Kabanata 8 HINDI makapaniwalang napatitig ako kay Lola. Para naman atang sobrang inabuso ni Lola ang kaniyang physical manipulation. Sa akin ay itsura ko lang talaga ang nagbago samantalang siya ay hindi lang itsura kundi ang edad niya ay nagbago din. "La, andaya mo naman. Bakit isa kang 7 years old na bata? Mukha bang kaya kitang alagaan?" naiinis kong turan habang nakatingin sa batang babaeng sobrang cute. Kung hindi ko lang alam na siya ang aking Lola ay kanina ko pa pinisil pisil ang kaniyang pisngi. "Kasi ito ang huling laman ng isip ko. Lagi mo kasi akong tinatawag na matanda. Kaya ganyan din ang itsura mo dahil ayaw na ayaw mong tinititigan ka ng kalalakihan. Ayaw mong pinagpapantasyahan ka nila" Nalulumo akong lumabas ng kwarto. Ibig sabihin ganito ang mukha ko sa loob ng is

