng iniisip
"Ewan ko sa inyong dalawa," sabi ko na lang habang sumisipsip sa natitirang yalo ng iced coffee ko. Pero seryoso, may punto naman si Achi. Ang isipin natin ay kung paano natin babantayan si Tawan at si Nicha nang hindi sila naghihinala. Mahirap na, baka isipin pa ng mga yon na nangingialam tayo sa trabaho nila."
"O, nakarinig ka rin ba ng matalinong sagot mula kay Kai?" asar na naman ni Achi kay Poom habang tinatapik ito sa balikat. "Kaya manahimik ka na riyan at bilisan mo ang lakad. Gutorn na ako, at ayokong maabutan ng dilim sa daan na kasama ang isang praning.
Nagpatuloy sila sa asaran habang ako naman ay tahimik na sumunod sa likod nila. Sa kabila ng mabigat na tensyon sa school, kahit paano ay nagawa pa rin naming magbiro. Pero deep inside, alam kong simula pa lang ito ng mas mahabang laban.
Pagkauwi ko sa bahay, agad na sumalubong sa akin ang pamilyar at tahimik na sobrang layo sa g**o at ingay ng school iba talaga ang pakiramdam kapag nakatapak ka na sa sarili mong teritoryo, parang biglang natatanggal ang armor na kailangan mong isuot buong araw para lang makasabay sa mga taga-ibang class. Inilapag ko ang aking sapatos sa tabi ng pinto at dahan-dahang pumasok sa sala.
Mula sa kusina, naririnig ko ang mahinang tunog ng sandok na tumatama sa kawali at ang mabangong amoy ng sinigang na niluluto ni Mama. Si Papa naman ay nakaupo sa paborito niyang single-seater na sofa malapit sa bintana, nakasuot ng kanyang reading glasses habang may hawak na lumang folder. Sa ibabaw ng maliit na table sa tapat niya ay may nakakalat na ilang piraso ng naninilaw na papel at isang lumang libro na parang yearbook.
"O. Kai andyan ka na pala, bati ni Papa nang hindi inaalis ang tingin sa hawak niyang papel. Pero dahan-dahan din niyang ibinaba ito nang mapansin niyang nakatitig ako sa mga lumang gamit na nakakalat sa harap niya. "Agad kang nakauwi ngayon, ah. Walang practice sa school?"
"Wala naman po, Pa. Sabi kasi ng president namin, mas mabuting umuwi nang maaga ngayon," sagot ko habang dahan-dahang lumalapit sa sofa. Ibinaba ko ang aking backpack sa sahig at umupo sa tapat niya. Hindi ko mapigilang mapatingin sa lumang yearbook na may kupas na gintong logo sa harap. "Ano po 'yang tinitignan niyo? Mukhang napaka-luma na niyan, ah."
Ngumiti nang bahagya si Papa, isang ngiting tila may kasamang kaunting panghihinayang at alaala. Hinaplos niya ang gilid ng naninilaw na pahina bago ito dahan-dahang isara.
"Wala naman, nag-aayos lang ako ng mga lumang dokumento sa cabinet kanina tapos nakita ko to. Mga alaala noong bata pa ako," sagot niya sa mababang boses.
Dahil sa kuryusidad at sa bigat ng mga nangyari nitong mga nakaraang araw, bigla kong naalala ang babala ni Tawan tungkol sa mga klase at ang kakaibang sistema ng eskwelahan namin na parang laging may invisible na pader sa pagitan ng bawat estudyante. Umayos ako ng upo at dahan-dahang sumandal sa mesa
"Pa., tungkol po sa school namin," panimula ko. medyo nag-aalangan kung dapat ko bang itanong. "May bago kasing estudyante sa Earth Class, si Krit ang pangalan. Sobrang g**o niya po, nagpapakalat ng takot, at kanina lang.. narinig ko siyang may pinaplano para sa inter-Class Competition. Sabi niya, gusto niyang pabagsakin ang mga lider ng bawat klase para magkagulo ang buong school. Sobrang higpit din po ng mga babala ni Tawan sa amin."
Napatigil si Papa sa pag-aayos ng mga papel. Ang dahan-dahan niyang paggalaw ay tuluyang huminto, at sa unang pagkakataon ay tumingin siya nang diretso sa aking mga mata. Ang kanyang ekspresyon ay naging seryoso, isang mukha na bihira ko lang makita sa kanya tuwing nag-uusap kami tungkol sa mga ordinaryong bagay..
"Talaga po bang ganoon katindi ang kompetisyon sa school na yan noon pa man?" tanong ko pa.
"Matagal na ang sistemang 'yan, Kal" seryosong sagot ni Papa. Ibinalik niya ang kanyang tingin sa lumang yearbook, at doon ko napansin ang bahagyang pag-igting ng panga niya.
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. Ramdam ko ang biglang pagbilis ng t***k ng puso ko sa gulat dahil kahit kailan ay hindi niya nabanggit sa akin ang detalyeng ito. "Talaga, Pa? Doon din kayo nag-aral?"
"Oo. Maraming taon na ang nakalipas, maikli niyang sagot, tila maingat sa bawat salitang ilalabas niya.
"Anong class po kayo noon?" mabilis kong tanong, hindi na napigilan ang sarili sa matinding kuryusidad. "Fire din po ba? O Wind?"
Natigilan si Papa. Ang katahimikan sa pagitan namin ay naging mas mahaba at mas mabigat kaysa sa karaniwan. Tanging ang tunog lang ng bentilador at ang mahinang gisa ni Mama sa kusina ang naririnig sa buong bahay. Parang may kung anong alaala na ayaw niyang gisingin, isang pinto ng nakaraan na matagal na niyang isinara at nilagyan ng kandado.
"Hindi na importante kung anong class ako, Kai," sa wakas ay sabi niya habang dahan-dahang inilalagay ang yearbook sa loob ng folder. "Ang mahalaga ay kung anong ginagawa mo ngayon sa loob ng eskwelahang 'yan." "Pero Pa-
"Hindi na magbabago ang school na 'yan" putol ni Papa sa akin gamit ang isang boses na hindi mo pwedeng baliwalain. May kakaibang lalim at babala sa kanyang mga salita na nagpatindig ng balahibo ko. "Akala niyo lang ay bago ang mga ganyang klase ng g**o, pero ang totoo, paulit-ulit lang yan. Ang mga tao roon, laging naghahanap ng paraan para patunayan kung sino ang mas mataas. At ang mga lider.. sila ang laging unang sumasabog kapag nagsimula na ang apoy."
Tumingin siya sa akin nang may halo ng pag-aalala at lungkot. "Darating ka rin doon, Kai. Sa oras na magsimula ang Inter-Class Competition, maiintindihan mo rin ang ibig kong sabihin."
"Anong ibig niyong sabihin na darating din ako roon? Pa, may alam ba kayo tungkol sa nangyayari ngayon?" pagpipilit ko, pilit na hinahanap ang kahit anong sagot mula sa kanyang mukha.
Pero umiling lang si Papa at tumayo na mula sa sofa, bitbit ang folder ng mga lumang papel, "Kumain ka na doon sa kusina. Nagluto ang Mama mo ng paborito mong sinigang. Huwag mo nang masyadong isipin ang mga sinabi ko. Basta ang bilin ko sa 'yo, mag-ingat ka."
Tinalikuran niya ako at naglakad patungo sa kanilang kwarto, iniwan akong mag-isa sa sala na puno ng mga tanong na walang sagot. Ang misteryo sa likod ng mga salita ni Papa ay mas lalong nagpabigat sa kaba na nararamdaman ko para sa darating na kompetisyon.
Pagpatak ng gabi, lalong naging mahirap para sa akin ang makatulog. Ang kwarto ko ay madilim, tanging ang mahinang liwanag mula sa bintana atnang dahan-dahang pag-ikot ng electric fan sa sulok ng kwarto ay lumilikha ng isang paulit-ulit na tunog na karaniwang nakakatulong sa akin para dalawin ng antok, pero ngayon, parang bawat ugong nito ay nagiging background noise lang sa nagkakagulong ingay sa loob ng utak ko
Ipinikit ko ang aking mga mata, pero agad ding bumalik sa paningin ko ang iba't ibang eksena.
Ang nakakatakot at puno ng galit na mukha ni Krit habang sinasabi ang mga katagang Take away the head, and everything falls apart' sa banyo. Ang seryoso at tila may itinatagong takot na mukha ni Tawan nang balaan ko siya. Ang babala ni Papa kanina na tila may malalim na koneksyon sa nakaraan ng eskwelahan. At higit sa lahat... ang malamig at kalmadong mga mata ni Thorn habang nakatayo sa harap ko sa park.
Bakit ba hindi ko matanggal sa isip ko ang taong 'yon?
Umalis ako sa pagkakahiga at pabalyang humarap sa kisame, inilagay ang kanang braso ko sa ibabaw ng aking mga mata habang bumubuntong-hininga nang malalim. Napaka-g**o ng lahat. Hindi ko maintindihan kung bakit parang ako lang ang masyadong apektado sa mga nangyayari, samantalang si Poom ay nagagawa pang magbiro at si Achi naman ay nananatiling kalmado. O baka naman natural lang talaga na kabahan ako dahil alam kong may malaking unos na paparating?
Hinarap ko ang side table ko at tiningnan ang digital clock.
1:07 AM.
Hindi na talaga ako makakatulog nito. Ramdam ko ang init sa aking likod at ang tuyong pakiramdam sa aking lalamunan na tila sumisigaw para sa isang malamig na inumin o kahit anong bagay na pwedeng makapagpatahimik sa nag-aalab kong isip.
Dahan-dahan akong bumangon mula sa kama, siniguradong hindi lilikha ng kahit anong ingay na pwedeng makagising kay Mama at Papa sa kabilang kwarto. Nagsuot ako ng isang maluwag na itim na hoodie sa ibabaw ng aking pajama at kinuha ang aking cellphone at wallet mula sa mesa. Lumabas ako ng kwarto nang dahan-dahan, parang isang magnanakaw sa sarili naming bahay, bago dahan-dahang pinalusot ang sarili ko sa pinto palabas ng gate
Ang hangin sa labas ay mas malamig kaysa sa karaniwan. Ang mga kalye ay halos walang katau-tao, tanging ang dilaw na liwanag mula sa mga poste ng ilaw ang nagbibigay ng gabay sa aking bawat hakbang. Sobrang kakaiba ng atmospera ng gabi kapag ganitong oras, walang maingay na sasakyan, walang nagmamadaling mga estudyante, at walang mga mapanghusgang tingin mula sa kahit kanino. Payapa. Isang bagay na matagal ko nang hindi nararamdaman mula nang magsimula ang kaguluhan sa pagitan ng mga klase.
Naglakad ako patungo sa malapit na convenience store sa dulo ng kanto, sinisipsip ang malamig na hangin habang pinapanood ko ang sarili kong hininga na dahan-dahang naglalaho sa dilim. Ito ang kailangan ko. Isang tahimik na oras para lang makahinga at pansamantalang kalimutan ang school.
Ang pamilyar na tunog ng convenience store ay sumalubong sa akin nang itulak ko ang pinto nito palabas ng lamig ng gabi. Sinalubong agad ako ng malamig na hangin sa loob at ng amoy ng bagong lutong siopao at manok. Maliwanag ang paligid, tila isang maliit na oasis sa gitna ng madilim at natutulog na komunidad.
Naglakad ako patungo sa refrigerator sa likod, binuksan ang salaming pinto at kumuha ng isang malamig na lata ng iced coffee. Pagkatapos ay dumaan ako sa aisle ng mga instant noodles at kumuha ng isang cup ng maanghang na ramen. Kailangan ko ng mainit na sabaw para kahit paano ay gisingin ang inaantok ko na ring katawan habang pinapakalma ang aking isip
Nang makabili na ako at matapos magbayad sa counter, pumunta ako sa direksyon ng mga mainit na tubig para ihanda ang aking ramen. Habang hinihintay kong maluto ang noodles, dahan-dahan kong inilibot ang aking paningin sa loob ng halos walang taong tindahan.
At doon. parang biglang huminto ang takbo ng mundo ko.
Sa pinaka-sulok na lamesa malapit sa malaking salamin na nakaharap sa labas, may isang taong nakaupo. Nakasuot siya ng isang simpleng grey hoodic, nakataas ang talukbong nito sa kanyang ulo, habang may hawak na maliit na tasa ng kape. Ang kanyang mukha ay bahagyang natatakpan ng anino ng hood, pero kahit hindi ko makita nang buo
ang kanyang mukha, kilalang-kilala ko ang tindig at ang hugis ng panga niya.
Si Thom
Napatigil ako sa paghawak sa tinidor ko. Parang biglang bumigat ang bawat hakbang ko habang nakatitig sa kanya. Sa dinami-rami ng tao sa mundo, at sa dinami-rami ng oras na pwede kong piliin para lumabas... bakit siya pa ang makakatagpo ko rito sa ganitong oras? At bakit dito pa sa malapit sa subdivision namin?
Tila naramdaman niya ang pagkakaroon ng tao sa kanyang paligid, dahan-dahang lumingon si Thorn sa direksyon ko. Nang magtagpo ang aming mga mata, nakita ko ang bahagyang paglaki ng kanyang mga mata sa guilat-isang bihirang ekspresyon mula sa isang taong laging mukhang walang pakialam sa mundo. Pero mabilis din niyang ibinalik ang kanyang malamig at kalmadong mukha, bago dahan-dahang ibaba ang kanyang tasa ng kape
Ikaw?" mahina kong sabi halos hindi lumabas ang boses ko sa lalamunan ko sa matinding gulat at awkwardness.
"Ikaw rin," sagot niya sa mababang boses na pamilyar na pamilyar sa akin.
Nanatili kaming nakatitig sa isa't isa nang ilang segundo na parang dalawang estatwa sa gitna ng convenience store Walang gustong unang gumalaw, at walang gustong unang magsalita pa. Sobrang awkward ng sitwasyon, 'yung tipong gusto ko na lang magpalamon sa sahig ng store para lang makatakas sa matinding tension na unti-unting namumuo sa pagitan naming dalawa.
Sa huli, wala sa aming dalawa ang umalis. Marahil ay dahil pareho naming naramdaman na kung bigla kaming tatalikod at aalis nang walang pasabi, mas lalo lang magiging weird ang lahat kapag nagkita kami sa school kinabukasan.
Dahan-dahan akong lumapit sa lamesa niya, bitbit ang aking mainit na ramen at ang lata ng iced coffee. Huminto ako sa tapat ng bakanteng silya sa harap niya, tinitingnan siya para humingi ng tahimik na pahintulot. Tumango lang nang bahagya si Thorn, inurong ang kanyang kape para bigyan ako ng espasyo.
Umupo ako sa tapat niya, ramdam ko ang init ng sabaw ng ramen na dahan-dahang umaakyat sa mukha ko, o baka naman dahil lang sa matinding kaba na nararamdaman ko habang katabi ang taong itinuturing naming karibal sa school
Nagsimula akong kumain nang tahimik. Ang tanging naririnig na lang sa pagitan namin ay ang mahinang higop ko ng sabaw at ang mahinang tunog ng pag-ikot ng sasakyan sa malayo sa labas ng bintana. Ang g**o. Kanina lang ay Iniisip ko siya, tapos ngayon ay kaharap ko na siya sa isang plastic na mesa sa tapat ng 7-Eleven.
"Hindi ka ba naiinis?" sa wakas ay tanong ko, binabasag ang katahimikan bago pa man ako tuluyang mabaliw sa sobrang tahimik
Lumingon sa akin si Thorn, dahan-dahang ibinababa ang kanyang tasa.
"Sa g**o," sagot ko habang pinaglalaruan ang noodles gamit ang tinidor. "Sa school. Sa mga bulung-bulungan, Sa katotohanan na halos bawat sulok na madaanan natin ngayon, may mga taong nakatingin at may mga kwentong hindi naman totoo na kumakalat tungkol sa atin."
Tumingin si Thorn sa akin nang matagal, tila sinusuri kung gaano kalalim ang inis na nararamdaman ko. Pagkatapos ay tumingin siya sa labas ng bintana, pinapanood ang madilim na kalye.
"Nakakapagod," simpleng sagot niya
Napakunot ang noo ko sa ikli ng sagot niya, pero ramdam ko ang katapatan sa boses niya. Wala doon ang mayabang na tono na madalas kong naririnig sa mga taga-Wind Class tuwing may competition. Ang boses niya ngayon ay parang boses lang ng isang ordinaryong estudyante na pagod na sa lahat ng stress ng high school
"Legit" dugtong ko habang sumisipsip sa kape ko. "Minsan nga, pakiramdam ko ay gusto na lang akong ilagay ni Tawan sa loob ng bubible wrap para lang hindi ako makagawa ng kahit anong bagay na makakasira sa reputasyon ng Fire Class. Sobrang higpit niya, kulang na lang ay bantayan niya pati ang paghinga ko."
Napatigil ako nang marinig ko ang isang napaka-mahinang tunog mula kay Thorn.
Nang lumingon ako sa kanya, nakita kong bahagyang nakabukas ang kanyang bibig at may maliit na tunog ng tawa ang lumabas doon. Hindi yung tawang nanunuya, kundi isang totoong tawa, maikli, mahina, pero sapat para mapatitig ako sa kanya nang hindi oras. Ang kanyang mga mata na karaniwang malamig ay bahagyang sumingkit sa saya
"Bakit?" tanong ko, medyo naramdaman ang pag-init ng aking mga pisngi
"Wala naman," sagot niya habang pinupunasan ang gilid ng kanyang labi. "Bagay sa 'yo yung bubble wrap."
"Gago, mabilis kong sabi pero hindi ko napigilang mapangiti rin nang bahagya sa biro niya. "Seryoso nga kasi. Sobrang nakaka-stress na minsan ang klase namin."
Umayos ng upo si Thorn at sumandal sa kanyang silya, itinabi ang kanyang dalawang kamay sa bulsa ng kanyang hoodie. "Ikaw pa lang ang nakikilala kong taga-Fire Class na nagrereklamo kay Tawan. Akala ko ay parang mga sundalo kayo na sunod-sunod lang sa kahit anong sabihin niya."
"Hindi naman kami ganoon lahat," depensa ko. "Respeto lang talaga ang mayroon kami sa kanya kasi alam naming ginagawa niya lang 'yon para sa amin. Pero ikaw? Paano si Ton? Mukha siyang mas madaling kausap kumpara kay Tawan.
Natahimik si Thorn nang banggitin ko ang pangalan ng kanilang presidente. May kakaibang lambot na dumaan sa kanyang mga mata, isang ekspresyon na nagpabago sa karaniwan niyang matigas na aura.
"Pareho lang," sagot niya.
"Talaga?" takang tanong ko. "Mas malala?"
"Mas malala," tumango si Thorn nang bahagya. "Si Ton... mukha lang siyang kalmado at palakaibigan sa harap ng iba. pero kapag sa loob na ng klase, sobrang higpit niya rin. At higit sa lahat.." huminto siya sandali tila nag-aalangan kung dapat ba niyang sabihin ito sa akin. masyadong protective. Parang kuya ko na rin."
Nanlaki ang mga mata ko sa huling sinabi niya. "Parang kuya?"
"Oo" mahinang sabi ni Thorn, dahan-dahang tumitingin sa akin. "Mula noong pumasok kami sa school na 'to, siya na ang laging tumatayong tagapagtanggol namin kapag may g**o. Kaya kung anong higpit ni Tawan sa inyo, ganoon din si Ton sa amin. Ayaw niyang may nasasaktan sa amin kaya minsan ay nakakasakal na rin ang mga patakaran niya." Napatitig ako kay Thorn habang ipinagpapatuloy niya ang pagsasalita tungkol kay Ton at sa Wind Class. Sa pagkakataong ito, hindi ko na siya nakikita bilang ang "Thom ng Wind Class" na kailangan naming talunin sa bawat kompetisyon. Hindi ko na rin siya nakikita bilang ang taong sumagip sa amin sa park para lang magyabang. Nakikita ko siya bilang si Thorn. Isang tao na may sarili ring takot, may sarili ring bigat na dinadala, at naghahanap din ng kaunting kalayaan mula sa nakakapagod na sistema ng aming paaralan.
"Hindi ko akalain na maririnig ko 'to mula sa 'yo," bulong ko habang dahan-dahang ibinababa ang aking tinidor sa loob ng walang laman nang cup ng ramen.
"Ang alin?" tanong niya.
"Ang mga bagay na 'to," sagot ko habang nakatitig sa kanya. "Sa school kasi.. mukha kayong mga perpektong tao na walang kahit anong problema. Laging disiplinado, laging nangunguna. Pero ngayon... parang normal ka lang pala." Natigilan si Thorn sa sinabi ko. Ang kanyang mga mata ay lumalim habang nakatitig sa akin, tila may kung anong bahagi ng kanyang sarili ang nagulat sa aking mga obserbasyon. Pagkatapos ng ilang segundong katahimikan. dahan-dahan siyang sumandal muli at tumingin sa labas.
"Dahil sa labas ng school, hindi naman talaga tayo Fire at Wind, simpleng sagot niya isang sagot na tumama nang diretso sa puso ko.
Ang mga salitang binitawan ni Thorn ay nag-iwan ng malalim na marka sa akin habang dahan-dahan norming tinatapos ang aming mga inumin. Ang pakiramdam na walang invisible na pader na nakaharang sa pagitan naming dalawa ay sobrang nakakapanibago. Walang kumpetisyon, walang kailangang patunayan, at walang class pride na kailangang bitbitin.
Para kaming dalawang ordinaryong tao lang na nagkataong nagkita sa ilalim ng madilim na langit sa gitna ng walang laman nang cup ng ramen.
"Ang allin?" tanong niya.
"Ang mga bagay na 'to," sagot ko habang nakatitig sa kanya. "Sa school kasi.. mukha kayong mga perpektong tao na walang kahit anong problema. Laging disiplinado, laging nangunguna. Pero ngayon parang normal ka lang pala."
Natigilan si Thorn sa sinabi ko. Ang kanyang mga mata ay lumalim habang nakatitig sa akin, tila may kung anong bahagi ng kanyang sarili ang nagulat sa aking mga obserbasyon. Pagkatapos ng ilang segundong katahimikan. dahan-dahan siyang sumandal muli at tumingin sa labas
"Dahil sa labas ng school, hindi naman talaga tayo Fire at Wind, simpleng sagot niya, isang sagot na tumama nang diretso sa puso ko.
Ang mga salitang binitawan ni Thorn ay nag-iwan ng malalim na marka sa akin habang dahan-dahan naming tinatapos ang aming mga inumin. Ang pakiramdam na walang invisible na pader na nakaharang sa pagitan naming dalawa ay sobrang nakakapanibago. Walang kumpetisyon, walang kailangang patunayan, at walang class pride na kailangang bitbitin.
Para kaming dalawang ordinaryong tao lang na nagkataong nagkita sa ilalim ng madilim na langit sa gitna ng gabi.
Nang matapos kami, sabay kaming lumabas ng convenience store. Sa aming pag-alis, ay sinalubong kami ng malamig na hangin ng gabi na ngayon ay parang hindi na ganoon kalamig kumpara kanina bago ko siya makasama sa loob.
"Saan ang daan mo?" tanong ko habang inaayos ang pagkakasabit ng bag ko sa aking balikat.
Tinuro ni Thorn ang direksyon patungo sa kanang bahagi ng kalsada, ang parehong direksyon kung saan matatagpuan ang aming subdivision.
"Doon din ako," sabi ko, medyo nagugulat pa rin sa katotohanan na magkalapit lang pala ang mga tinitirhan namin.
Nagsimula kaming maglakad nang sabay. Hindi yung lakad na nagmamadali kundi isang mabagal at payapang hakbang na tila pareho naming gustong patagalin ang oras na ito. Ang pag-uusap namin habang naglalakad ay naging mas magaan at mas natural Nagsimula kaming mag-usap tungkol sa mga random na bagay, tungkol sa mga paborito naming subject, tungkol sa kung gaano kahirap ang mga pagsusulit sa school, at tungkol sa kung paano kami madalas asarin ng mga kaibigan namin.
"Kung nakita mo lang kung paano magwala si Poom kanina habang nilalagyan ko ng cream ang pasa niya, baka isipin mong kinakatay na baboy siya natatawa kong kwento habang inilalarawan ang itsura ni Poom gamit ang aking mga kamay. "Sobrang OA, kulang na lang ay tumawag ng ambulansya para lang sa isang maliit na galos"
"Talaga?" tanong ni Thorn, may kasamang kaunting amusement sa kanyang boses.
"Ool At si Achi naman... wala lang, nandoon lang sa gilid habang pinapanood kami na parang nanonood ng isang nakakatawang palabas sa TV. Wala man lang siyang pakialam kung mamatay na si Poom sa sakit, dugtong ko pa habang patuloy na nagrereklamo tungkol sa mga kaibigan ko. "Sila lang talaga ang may kakayahang magpatawa sa akin sa gitna ng ganitong gulo."
Naramdaman ko ang paghinto ng paglakad ni Thorn, dahilan para mapatigil din ako sa aking mga hakbang at lumingon sa kanya.
Nakatayo siya sa ilalim ng dilaw na liwanag ng isang poste ng ilaw. Ang talukbong ng kanyang grey hoodie ay bahagyang nahulog, dahilan para makita ko nang buo ang kanyang mukha sa ilalim ng liwanag. At doon nakita ko ito.
Isang ngiti ang dahan-dahang sumilay sa kanyang mga labi. Hindi yung smirk na madalas niyang ginagawa sa school tuwing may laro, at hindi rin 'yung pilit na ngiti para lang maging polite. Isang totoong ngiti, maliit, sandali lang, pero punong-puno ng katapatan at init na hindi ko kailanman nakita sa kanya noon. Ang kanyang mga mata ay kuminang sa ilalim ng liwanag, at ang kanyang buong mukha ay biglang lumambot na parang isang ganap na ibang tao.
Parang biglang tumigil ang t***k ng puso ko sa pagkakataong iyon.
Napatitig ako sa kanya, hindi ko magawang alisin ang aking paningin sa kanyang mukha habang ang aking utak ay parang biglang na-shookt sa kagandahan ng sandaling iyon. Ang bilis ng t***k ng puso ko ay naging iba-hindi dahil sa kaba mula sa mga narinig ko kay Krit, kundi dahil sa isang kakaibang pakiramdam na ngayon ko pa lang naranasan sa buong buhay ko.
"Bakit?" tanong niya nang mapansin niyang nakatitig ako sa kanya nang walang kibo.
Mabilis kong iniwas ang tingin ko naramdaman ang matinding init na biglang umakyat sa aking mga pisngi hanggang sa aking mga tenga "W-Wala naman, Sige, una na ako. Malapit na ang bahay namin dito."
"Sige. Mag-ingat ka mababang sagot ni Thorn habang pinapanood ko ang dahan-dahang pagtalikod niya para
magpatuloy sa paglalakad patungo sa kabilang kanto
Naglakad ako pabalik sa amin nang mabilis, halos tumatakbo na sa sobrang kaba at hiya na nararamdaman ko sa sarili ko. Ngunit habang naglalakad ako sa ilalim ng tahimik na gabi, napagtanto ko ang isang bagay.
Hindi ko na inisip si Krit. Hindi ko na iniisip ang Inter-Class Competition o ang mga babala ni Papa.
Ang tanging natitira na lang sa isip ko.. ay ang ngiti ni Thorn sa ilalim ng dilaw na liwanag ng poste. At kahit anong pilit kong inisin ang sarili ko dahil doon, hindi ko pa rin mapigilang mapahawak sa aking dibdib.