Kabanata 9 "HOY, La bakit ang dami pa din na nakatingin sa akin? Akala ko ba ay wala ng magtatangka pang tingnan ako?" singhal ko kay Lola na nakahawak sa kamay ko. Ramdam na ramdam ko ang mga matang nakatingin sa akin. Ang kaibahan lang ay matatalim at nakakatakot silang tumingin. "Ngayon lang kasi sila nakakita ng taong kasing panget mo. Dati ay tinitingnan ka nila dahil walang katumbas ang ganda mo ngayon naman ay walang katumbas ang kapangitan mo" tumatawang pahayag ni Lola kaya naman napasimangot ako. Kung hindi ko lang talaga siya Lola ay matagal ko na itong nabatukan. Ang sarap tirisin nakakasura. Naglalakad kami sa bayan ng Pyros. Namimili ng damit na katulad ng sa Manhara. Kung magpapanggap daw kami na isang Minhana ay baka mas lalo akong kuyugin ng mga estudyante sa lugar na

